Parehong napalingon sina Alice at Wilbert nang may marinig silang kumatok sa pinto.
“May inaasahan ka bang bisita?” tanong ni Alice habang dahan-dahang inilapag ang kutsarita sa plato ng dessert.
“Wala naman,” sagot ni Wilbert, halatang nagtataka. Katatapos lang nilang kumain. Papalabas na sana siya dahil may meeting pa siya, habang si Alice naman ay nananatili sa sala—kumakain ng dessert at nanonood ng TV.
“I’ll check,at diretso na ako sa labas” sabi ni Wilbert at tumayo.
“Sige, mag-ingat ka,” paalala ni Alice.
“Lock mo ang pinto pag-alis ko. Baka bukas na ulit ako makabalik,” dagdag niya.
“Sure,” sagot ni Alice na mahinahon.
Pagbukas ni Wilbert ng pinto, tila napako siya sa kinatatayuan.
Naroon si Daniel, nakangisi, at sa tabi nito ay si David—nakatingin sa kanya na may ngiti din sa labi may bitbit na plastic. Hindi siya na inform ng dalawa na pupunta pala mga ito sa unit niya.
“Bro, para kang nakakita ng multo diyan,” biro ni Daniel habang papasok pero bahagyang tumigil sa bungad ng pinto.
“Papasukin mo na kami. Kanina pa kami kumakatok.”Si David na tila nayayamot ang mukha.
“Oo nga,” dagdag pa ni Daniel. “May dala pa kaming drinks. Pang-relax sana, pero mukhang aalis ka na.”
“Ye—yeah,” sagot ni Wilbert, halatang nauutal. “May meeting pa sana ako.”
“Cancel mo muna,” sabi ni Daniel, seryoso na ang tono. “Hindi ka ba naaawa sa kaibigan natin brokenhearted?”
Hindi nakapagsalita si Wilbert. Ayaw niyang malaman ng dalawa lalo na si David na nasa unit nito si Alice. Marahil hindi pa gusto ni Alice na makaharap si David. Lalo na’t hindi pa maayos ang damdamin nito.
Sa may sala, nagtaka si Alice. May naririnig siyang boses sa labas. Hindi pa pala umaalis si Wilbert. Dahil Hindi niya narinig ang tunog ng pinto tanda na sarado na.
Dahil sa kuryosidad, tumayo siya at lumapit sa pinto.
“Wilbert, sino—”
Ngunit napahinto siya.
Parang huminto ang mundo.
Si Daniel, nakangisi ngunit nanlalaki ang mata.
Si Wilbert, nanigas sa kinatatayuan.
At si David—nakatingin sa kanya, puno ng emosyon. Nabitawan ang hawak nito at bumagsak sa sahig.
Hindi mabasa ni Alice ang mukha nito. Halo-halong damdamin—gulat, galit, pananabik, at sakit.
“Ikaw!” sigaw ni David habang biglang tumingin kay Wilbert.
“Ikaw pala ang nagtatago sa kanya!”
“David—” hindi pa natatapos ang sasabihin ni Wilbert.
Biglang sinuntok ni David si Wilbert sa mukha. Si Daniel naman, mabilis na kumilos upang awatin ang dalawa. Si Alice, gulat at naguguluhan, hindi alam kung sino ang unahin—si David ba o si Wilbert.
“HOW DARE YOU!” sigaw ni David. “Ikaw ang dahilan kung bakit hindi ko makita si Alice!”
“Traydor ka!”
“Kaibigan kita! Pero paano mo nagawa ‘to?!”
Gumanti si Wilbert. Tumayo siya at sinuntok din si David sa sikmura.
“Hindi mo alam ang buong kwento!” sigaw ni Wilbert.
“Hindi kita tinraydor!”
Nagkagulo sa ibang parte ng sala. Bumagsak ang mesa. Natapon ang inumin at dessert na kinakain ni Alice. Dahil nabagsakan ng dalawa.
“Tumigil kayo!” sigaw ni Alice na nanginginig ang boses.
Ngunit parang walang naririnig ang dalawa.
“Daniel, awatin mo sila bago pa magkasakitan!” utos ni Alice na nanginginig sa galit at kaba, ngunit umiling lang si Daniel.
“Leave it, Alice. Tingnan natin kung sino ang mananalo sa dalawa. Gusto mo, pustahan pa tayo?” biro ni Daniel na nakangisi.
“Puro ka kalokohan, Daniel! Tingnan mo, nagpapatayan na nga ang dalawa!” sigaw ni Alice, habang mabilis niyang nilapitan ang dalawa. Dahil Nakita niyang duguan ang bibig ni Wilbert.
Marahas na hinawakan ni David ang kuwelyo ng damit ni Wilbert habang nakapatong siya sa ibabaw ng lalaki.
“I searched for her everywhere!” sigaw ni David.
“Halos mabaliw ako kakahanap sa kanya!”
“Kung hindi ka sana naging bulag!” sigaw ni Wilbert kahit duguan ang labi.
“Kung Hindi mo sana pinairal ang kaduwagan mo, wala sana tayo rito!”
Biglang napatigil si David.
Parang tinamaan ang puso niya sa mga salitang iyon.
“David, tama na!” umiiyak na sigaw ni Alice ng tuluyan makalapit sa dalawa.
“Huwag mo siyang saktan!” Walang kasalanan si Wilbert!”
Nakita ni David ang mukha ni Alice—namumula ang mata, nanginginig ang mga kamay.
Niluwagan niya ang pagkakahawak sa kuwelyo ng damit ni Wilbert at dahan-dahan siyang tumayo. At lumapit kay Alice.
Huminga siya ng malalim.
“I’m sorry,,,” mahina niyang sabi na halos pabulong.
“Nadala lang ako ng galit.”
Bigla siyang lumuhod sa harap ni Alice.
Napasinghap ang lahat. Walang nakapagsalita. Parang huminto ang oras.
Hinawakan ni David ang magkabilang kamay ni Alice—mainit, nanginginig, puno ng pagsisisi. Inangat niya ang tingin sa babae, bakas sa mga mata niya ang luhang pilit pinipigil.
“Alice…” basag ang boses niya.
“Patawarin mo ako.”
Tumulo ang luha niya habang patuloy na nagsasalita.
“Hinahanap kita kahit saan.”
“Hindi ka nawala sa isip ko. Kahit isang araw. Dahil ikaw ang lagi kong iniisip.”
“Akala ko, kaya kong mabuhay nang wala ka… pero nagkamali ako.”
“Tila wala akong silbi kung wala ka sa tabi ko.”
Dahan-dahan niyang hinawakan ang mukha ni Alice, wari’y takot na baka mawala ito kapag binitawan.
“Ako ang may kasalanan,” amin niya.
“Pinabayaan kita. Hindi kita ipinaglaban. Hinayaan kong masaktan ka.”
“David…” mahinang tawag ni Alice, nanginginig ang tinig.
“Mahal kita, Alice,” sabi niya nang buong tapang, walang pag-aalinlangan.
“Ikaw ang tahanan ko.”
“Ikaw ang gusto kong makasama sa bawat umaga at gabi.”
“Ikaw ang gusto kong katabi sa pagtanda.”
“Pareng Wilbert,” bulong ni Daniel.
“Tara na. Tiisin mo muna ang sakit ng labi mo, Hayaan muna natin sila mag moment.” Mapang asar na saad ni Daniel habang inaalalayan si Wilbert
“Akala ko, pinili mo si Olivia,” nanginginig na sabi ni Alice.
“Akala ko, bumalik na kayo sa dati.”
“Akala ko,,wala na akong halaga sa’yo.”
Mabilis na umiling si David.
“Hindi,” mariin niyang sagot.
“Ikaw ang pinili ko, Alice.”
“Nagkamali lang ako. Natakot. Nalito.”
“Pero hindi ko na uulitin. Kahit kailan.”
Dahan-dahang yumakap si Alice sa kanya. Sa una’y nag-aalangan, ngunit kalauna’y mahigpit—parang ayaw na siyang pakawalan.
“Nasaktan din ako, David,” mahinang sabi ni Alice habang nakasandal sa balikat niya.
“Dahil mahal kita.”
Mahigpit siyang niyakap ni David, parang sinusubukang ipangako sa bawat yakap ang kanyang mga salita.
“Hinding-hindi na kita iiwan,” pangako niya.
“Kahit anong mangyari.”
“Kahit masaktan pa ako, pipiliin pa rin kita.”
Ilang sandali silang nanatiling magkayakap—walang salita, ngunit puno ng damdamin. Sa gitna ng luha at katahimikan, muling nabuo ang pusong minsang nabasag.
At sa sandaling iyon, alam nilang pareho—
ito na ang simula ng kanilang muling pagbangon at magkasama.