Hindi agad nakatulog si Alice nang gabing iyon.
Nakahiga siya sa kama, nakatingin sa kisame, habang paulit-ulit na bumabalik sa isip niya ang mga salitang binitiwan ni David bago ito pumasok sa kwarto.
“Parang gusto kong kalimutan na peke lang ang lahat.”
Marahan siyang napabuntong-hininga. Inikot niya ang katawan, saka muling humarap sa kisame.
“Hindi dapat,” bulong niya sa sarili. “Hindi dapat.”
Pero kahit ilang ulit niyang pigilan ang sarili, hindi niya maikaila—may nararamdaman na siyang hindi kasama sa napag-usapan nila.
Kinabukasan, maagang gumising si Alice. Tahimik pa ang buong unit. Dahan-dahan siyang bumangon at nagtungo sa kusina. Sinubukan niyang maging abala para hindi mag-isip. Naghiwa siya ng tinapay, nagsalang ng kawali, at nagluto ng simpleng almusal.
Habang binubuksan niya ang coffee maker, narinig niya ang mahinang yabag ng paa.
“Good morning,” sabi ni David na paos pa ang boses.
Napalingon si Alice. “Good morning.”
Sandaling nagkakatitigan ang dalawa, parang may ilang segundong pareho silang nag-alinlangan kung ano ang sasabihin.
“Maaga pa,” sabi ni David.
“Hindi na ako nakatulog,” mahinahon na sagot ni Alice.
Tumango si David. “Ako rin.”
Tahimik silang kumilos. Umupo si David sa mesa habang si Alice ay naglalagay ng pagkain sa plato. Walang nagsasalita, pero ramdam ang bigat ng katahimikan.
“Alice,” biglang tawag ni David.
Bakit?” sagot niya na hindi lumilingon.
“About kagabi…” huminto siya, tila naghahanap ng tamang salita. “Sorry.”
Humarap si Alice sa kanya. “Bakit ka nagsosorry?”
“Hindi ko dapat sinabi ‘yon,” sabi ni David. “Nabigla lang ako.”
Sandaling tumahimik si Alice bago sumagot. “Okay lang. Naintindihan ko.”
“Sigurado ka?” tanong ni David na seryoso ang tingin.
Tumango si Alice. “Oo. Pareho lang naman tayong nahihirapan.”
Napabuntong-hininga si David. “Hindi ko gustong mailagay ka sa alanganin.”
“Matagal na akong nasa alanganin,” mahina niyang sagot, sabay pilit na ngiti. “Pero kaya ko.”
Hindi na sumagot si David. Sa halip, tumayo siya at lumapit sa kusina.
“Tutulungan na kita,” sabi niya.
“Hindi na—”
“Huwag ka nang tumanggi,” putol ni David, sabay kuha ng pinggan. “Mag-asawa tayo.”
Bahagyang natahimik si Alice. “Oo nga, pero sa papel,” bulong niya.
Habang magkatabi silang kumikilos, paminsan-minsan ay nagkakasalubong ang kamay nila. Sa bawat dampi, parang may kuryenteng dumadaloy, at pareho silang biglang umiiwas.
Matapos kumain, naghanda si David para pumasok sa trabaho.
“May lakad ka ba mamaya?” tanong niya habang nagsusuot ng relo.
“Wala naman,” sagot ni Alice. “Dito lang ako.”
“Sunduin kita mamaya,” alok ni David. “Magdi-dinner tayo sa labas.”
Nagulat si Alice. “Date?”
Umiling si David. “Hindi. Dinner lang. Para maiba naman ang ambiance mo. Palagi ka nalang nakakulong dito sa unit.”
Bahagyang napahiya sa sarili si Alice pero Hindi niya pinahalata sa lalaki.“Sige,” sagot niya sa huli. “Okay lang.”
Ngumiti si David. “Six pm.”
Pagkaalis ni David, muling bumalik ang katahimikan sa unit. Naupo si Alice sa sofa, yakap ang unan. Nakatingin lang siya sa kawalan.
