“Okay lang, Alice. Umiyak ka lang para mabawasan ang sakit. Alam kong mangyayari ito,” mahinahong sabi ni Wilbert habang dahan-dahang tinatap ang balikat niya.
Nakita niya si Alice na bitbit ang bag, umiiyak habang naglalakad sa kanto, malapit sa bahay ni David. Doon niya naabutan ang babae, mag-isa at halatang wasak ang loob. Kahit nag-chat na siya tungkol kay Olivia, ngunit gusto pa rin niyang sabihin kay Alice ang buong katotohanan ng personal.
Hindi na siya nagtanong pa. Sa halip, inalok niya ito na sumama muna sa kanya.
“Halika,” mahinahon niyang sabi. “Kumain muna tayo.”
At tahimik na pumayag si Alice, habang patuloy na tumutulo ang luha sa kanyang mga mata.
“Please, Wilbert. Alam kong mahalaga ang pagkakaibigan ninyo ni David, pero huwag mo na sanang banggitin na nagkita tayo,” pakiusap ni Alice sa mahinang boses. Pinunasan ang mga luha gamit ang tissue sa kanyang kamay.
Tumango si Wilbert. “Naiintindihan ko at nirerespeto ko ang desisyon mo, Alice. Pero kung nasa unit na ni David si Olivia, sa tingin ko wala namang masama kung malaman niyang nag-usap tayo. Wala naman tayong ginagawang mali.”
Sandaling nag-isip si Alice. “Siguro nga,” sabi niya, saka napa buntong-hininga. “Pero mas mabuti na huwag na lang.”
Ngumiti si Wilbert, pilit na inuunawa ang nararamdaman niya.
“Okay,” sagot niya. “Kung iyon ang gusto mo, walang problema.”
——-
Samantala, Nakangiting bumaba si David mula sa sasakyan, bitbit ang mga bulaklak at isang teddy bear para sa kanyang asawa. Sigurado siyang magugustuhan ito ng babae.
“Hi, hon. Finally, andito ka na,” masayang bati ng babae habang sinalubong si David. Hinalikan siya nito sa labi at mahigpit na niyakap.
Saglit na natigilan si David. Para siyang nawalan ng boses sa biglang ginawa ng babae. Ilang sandali pa bago siya nakahuma.
Pagkatapos, bigla siyang tumingin sa paligid.
“Asan ang asawa ko?” tanong niya sa may awtoridad na boses.
“David, nagbibiro ka ba?” nanginginig ang boses ng babae habang pilit na ngumiti. “Nandito na ako. Ako ang tunay mong asawa.”
Parang biglang tumigil ang mundo ni David. Nakatitig lamang siya sa babae, hindi makapagsalita. Unti-unting bumigat ang dibdib niya, para bang may humigpit na tali sa kanyang paghinga.
Dahan-dahan niyang ibinaba ang hawak na mga bulaklak. Sumunod ang teddy bear na bumagsak sa sahig, walang ingay pero may bigat. Para bang kasabay nito ang pagbagsak ng mga inaasahan niya.
“Ano’ng sinasabi mo?” mahina niyang tanong.
Lumapit ang babae at hinawakan ang kamay niya. Diba lahat ng meron kayo ni Alice peke lang, dahil Ako talaga ang totoong asawa mo. Ako ang mahal mo. Kaya Bumalik ako na ako David.”
Ngunit agad na binaklas ni David ang kamay nito. Hindi marahas, pero ramdam ang distansya. Isang hakbang siyang umatras, tila natatakot sa sariling nararamdaman.
“Huwag,” sabi niya, mababa ngunit mariin. “Hindi ganito ang inaasahan ko.”
Nag-iba ang ekspresyon ng babae. Napalitan ng sakit ang kumpiyansa sa mukha nito. “Ano’ng ibig mong sabihin?. Akala ko… masaya kang makita ako.”
Tumahimik si David. Saglit niyang ipinikit ang mga mata. Sa isip niya, isang mukha ang malinaw na lumitaw—si Alice. Ang babaeng tahimik na naghihintay, nag-aalaga, at nanatili kahit walang kasiguraduhan.
“May nagbago,” mahina niyang sambit.
“Ano’ng nangyari sa’yo, David?” tanong ng babae. Malungkot ang mukha niya. “Hindi ka ba masaya na nandito na ako?”
Hindi sumagot si David. Nanatili lamang siyang tahimik, nakatingin sa malayo. Mabigat ang dibdib niya, pero wala siyang lakas ng loob na magsalita.
Sa katahimikan niya, mas lalong nasaktan ang babae.
“Alice! Nandito na ako!” malakas na tawag ni David habang nagmamadaling pumunta sa kuwarto. Mabilis niyang binuksan ang pinto ng silid, puno ng pag-asa ang dibdib niya. Ngunit wala roon si Alice.
Tahimik ang paligid.
At doon nagsimulang pumasok ang kaba sa puso ni David.
“Alice, babe nasaan ka?” tawag ni David habang paikot-ikot ang tingin sa kwarto.
Ngunit wala siyang nadatnan.
Walang bakas ni Alice.
Biglang bumigat ang dibdib ni David. Ang katahimikan ng silid ay parang sumisigaw ng pagkawala.
“Hindi mo na siya mahahanap dito,” biglang sabi ng babae na lumitaw sa likuran ni David.
“Ano’ng ibig mong sabihin?” tanong niya na napatingin sa kanya ng naguguluhan.
“Umalis na siya,” sagot ng babae na bahagyang nakangiti. “Masaya siya bago umalis, dahil nakalaya na siya sa problema niya. Ako lang talaga ang hinihintay niya.”
“HINDI TOTOO ‘YAN!” sigaw ni David, nanginginig ang boses. Mahigpit niyang ginapos ang balikat ng babae, pilit humihingi ng kasagutan. “Saan siya pupunta? Sabihin mo sa akin!”
“Kahit saktan mo pa ako, David, hindi na siya babalik,” sabi ng babae, nanginginig ang boses. “Hindi ko alam kung saan siya pupunta. Sinubukan ko pa siyang pigilan, pero ayaw niyang huminto, kaya hinayaan ko na lang.”
Napatingin siya kay David, luha na ang bumabalong sa mata. “Sinaktan mo ang damdamin ko, David. Nandito na ako, mahal kita, at alam kong mahal mo rin ako. Diba, tayo ang totoong nagmamahalan?”
“Leave me alone now, Olivia!” sigaw ni David, mariing itinaboy ang babae.
Napaupo siya sa sopa, hinahawakan ang kanyang buhok, pilit kinokontrol ang sarili.
Samantala, nakangisi si Olivia habang dahan-dahang lumalayo, naiwan si David na puno ng sama ng loob at kalituhan.
“Ano’ng nangyayari dito, pare? Parang namatayan ang loob ng opisina mo,” tanong ni Daniel, nagtatakang tumitingin kay David na tila wala sa sarili. Hawak ni David ang isang baso ng alak.
“Hindi ako tumatanggap ng bisita ngayon!” seryoso niyang sabi sabay inom ng alak sa baso.
“Pare, common! Si Willbert,”
“Narito kami para damayan ka,” sabi ni Daniel, nakangiti pero halatang may halong biro. “Nabalitaan namin na bumalik na pala si Olivia sa unit mo. Dapat masaya ka kasi bumalik na ang totoong mahal mo,, pero mukhang hindi ka masaya, ‘no? And speaking of your fake wife. Poor Alicia.”
Tumitig si David kay Daniel, hindi sigurado kung seryoso ito o nang-aasar lang. Ramdam niya ang kirot sa puso, at mas lalo siyang naguluhan sa sitwasyon.
Alicia left!
“And so?” tanong ni Willbert habang naupo sa sopa, Na tila pinag aaralan ang emotion ng mukha ni David.
Si Daniel naman ay naupo sa upuan sa harap ng mesa ni David, tahimik ngunit nakatingin sa kanya ng seryoso.
“Is it big deal?” dagdag ni Willbert, na parang nagbibiro ngunit may bahid ng seryoso ang tono nito. “Peke lang naman ‘yang kasal niyo ni Alice.”
Tumahimik si David, ramdam ang kirot sa dibdib. Ang mga salita ni Willbert ay parang matalim na kutsilyo, at mas lalo niyang naramdaman ang kawalan ni Alicia sa tabi niya.
She’s Important to me!
I don’t know where to find her. Hindi ko na naabutan sa bahay. Wala na ang mga gamit niya.
Parehong walang imik ang dalawa. Tanging ang pagkagulat ang makikita sa kanilang mga mukha.