Chapter 12

1318 Words
Nakangisi si Olivia habang nakaupo sa sofa sa bahay ng kanyang ina, hawak ang tasa ng kape. Sa harap niya, nakatingin si Mrs. Ledesma, ang kanyang ina na may halong kaba at determinasyon sa mukha. “I’m doing my best, Ma… pero lint**k!” reklamo ni Olivia na halatang naiirita. “Laging Hinahanap ni David si Alice, akala ko tapos na ang problema natin.” “Olivia, iha,” mahinahong sabi ni Mrs. Ledesma, habang binabalik ang buhok sa likod ng tenga. “ gawin mo lahat para bumalik ang pagmamahal ni David sayo. Dapat ipairal mo ang utak mo, hindi ang puso mo. Tingnan mo ang napala mo, tingnan mo kung ano nangyari sa atin. Huminga ng malalim si Olivia, sabay ngisi na may halong kumpiyansa. “Well, don’t worry, Ma. I will do everything. Alam kong babalik sa akin si David, kasi ramdam ko pa rin na mahal niya ako.” Tumango si Mrs. Ledesma, halatang natuwa. “Good! Iha, bilisan mo lang. Huwag mo sayangin ang oras.” Nag Cheers ang dalawa ng inumin sabay pakawala ng nakakalokong ngiti sa mga labi nila. —— Walang salitang nakadungaw si Alice mula sa bintana. Pinagmamasdan niya ang kalawakan, tila naghihintay ng sagot sa lahat ng tanong na gumugulo sa kanyang isipan. Ramdam niya ang lungkot sa puso. Iniisip ang magulong sitwasyon na kinasangkutan niya, pati na rin ang pagkawasak ng puso niya. Naiisip niya si David at Olivia. Sa tuwing naiisip niyang magkasama na ang dalawa, masaya at tahimik na namumuhay, parang tinutusok ng libong karayom ang puso niya. Pero may isang malaking tanong sa isip niya. “Iniisip din kaya siya ni David minsan? Ang mga sandaling pinagsamahan nila,?ang mga simpleng alaala nila?” Pero,Sigurado siyang hindi, dahil masaya na si David kasama ni Olivia. Pinahid niya ang mga luha sa pisngi ng may marinig siyang yabag mula sa likod niya. Agad siyang humarap kay Wilbert at inaayos ang sarili. “Are you feeling better now?” mahinang tanong ni Wilbert na may halong pag-aalala. “Oo, okay naman ako, Wilbert. Salamat sa pagtatanong,” sagot ni Alice na nakangiti. “I’m glad to hear that. Isang araw ka na rin dito sa loob ng unit, gusto mo bang lumabas?” Bahagyang ngumiti si Alice. “Kaya nga eh, pasensya na ginawa kong lungga ang unit mo, ikaw tuloy ang umalis,” natatawang sabi niya. “I’m concerned about you, Alice. Kaya okay lang sa akin kahit forever ka mag-stay dito,” sagot ni Wilbert, na seryoso ngunit may kasamang pag aalala. “Syempre, temporary lang ako dito. Nakakahiya naman kung tatagal ako… abusado na iyon,” mahinhin na sagot ni Alice. “It’s up to you, Alice. So, gusto mo ba lumabas?” “Maybe the other day na lang, Wilbert. Hindi ko pa feel lumabas ngayon,” sagot ni Alice,” “Segi, ikaw ang bahala. Nagdala ako ng groceries. Baka may gusto kang kainin, you can cook anything you want,” nilagay ko na sa kitchen. “Salamat talaga, Wilbert. Kumain ka na ba?” tanong ni Alice. “Actually, not yet. Kaya kita niyaya lumabas para kakain tayo sa baba sana,” sagot ni Wilbert. “Well… we don’t need to go out. Tamang-tama, may pinamili ka na, so magluluto na lang ako ng pagkain natin. Okay ba iyon?” sagot ni Alice, na may ngiti sa labi. “Sure, Alice. I’d love to taste your handmade food. I’m sure masarap ‘yan,” sabi ni Wilbert, na may kasamang pambobola. “Hahaha, bolero ka! Hindi mo pa nga natitikman ang luto ko eh,” natatawa si Alice, halatang natutuwa sa biro niya. Nagtungo ang dalawa sa kusina. Pinagtulungan nilang ilabas ang mga pinamili ni Wilbert mula sa mga plastic bag. “Anong klaseng luto ang gusto mo?” tanong ni Alice habang nilalagay sa malaking bowl ang fresh chicken na nahiwa na. “Anything. Sigurado akong kahit ano masarap basta galing sa kamay mo,” sagot ni Wilbert, sabay ngiti. “Okay, I will cook adobo nalang.” “That’s it, one of