Hanggang kailan ganito? tanong niya sa sarili.
Bandang hapon, nagbihis si Alice. Simple lang ang suot niya—isang dress na hindi masyadong pansin, pero maayos.
Eksaktong alas-sais, dumating si David.
“ l love your simplicity” compliments ni David.
“Thanks” medyo naiilang na saad ni Alice. Pero ganonpaman masaya ang puso niya dahil sa magandang papuri ng lalaki.
“Ready ka na?” tanong niya.
“Oo,” sagot ni Alice.
Sa maliit na restaurant sila kumain. Tahimik at simple, walang engrandeng dekorasyon. Mas komportable si Alice roon.
“Mas gusto ko rito,” sabi niya.
“Talaga?” tanong ni David.
“Oo,” tango ni Alice..”
Nagkatinginan sila.
“Alice,” mahinang sabi ni David. “Kung sakaling matapos na ang lahat,”
Napahinto si Alice. “Bakit?”
“Anong plano mo, saan ka pupunta?” tanong niya.
Sandaling natahimik si Alice.
“Babalik ako sa dati kong buhay,” sabi niya, may bahagyang pait sa kanyang boses.
Isinubo niya ang pagkain, ngunit hindi niya iyon halos malasahan. Abala ang isip niya.
Tumango si David. “Kung sakali,” dagdag niya, “gusto kong maging okay ka”
Ngumiti si Alice. “Ikaw rin.”
Pag-uwi nila, mas mabigat ang katahimikan.
“Good night,” sabi ni David sa pinto ng kwarto ni Alice.
“Good night,” sagot niya.
Ngunit bago niya tuluyang isara ang pinto, nagsalita si David.
“Alice.”
Huminto siya. “Hmm?”
“Salamat,” sabi ni David. “Sa pagiging totoo.”
Ngumiti si Alice. “Salamat din.”
Nang mag-isa na siya sa kwarto, umupo si Alice sa gilid ng kama. Dahan-dahan niyang hinawakan ang dibdib niya.
Hindi na niya kayang itanggi—hindi na ito simpleng papel lang.
Sa kabilang kwarto, nakaupo rin si David sa kama, nakatungo.
Pareho silang gising. Pareho silang nag-iisip.
At pareho nilang alam na papalapit na ang araw na kailangan na nilang pumili kung hanggang saan lang ang kaya nilang isugal.
Nagising si Alice na masakit ang ulo at mabigat ang pakiramdam. Dahan-dahan siyang umupo sa kama,. Bakas pa rin sa isip niya ang nangyari kagabi—ang pag-uusap nilang dalawa ni David, ang mga salitang tumagos sa puso niya.
Lumabas siya ng kwarto. Akala niya ay mag-isa lang siya, pero nadatnan niya si David sa kusina. Nakaupo ito sa mesa, hawak ang tasa ng kape, halatang malalim ang iniisip dahil Hindi siya agad napansin ng lalaki.
Maya’t maya Nagkatinginan sila.
“Good morning,” mahinang bati ni Alice.
“Good morning,” tugon ni David na halatang puyat na naman.
May ilang segundong katahimikan bago nagsalita si Alice. “NakaTulog ka ba ng maayos?”
“Kaunti lang,” sagot ni David. “Ikaw?”
Umiling si Alice. “Hindi rin.”
Pareho silang napangiti ng pilit.
“Alice,” Yong tungkol kagabi?
“Okay lang,” agad na sagot niya. “Hindi natin kailangan pag-usapan pa.”
Huminga ng malalim si David.
Tumayo si Alice at nagbukas ng ref. “Magluluto ako ng almusal.”
“Tutulungan na kita,” sabi ni David na agad ding tumayo.
Habang naghahanda sila ng lulutuin, may distansya ang galaw nila—maingat, parang parehong natatakot na magkamali.
“Pupunta tayo Mamaya sa bahay,” sabi ni David habang kinukuha ang kutsilyo at chopping board mula sa cabinet.
Napahinto si Alice. “Ah.”
“Gusto kang makita ni Mama, Pero kung Hindi ka comfortable Hindi na tayo tutuloy” dagdag ni David.
Tumango si Alice. “Sige.”
Bandang tanghali, dumating sila sa bahay ng pamilya ni David. Muli silang sinalubong ng malamig na tingin ng mommy nito.
“Andito na pala kayo,” sabi ng ginang. “Akala ko hindi na kayo darating.”
Tumingin ang babae kay Alice. “Mabuti naman at Sumama ka.”
“Opo,” mahinahong sagot ni Alice.
Habang nagkakape sila sa sala, hindi inaalis ng ginang ang tingin kay Alice.
“Sabihin mo nga,” biglang tanong ng babae, “mahal mo ba talaga ang anak ko?”
Nanlamig ang mga kamay ni Alice.
“Ma,” mariing sabi ni David. Lihim niyang inabot ang kabilang kamay ni Alice upang e comfort, ramdam niyang Hindi na ito comfortable habang tinatanong ng mama niya.
“Hayaan mo siyang sumagot,” sagot ng ginang. “Gusto kong marinig.”
Huminga ng malalim si Alice.
“Mag-asawa kami,” mahinahon niyang sagot. Love is part of our marriage.”
Habang sinasabi niya ang mga salitang iyon, ramdam niya ang bigat at katotohanan na dala ng bawat letra. Bukal iyon sa loob niya, kahit may kaunting kaba sa dibdib.
Ngumiti ang ginang, ngunit hindi umabot sa mga mata nito ang ngiti—isang ngiting halatang hindi pa rin kumbinsido.
Tumayo si David. “Ma, tama na.” Saway ni David sa Ina ng mapansin na nag iba na ang timpla ng mukha ni Alice.
“Ayoko ng babaeng hindi sigurado,” mariing sabi ng ginang. “Hindi laruan ang anak ko.”
Tila May bigat at galit na pinipigilan sa bawat salitang binibitawan niya.
Tahimik si Alice. “Hindi ko po siya pinaglalaruan.”
“Kung ganon,” sabi ng ginang, “handa ka bang mawalay sa kanya?”
Napatingin si Alice kay David. Kita niya ang tensyon sa mukha nito.
“Ma,” madiing sabi ni David, “sobra na ito.”
“Hindi,” sagot ng babae. “Pinoprotektahan lang kita.”
Tumayo si Alice. “Kung may kailangan po kayong patunayan, ako na po ang lalayo.”
“Alice!” tawag ni David.
Ngunit naglakad na siya palabas.
Hinabol siya ni David sa labas ng bahay.
“Bakit mo ginawa ‘yon?” tanong niya.
““Para hindi na lumala,” mahinahong sagot ni Alice. “Mas lalo lang gugulo ang lahat kung magpapatuloy tayo sa ganitong sitwasyon.”
“Alice,” seryosong sabi ni David. “Lagi kong sinasabi sa’yo, nasa tabi mo lang ako. Hindi mo kailangan umalis.”
Umiling si Alice. “Pero kailangan,” mahina ngunit may katigasang sagot niya.
Napa Tahimik si David. Wala siyang naisagot, at sa katahimikan iyon, mas lalo niyang naramdaman ang bigat ng mga salitang binitiwan ni Alice.
“Balik na tayo,” sabi niya sa huli. “Mag-usap tayo mamaya.”
Habang naSa biyahe naron ang bigat at katahimikan sa pagitan nilang dalawa. Tila nagpakiramdam ang bawat isa kung sino ang mauuna na magsalita.
Pagdating sa unit, agad pumasok si Alice sa kwarto niya.
Kinagabihan, nakatanggap si Alice ng mensahe.
Olivia: Hi Alice, bumalik na ako, pwede ba tayong mag-usap? Importante lang.
Napatingin si Alice sa screen habang nag uunahan ang kaba sa dibdib.
Alam niyang ang susunod na pag-uusap na iyon ang posibleng pagbabago ng lahat.