Chapter 15

2000 Words
Chapter 15(FINAL) The Substitute Bride At the Party “How dare you to come back here, Alice?” mapanuyang sabi ni Olivia habang sinusukat siya mula ulo hanggang paa. “Akala ko wala ka na.” May halong pang-iinsulto ang bawat salitang lumalabas sa bibig nito. Bahagya itong ngumiti na puno ng pang mamaliit. “Kahit anong gown pa ang isuot mo,” dugtong ni Olivia, “basahan ka pa rin sa paningin ko.” Nanatiling tuwid si Alice. Hindi siya umiwas ng tingin. Sa gitna ng ingay ng salu-salo at kumikislap na mga ilaw, ramdam niya ang bigat ng mga salita ni Olivia—ngunit mas ramdam niya ang lakas na unti-unti nang bumabalik sa kanya. “Talaga, Olivia?” Sumilay ang ngiti sa labi ni Alice. “Kaibigan pa naman kita.” Saglit siyang huminga, pilit pinipigilan ang emotion. “Lahat ng ipinakita kong kabutihan sa’yo.“Nasayang lang, ang pag-aalala at malasakit ko.“Pero salamat pa rin,” dugtong niya. “Dahil sa lahat ng nangyari, nandito ako ngayon.” “Mas matatag. Mas buo.” Napangisi si Olivia, puno ng pangmamaliit. “Talaga?” sarkastiko nitong sagot. “Ano bang meron ka?” “Wala naman, ’di ba?” “Kung tutuusin, mas angat pa rin ako sa lahat ng bagay kaysa sa’yo.” Nanatiling tuwid si Alice, hindi natinag ng mga salita ng babae. Sa gitna ng engrandeng handaan, malinaw na hindi na siya ang dating babaeng madaling masaktan, isa na siyang babaeng marunong tumayo para sa sarili. “Well,” kalmado at may kumpiyansang sabi ni Alice, “contentment at peace of mind.” “’Yan ang meron ako, Olivia—-” “Ma’am Olivia ang itawag mo sa akin,” mariin ngunit kalmadong sabi niya, “dahil hindi tayo magka-level.” “Okay, Ma’am Olivia,” mahinahong sagot ni Alice na may kasamang paninindigan sa bawat salita. “At sinong nagpasok sa’yo sa party na ito?” mapanuyang tanong ni Olivia, halatang nanlilisik ang mga mata. “Hindi bagay sa’yo ang lugar na ’to, di ba?” “Secret, Ma’am Olivia,” nakangising sagot ni Alice na may halong tapang sa tinig. “And I think, it's none of your business.” “Tama ka, wala akong pakialam,” sagot ni Olivia,“Dahil ayokong masira ang araw ko ngayon. Masyado akong maganda para aksayahin ang oras ko sa’yo.” “Olivia, iha,,you’re here.” Sulpot ng Mommy ni Olivia, nakangiti ngunit halatang mapanuri. Pulang-pula ang kanyang labi, over fashion ang style. Yon Ang napansin ni Alice. “Yes, Mommy,” sagot ni Olivia, kalmado ngunit may halong pagpapakita ng gilas. “Nagkakuwentuhan lang kami ni Alice.” “MaButi iha, at nakapasok ka sa party na ito,” sabi ng nanay ni Olivia, magalang ang tono, ngunit halatang may halong pang-iinsulto sa bawat salita. “Yes po, Mrs. Ledesma,” sagot ni Alice na mahinahon ngunit may halong kumpiyansa. “Gusto ko lang makakita ng mga mayayamang nagpaparty.” “Sabagay, enjoy mo iha, this is your opportunity,” sabi ng nanay ni Olivia na may halong pang mamaliit. “Sa tulad mong mahirap, minsan lang makapasok sa ganitong party.” “iha Olivia,” dagdag pa niya na medyo nakangisi, “Mukhang excited ka na sa magiging surprise ni David mamaya, ah?” “Of course, Ma. I can’t wait for that. I’m so excited,” masiglang sagot niya, bakas sa mukha ang hindi mapigilang pananabik. “Paano ba ’yan, iha,” wika ng ginang habang bahagyang ngumiti. “Mukhang iaanunsyo na nina David at Olivia sa publiko ang kanilang kasal.” Humarap siya kay Alice, ang bawat salita ay may kasamang pagmamayabang, na para bang sinasadya niyang idiin ang sakit na maaaring maramdaman nito. “I’m happy for them,” normal at mahinahong sagot ni Alice. Walang bakas ng inggit sa kanyang tinig, bagkus ay isang ngisi na pilit tinatago. “Oh, thanks, Alice,” sagot ni Olivia na may bahid ng