my favorite ulam” Habang nagluluto, nagtatawanan sila at nagkukwentuhan. Unti-unting nawala sa isip ni Alice ang lungkot. Hindi na siya naiilang sa presensya ni Wilbert, naging komportable siya. Para bang si Wilbert ang tanging tao na totoo sa kanya, kompara sa kaibigan niyang si Olivia. “Alam mo, Alice,” sabi ni Wilbert habang kinukuha ang chicken para ilagay sa kawali, “ang galing mo magluto, Hindi ko pa natitikman ang Mukhang mapapakain ako ng marami. Parang gusto ko na araw-araw kitang panoorin dito sa kusina,” Natatawang saad ni Wilbert na patuloy sa paghalo ng adobo. “Hahaha, ewan ko ba nahihiya nga ako baka Hindi masarap,” sagot ni Alice, “Pero salamat, masarap rin sa feeling na may nakaka-appreciate.” “Hindi lang appreciation ‘yan. Masaya lang ako kasama ka, kahit simpleng ganito lang. Parang… nakakagaan ng loob,” dagdag ni Wilbert. —— Samantala, sa office ni David, mahabang buntong-hininga ang pinakawalan niya bago sumandig sa swivel chair nito. Iniisip niya si Alice—kung nasaan na kaya ito ngayon. Hindi na niya matawagan dahil patay ang mobile nito. Isang araw na niyang hindi nakikita si Alice, at pakiramdam niya, parang mababaliw na siya hangga’t hindi niya ito nakikita. Naalala niya kung paano siya inaalagaan ni Alice—kung paano siya nilulutuan ng masasarap na pagkain bago pumasok sa trabaho. Kahit simpleng luto lang iyon, sobrang sarap para sa kanya. isang araw na siyang walang maayos na kain. Wala siyang gana sa anumang pagkain maliban sa luto ni Alice. Pakiramdam niya, kahit isang araw lang ang nakalipas, parang nangangangayayat na siya. May inutusan na rin siyang hanapin si Alice, pero hanggang ngayon, wala pa ring balita. “Alice… nasaan ka na? Please, magpakita ka na,” bulong ni David habang nakatitig sa picture frame ni Alice sa harap niya. Nakangiti sa larawan si Alice, puno ng saya ang mga ngiti niya. Marahang hinaplos ni David ang larawan, lalo na ang mukha ni Alice, na para bang gusto niyang maramdaman muli ang init ng ngiti nito. Naputol ang konsentrasyon ni David nang marinig ang boses ni Olivia. “Hi, Dave! Babe, may niluto akong food para sa’yo! Sana kainin mo,” masiglang bati ni Olivia habang dahan-dahang lumalapit. Napakunot noo si David. “Niluto?” tanong niya sa sarili. Lingid sa kaalaman ni David, inorder lang iyon ni Olivia sa restaurant. Lumapit si Olivia at hinalikan siya sa pisngi pero wala ng spark yon kay David . Sa nakaraang buwan na maayos pa sila, masaya siya sa ganitong kilos ni Olivia. Ngunit ngayon, may kakaibang nararamdaman siya. Hindi na ito parang pagmamahal… kundi parang isang palabas na lamang. “Olivia… anong ginagawa mo?” matigas niyang tanong. Ngumiti ang babae. “David, darling , ginagawa ko lang ang lahat para sa atin. Para bumalik ang totoong relasyon natin. Alam ko naman na mahal mo pa rin ako, kahit si Alice ang naroon sa buhay mo noong nakaraang buwan. Hindi ba tama lang na ipakita ko sa’yo na ako pa rin ang dapat mong mahalin.” Tahimik si David. Sa isip niya, naalala niya si Alice—ang babaeng tahimik, maalalahanin, at nanatili sa tabi niya kahit walang kasiguraduhan. Ang babae na nagligtas sa kanya mula sa kahihiyan. Noon mahal ko si Olivia, pero ngayon iba na ang hinahanap ng puso ko.” Ngumiti si Olivia. “David, alam kong naguguluhan ang puso mo. Dahil nawala ako sa paningin mo ng ilang linggo. Pero ganun talaga, dapat ipakita ko sa’yo na ako pa rin ang makakasama mo. Huwag mong hayaang si Alice ang maging dahilan ng pagkasira ng relasyon na matagal na natin sinimulan.” Tumayo si David at dahan-dahang lumapit. Subalit hindi niya kayang hawakan ang kamay ni Olivia. Ang puso niya ay nakatingin pa rin kay Alice, kahit wala ito sa paligid.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD