Pak!
Napahawak si Olivia sa kanyang pisngi, gulat na gulat.
“Tita,,?bakit mo ako sinampal?” nanginginig niyang tanong habang nakatingin sa mama ni David.
“‘Huwag mo akong matawag-tawag na tita!’” galit na sigaw ng ginang.
“Wala kang karapatan tumapak sa pamamahay na ito!”
“Tita, hindi naman po tama na pakitunguhan ninyo ako nang masama. Pumasok ako rito nang maayos, at may dala pa nga akong regalo para sa inyo—bilang peace offering,” mahinahong sabi ni Olivia.
“Tumigil ka,!” malamig na sagot ng ginang. “Hindi ako madadala ng bulok mong regalo. Kahit magkano pa ‘yan, kaya kong bilhin.”
Ngumisi si Olivia na bakas ang yabang sa kanyang mukha.
“Well,” sabi niya na bahagyang itinaas ang baba, “hindi ninyo ako basta-basta mapapalayas. Tandaan niyo, kasal kami ni David. At sa lalong madaling panahon, dito na ako titira—kasama kayo, my mother-in-law.”
“Over my dead body,” mariing sabi ng ginang na nanginginig sa galit. “Mamatay muna ako bago ka makatulog sa pamamahay na ito. Saan ka kumukuha ng kapal ng mukha para magpakita rito matapos ang ginawa mo sa anak ko?”
Itinaas ni Olivia ang kilay at ngumisi.
“It’s none of your business, my mother-in-law,” malamig niyang sagot. “Ang mahalaga, mahal ako ni David. At tatanggapin niya rin ako—soon.”
Humakbang siya palapit, puno ng kumpiyansa ang mga mata.
“Malapit na niya akong patawarin. Oo, kasalanan ko ang lahat, pero humingi na ako ng tawad sa kanya.”
“Get out of my house, now!” sigaw ng ginang. Sa lakas ng kanyang boses, naglabasan ang mga katulong mula sa kusina, halatang nagulat at nag-aalala.
“Huwag kayong sumigaw, Mother-in-law,” malamig na sabi ni Olivia na may ngising mapang-asar. “Mas mabuting maging mabait nalang kayo sa akin, dahil soon magkakasama na tayo. Or else,” dagdag pa niya, “hihilingin ko kay David, my husband na magpagawa ng ibang mansion para ilayo ako sa inyo. Babush!” sabay tawa niya.
Halos maputulan ng ugat ang leeg ng ginang sa sobrang galit. Nanginginig ang kanyang mga kamay habang pilit na kinokontrol ang sarili.
“Bumalik na kayo sa trabaho,” mariing utos niya sa mga katulong na nakatingin na puno ng pag-aalala.
———-
“David, babe,” umiiyak na sabi ni Olivia, pilit pinapahina ang boses. “Sobrang upset ko dahil sa mommy mo. Gusto ko lang naman sana siyang kausapin at makipagkuwentuhan, pero sinigawan niya ako at pinalabas sa bahay ninyo.”
Huminto siya sandali, pinahid ang luha sa pisngi.
“Sinabihan pa niya akong wala akong karapatan mag-stay doon, kahit mag-asawa naman tayo.”
“Stop it, Olivia!” mariing sabi ni David. “Hindi gagawin ni Mama ‘yan. At bakit ba pabalik-balik ka rito? Hindi ba sinabi ko na sa’yo na gusto kong mapag-isa? Wala ako sa mood na makinig sa mga drama mo sa buhay.”
Napa Atras si Olivia, bakas ang sakit sa kanyang mukha.
“Ang unfair mo sa akin, David,” nanginginig niyang sagot. “Ginagawa ko ang lahat para bumalik tayo sa dati. Nagpapakumbaba na nga ako, pero hindi mo pa rin nakikita ‘yon.”
“Wala akong sinabing gawin mo ang lahat, Olivia,” malamig na sabi ni David. “Dahil sa simula pa lang, wala nang dapat ayusin. Sinira mo na ang lahat.”
“Mahal kita, David,” mariing sagot ni Olivia. “Kaya ginagawa ko ang lahat ng ito.”
“Come on, Olivia. Leave me alone,” pagod na sabi ng lalaki. “Busy ako, at magulo ang isip ko sa trabaho.”
“Magulo ang isip mo dahil iniisip mo si Alice—ang babaeng ‘yon!” biglang singhal ni Olivia.
“How dare you to say that to her?” galit na sagot ni David. “Hindi ba kaibigan mo siya?”
“Noon,” malamig na sagot ng babae. “Pero ngayon, hindi na. Hindi siya magandang impluwensya sa akin. Inagaw ka niya sa akin, David. ‘Yon ang totoo.”
“Selfish ka, Olivia,” mariing sabi ni David. “At kahit kailan, walang inagaw sa’yo si Alice.”
“Huwag mo na siyang ipagtanggol,” pilit na sabi ni Olivia. “Ganyan ka lang dahil nadadala ka ng emosyon mo.”
Huminga siya nang malalim at bahagyang ngumiti.
“Okay, iiwanan muna kita para makapag-relax ang isip mo. Babalik ako mamaya at pagluluto kita,”.
Akmang hahalik sa pisngi ni David, ngunit mabilis niyang iniwas ang mukha.
———
Gigil sa inis si Olivia habang nakatayo sa labas ng building nila David. Paulit-ulit siyang tumitingin sa oras habang hinihintay ang sundo.
“Where the hell are you?” sigaw niya sa telepono. “Naiinitan na ako rito!”
“Relax, babe. Malapit na ako sayo,” sagot ng nasa kabilang linya. “Ang init na naman ng ulo mo. Gusto mo, palamigin natin ‘yan mamaya?”
“‘Yan ang gusto ko sa’yo, babe—mabilis kausap,” sabi ni Olivia. “Oh, bilisan mo na.”
“I’m here, sa harap mo.”
Nakangising sumakay si Olivia sa sasakyan at agad sinunggaban ng halik ang lalaking nasa loob.
“Let’s go,” sabi niya na may halong lambing at utos. “Paligayahin mo ako ngayon. Mainit ang ulo ko.”
“For sure, babe,” sagot nito. “Kumusta na ang pera natin? Meron na ba?”
Napailing si Olivia at bahagyang tumawa.
“Para ka rin si Mama, tanong ng tanong,” sabi niya. “Pero huwag kang mag-alala. Hindi magtatagal, mauuto ko rin si David. Magkakaroon tayo ulit ng maraming pera, at makakapasyal na naman sa ibang bansa—gaya ng dati.”
“Kaya mahal kita, my babe, Olivia,” sabi ng lalaki. “Lagi mo akong pinapasaya.”
Nagkatinginan silang dalawa at sabay na ngumisi habang umaandar ang sasakyan, patungo sa hindi tiyak na lugar—ngunit puno ng lihim at balak.
——
Okay na si Alice. Gumaan na ang kanyang pakiramdam habang nag jo-jogging sa park kung saan malapit lang sa unit ni Wilbert.Tahimik na nilalanghap ang sariwang hangin. Doon niya napagtanto na walang mangyayari kung lulunurin niya ang sarili sa lungkot. Hindi pa katapusan ng kanyang buhay para manatiling miserable.
Ngayon, kaya na niyang harapin ang mga taong naging dahilan ng kanyang lungkot. Lahat ng ito ay dahil kay Wilbert—sa araw-araw na paalala nitong maging matatag at huwag sumuko.
Matapos ang kanyang pag jo-jogging, bumalik na siya sa unit ni Wilbert upang magluto ng tanghalian. Baka bigla na naman itong dumating, at nakakahiya naman kung wala pa siyang naihanda. Nabanggit din ni Wilbert na balak siyang papasukin sa kumpanya nito kapag tuluyan na siyang maging okay.
At ngayon, handa na rin siya.
——
“Ma, napatawag kayo?” maingat na tanong ni David.
“Don’t you dare let Olivia come into the house!” mariing sabi ng ginang.
“May ginawa ba siya sa’yo na masama?” tanong niya.
“Wala,,, Pero ayokong makita ang mukha ng babaeng ‘yon pagkatapos ng ginawa niya sa’yo. Si Alice, na asawa mo, saan na ba siya? Bakit hindi mo dinadala sa bahay?” Napagtanto Kong Siya ang babae na para sayo, hindi si Olivia.”
Lumukso ang tuwa sa puso ni David, ngunit paano niya ipapaliwanag sa ina na halos dalawang araw na niyang hindi nakikita si Alice?
“Hey, David! Are you listening to me? Don’t tell me nakipag balikan ka sa stup*dang babaeng ‘yon! Hindi ko ‘yan matatanggap hanggat nabubuhay ako!” mariing sigaw ng ina.
“No, Ma. Actually, umalis si Alice sa unit ko at hindi ko alam kung saan siya pumunta,” sagot ni David na puno ng pangamba.
“What? What did you do, David?” Galit na tanong ng ginang.
“Umalis siya noong nalaman niyang bumalik si Olivia,” paliwanag niya.
“Oh, that stup*d girl again. Alam ko, baka may sinabing masama kay Alice. So, anong plano mo? Tutunganga ka lang diyan? Hindi mo hahanapin si Alice?”
“I did already, Ma. Pero wala pang balita ang taong inutusan kong hanapin si Alice,” sagot ni David.
“Okay… give me some news kapag nahanap mo na siya.”
“Sure, Ma,” sagot niya, nakahinga siya ng maluwag Tanggap na ng ina si Alice, ngunit saan nga ba niya hahanapin ang babae? Napasabunot siya sa kanyang buhok.
“Come to my office!” utos niya sa secretary.
“Sir, may papel po na dumating sa inyo. Galing kay Sir Wilbert.” Bungad ng kanyang secretary sabay lapag ng envelope sa harap nito.
Hindi pinansin ni David ang envelope.
“Okay, salamat. And, Cancel all my meetings.”
“Copy, sir.”
Napatingin si David sa kawalan, nagtaka kung bakit hindi pa pumunta sa opisina si Wilbert kahit si Daniel.
Wala siyang interes sa envelope baka project proposal lang ito mula sa isa nilang business na pinamunuan nilang tatlong magkakaibigan. Tinawagan niya si Wilbert, pero walang sumasagot. Gusto niyang yayain ang dalawa para uminom at mag-relax, kasi drained na rin ang utak niya.
“Daniel, where are you?” tawag niya sa telepono.
“You miss me, broh?” sagot ng kaibigan.
“Gag*! Buti sumagot ka. Come here, and we will drink. Drained na ang utak ko, gusto ko mag-relax,” Tinawagan ko si Wilbert pero hindi sumagot.
“Ako rin… mukhang may tinatago sa atin ang kaibigan natin. Nakakatampo. Punta nalang tayo sa unit niya para ma-surprise natin,” sabi ni Daniel.
“Luko, hindi ako mahilig sa surprise, pero sige… bili nalang ako ng alak sa drive-thru. Punta ka na dito.”
“Okay, coming broh. Give me a tight hug pagdating ko,” sagot ni Daniel.
“Assh**le!” mura ni David. Narinig niya ang malakas na tawa sa kabilang linya.
Samantala sa unit ni Wilbert.
“Kanina pa tumutunog ang mobile mo, Wilbert. Wala ka bang balak sagutin?” tanong ni Alice na Naglalagay ng plato sa table.
“My secretary, as always,” sagot ni Wilbert.
“Baka important yan,” .
“I will answer later.”
“Okay, maupo ka na, kain na tayo,” paanyaya ni Alice.
“Sure, aalis din ako agad pagkatapos pupunta ako sa office para ipaayos ko ang table mo,” sagot ni Wilbert.
“Wow, Wilbert… wag naman sobra. Mamaya pag-initan ako ng mga staff mo. Office girl lang ang work ko.”
“Syempre, malapit ka sa akin kaya special ang table mo,” tugon ni Wilbert na natatawa pagkatapos sumubo ng pagkain.
“Basta magawa ko ng maayos ang work ko, ‘yon ang mahalaga,” sagot ni Alice, sabay ngiti.