pangungutya. “Kahit alam kong naiinggit ka sa estado ko ngayon, huwag kang mag-alala. Makakahanap ka rin ng para sa’yo balang araw.” “Huwag kang mag-alala, Olivia. Hindi ako nagmamadali. Kung may dumating, ayos lang. Kung wala, okay lang din ako,” matatag na wika ni Alice. “Iha, Olivia, halika na roon,” aya ng ginang. “Salubungin natin ang iba ninyong bisita ni David.” “Sure, Mommy,” masayang tugon ni Olivia. Napailing na lamang si Alice habang pinagmamasdan ang dalawa palayo. “Mga oportunista,” bulong niya sa sarili, kasabay ng ngisi sa labi. “Hello, Everyone welcome to our party!” masayang anunsyo ng mama ni David, bakas sa mukha ang tuwa. “This party is just simple, for thanksgiving. And I would also like to announce some important things.” “Ready ka na, Olivia,” bulong ng ina niya. “Mukhang tatawagin na kayo ng mama ni David. Ngumiti ka nang maayos—’yung ngiting tagumpay.” “Oo naman, Ma. This is a big new opportunity for us,” kumpiyansang sagot ni Olivia na may kasamang palihim na ngisi. “I would like to introduce my son and my daughter-in-law,” nakangiting sabi ng ginang. “Yan na, iha. Ready ka na. Siguradong magiging masaya ang lahat para sa’yo at kay David,” bulong muli ng ina ni Olivia. “Yes, Mommy,” sagot ni Olivia. Nag-uunahan sa dibdib niya ang kaba at tuwa. “Mahal na mahal talaga ako ni David,” sabi niya sa sarili. Kahit nagkamali ako noon, handa pa rin niya akong tanggapin. “David and Alice.” Biglang umalingawngaw ang palakpakan ng mga bisita. Samantala, halos lumuwa ang mga mata ni Olivia at ng kanyang ina sa gulat. “No—no! Hindi ako makakapayag!” sigaw ni Olivia, dahilan upang mapatingin ang lahat sa kanya. Mabilis siyang nagtungo sa harap. “That woman is an impostor! Ako ang totoong asawa ni David!” sigaw niya. Napalitan ng katahimikan ang kasiyahan ng mga bisita. Gulat ang rumehistro sa mukha ng mga bisita habang nakatingin kay Olivia. “Oo, at papatunayan ko ’yan,” sabat ng ina ni Olivia. “Nandoon ako sa kasal nila. May kopya pa ako ng marriage contract.” Malakas niyang inilapag ang mga papeles sa mesa. “Come on, Mrs. Ledesma,” malamig na wika ng mama ni David. “Naubusan na ba kayo ng respeto sa sarili?” “Karapatan lang ng anak ko ang pinaglalaban ko!” “Talaga?” ngumising tanong ng ginang. “Iho, Wilbert, pakiabot nga ang envelope.” Inabot ni Wilbert ang sobre. “Tingnan natin kung may masasabi pa ang babaeng ito,” dagdag ng ginang. “Check this marriage contract. Kung makikita mo riyan ang pangalan ng anak mo, tatanggapin ko si Olivia.” Inagaw ng ina ni Olivia ang dokumento. Nanginginig ang kamay niya habang binabasa ito. Walang pangalan ni Olivia. Ang nakalagay—Alice Santilban. “Mommy…?” halos pabulong na sambit ni Olivia. “What the h*ll? Hindi ito totoo!” “Paano nangyari ’to?” nanginginig niyang tanong. “Simple,” mahinahong sagot ng mama ni David. “Hindi ko ipina-register ang pangalan mo dahil wala ka naman sa kasal. Si Alice ang nandoon. Walang alam si David sa ginawa ko noon, pero malaking pasasalamat niya ngayon—dahil nailigtas ko siya sa mga oportunistang katulad niyo.” Tahimik ang buong paligid. “Alam kong pera lang ang habol ninyo sa anak ko,” patuloy ng ginang. “Pina Imbestigahan ko kayo. Kaya kung may natitira pa kayong hiya, Segi maki-party muna kayo—habang hinihintay ang pulis na huhuli sa mga sal*t ng lipunan na tulad niyo.” “Olivia, dear,” nakangiting sambit ni Alice habang nakatayo sa tabi ni David, ang kamay nito ay mahigpit na nakapulupot sa kanyang bewang. “Pinaglaruan mo ako, David!” galit na sigaw ni Olivia. “No, Olivia,” mariing sagot ni David. “Ikaw ang bumilog sa ulo ko. Akala mo makakakuha ka ng pera—kasama ang pamilya mo at ang lalaking karelasyon mo!” “Anong masasabi mo ngayon, Olivia?” nakangising tanong ni Alice. “My God! Olivia, let’s go!” nagpapanic na wika ng Ina ni Olivia. Wala na itong mukhang maiharap habang tinatakpan ng hawak nitong purse ang mukha. Halos patakbong umalis ang dalawa sa gitna ng karamihan papunta sa labas. “Continue the party, guys!” sigaw ng mama ni David. “Wala na ang mga sal*t dito sa loob!” Muling umalingawngaw ang musika at palakpakan, habang si Alice ay nanatiling nakatayo sa tabi ni David—Masaya, Magaan ang loob, tahimik, at sa wakas ay nasa tamang lugar na. Nakangiting lumapit ang ginang sa kanilang dalawa. “Thanks, Ma,” wika ni David. “You’re always welcome, iho,” malambing nitong sagot. “Thank you rin po, Tita, taos-pusong sambit ni Alice. “You’re always welcome, iha,” and call me mommy from now on,” nakangiting tugon ng ginang. “Muntik ko nang pingutin ang tenga ni David noong bigla kang umalis.” Napakamot na lamang sa ulo si David, dahilan upang mapangiti si Alice. “Alam mo,” dagdag pa ng ginang, “kahit ipikit ko man ang mga mata ko, sigurado akong napunta si David sa isang mabuting babae. At ikaw ’yon, iha.” “Maraming salamat po,” nanginginig sa emosyon ang tinig ni Alice. Niyakap niya nang mahigpit ang ginang, habang marahang hinahaplos nito ang kanyang likod. “Congrats, bro,” sabat ni Daniel. “Happy ending na ang lahat. Sayang nga lang at naudlot ang love story nina Alice at Wilbert.” “Gag** ka talaga!” biro ni David. “Gusto mo bang i-kick out kita rito?” sabay hila kay Alice palapit sa kanya nang mapansing paparating si Wilbert. “Haha, biro lang, pare!” mabilis na depensa ni Daniel. “Uy, babati lang ako. Bakit inilalayo mo agad si Alice sa akin?” natatawang sabi ni Wilbert. “Baka agawin mo pa at itago sa ’kin,” parang batang sagot ni David, dahilan upang matawa si Alice. “Salamat, Wilbert,” nakangiting sambit ni Alice. “Huwag kang ngumiti sa kanya, wife,” selos na sabi ni David. “Hoy, parang bata ka,” natatawa na tugon ni Alice. “Kahit ngumiti man ako sa iba, mas espesyal pa rin ang ngiti ko para sa’yo.” “Naks naman, parang nakakabakla na,” tukso ni Daniel. “Ikaw, Daniel, maghanap ka na kaya ng asawa,” biro ni Alice. “No thanks, bruh. I love my single life,” sagot ni Daniel. “Ayokong magaya kay Pareng David at kay Pareng Wilbert!” Sabay-sabay na nagtawanan ang lahat, habang ang gabi ay nagpatuloy sa masayang ingay. Habang nagpapatuloy ang kasiyahan, hinila ni David si Alice palayo sa ingay ng mga tao. Huminto sila malapit sa hardin, kung saan mas tahimik at mas malinaw ang liwanag ng buwan. “Salamat,” mahina niyang sabi. “Kung hindi dahil sa’yo, hindi ko mararanasan ’to.” Ngumiti si Alice. “Salamat din,, dahil pinili mo akong maging parte ng buhay mo.” Hinawakan ni David ang kamay niya, mahigpit ngunit maingat. “Sa lahat ng nangyari, isang bagay lang ang sigurado ako—ikaw ang asawa ko. Hindi dahil sa papel, kundi dahil sa puso.” Namula si Alice. “Ang cheesy mo.” “Cheesy pero totoo,” natawang sagot ni David bago siya marahang halikan sa noo. “Uy! Bawal ang sweet dito!” sigaw ni Daniel mula sa loob. “Ang dami pa oh!” Napailing si Alice at natawa. “Tara na, bago pa maubos ang handa.” Pagbalik nila sa gitna ng kasiyahan, sinalubong sila ng palakpakan at kantiyawan. Magkahawak-kamay silang pumasok—hindi na bilang lihim, kundi bilang mag-asawang handang harapin ang mundo nang magkasama. At sa gabing iyon, sa gitna ng tawanan at musika, tuluyang nagsimula ang kanilang tunay na kwento ng pag-ibig. WAKAS. !!!!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD