Chapter 10

1100 Words
Pagkatapos ng nangyari kagabi, pakiramdam ni Alice ay bugbog ang buong katawan niya. Madaling-araw na sila nakatulog. Nahihiya siya sa sarili. Sa kahit anong anggulo niya tingnan, pakiramdam niya ay siya dapat ang nag-isip nang mas maayos. Dapat ay napigilan niya ang sarili. Ngayon, hindi niya alam kung paano haharapin si David. Baka isipin nito na sinamantala niya ang pagkakataon—na inakit niya ang lalaki habang wala ito sa tamang pag-iisip. Mas lalo siyang nabahala nang mapansin wala si David tabi nito. Alas otso na ng umaga, kaya marahil ay pumasok na ito sa trabaho. Dahan-dahan siyang bumangon nang biglang bumukas ang pinto. May dala itong tray ng pagkain ang lalaki. “Good morning! Breakfast in bed,” masayang bati ni David, na hindi man lang halatang may hangover. Sa halip na bumangon, bumalik si Alice sa pagkakahiga at kinumotan ang sarili. “Hey, sweetheart, what are you doing?” Tanong ni David. “Leave me alone, David. Iwan mo na lang dyan ang tray, gusto ko pang matulog,” pagsisinungaling ni Alice. “But, I saw you about to get up… and why are you covering your whole body?” patuloy ni David na nakangiti. “Ewan mo dyan… wala kang pasok ngayon,” sagot ni Alice na naiilang. “are you going back to sleep? I cooked for you,” sabi ni David, at tinanggal ang kumot sa mukha ni Alice. “Please, David, I want to sleep again,” giit ni Alice. “Okay, fine. Pagsuko ni David. But make sure that you’re going to eat the food. I have to go to the office.” Bago umalis, humalik siya sa noo ni Alice, saka tumayo mula sa kama. Huminga ng malalim si Alice pag-alis ni David. Dahan-dahan siyang bumangon at nagtungo sa banyo para magshower. ______ Ang ganda ng mood ni David ng umagang iyon. Ganado siya sa trabaho, kahit tambak ang mga papel sa kanyang mesa, tila maliit na bagay lang iyon sa kanyang paningin. Nagtaka rin ang mga staff niya dahil nakangiti siya sa bawat bumabati sa kanya. Karaniwan, puro tango lang ang sagot ni David sa kanila. Pero sa pagkakataong ito, hindi niya maipaliwanag ang nararamdaman niya—para siyang lumulutang sa ulap, lalo na nang maalala niya ang mukha ni Alice. Ang nangyari kagabi ay hindi niya inaasahan. Bagamat nagulat at nahirapan siya sa sitwasyon, hindi niya maalis sa isip ang babae. Nag-aalala siya kung nakakain na ba ito, kaya tinawagan niya si Alice. Walang sagot. Siguro, natutulog pa ito. Nang umagang iyon, may hindi inaasahang bisita si Alice. Bumungad sa kanya si Olivia, nakangiti na puno ng kompiyansa sa sarili habang hila-hila ang laggage nito papasok sa sala. “Surprise, my best friend!” masayang bati ni Olivia. “Finally, nandito na ako. Pwede ka na ngayong umalis kasi nagkaayos na kami ni David tungkol sa nangyari. Thank you so much for being substitute wife for my husband.” Walang ibig lumabas na salita sa bibig ni Alice. Para siyang naging estatwa, pakiramdam niya ay lalabas ang luha sa kanyang mga mata oras na magsasalita siya. Ngunit sa halip, lihim niyang kinalma ang sarili at nagpakawala ng malawak na ngiti sa kaibigan. “You’re welcome, my best friend. Finally, tapos na ang problema natin,” sagot ni Alice. Sa kaloob-looban niya, tila sinaksak ng libo-libong karayom ang puso niya. Una, nakaukit na sa kanyang puso si David dahil sa lahat ng kabutihang ipinakita nito sa nakaraan, at nasasaktan siya sa isipin na mawawala siya sa buhay nito. Pangalawa, naiisip niyang kaya pala nawala si David noong isang araw—nagkita pala sila ni Olivia nang hindi man lang nabanggit sa kanya. “He's really a traitor,” bulong ng puso niya. Ngunit alam niyang maiintindihan niya ang lahat kapag sinabi sa kanya. Alam niyang tama lang na ilagay niya sa isang ilugar ang sarili dahil sa simula pa lang, si Olivia talaga ang bestfriend nito ang tunay na kasama ni David. Napabuntong-hininga si Alice, pilit pinagtagpo ang mata sa ngiti ni Olivia, kahit ramdam niya ang kirot sa dibdib. “Ang ganda at ang laki ng unit namin ni David,” wika ni Olivia ng nakatingin sa paligid. “But, I’m really thankful sa’yo, Alice, dahil inalagaan mo siya habang wala ako. Malinis ang paligid, pero hindi ko gusto ang paraan ng pagkaka-decorate mo. Anyway, pwede ko namang baguhin since andito na ako.” “Oo naman, Olivia. Pwede mong baguhin ang gusto mo. Segi, pupunta muna ako sa taas kukunin ang gamit ko bago ako umalis,” sagot ni Alice. “Sure, Alice,” wika ni Olivia. Habang paakyat si Alice ng hagdan, hindi niya napigilan ang mga luha na dumaloy sa pisngi niya. Pagpasok niya sa kwarto, nakita niyang tumatawag si David, pero hindi niya sinagot ang tawag. Dumeretso siya sa cabinet at sinimulang ilagay ang mga gamit sa bag. Galit siya sa lalaki dahil hindi niya sinabi na nagkita na pala sila ni Olivia. Pinili niyang kunin lamang ang kaunting gamit. Ang iba, binili ng lalaki para sa kanya, pero hindi niya iyon dadalhin. Ang dadalhin niya ay ang mga gamit na sa kanya lang talaga. Matapos ilagay sa bag ang mga gamit, bago umalis, sinipat ni Alice ang buong kwarto. May ilang alaala siya rito kasama si David—alaala na hindi niya malilimutan. Nadatnan niya si Olivia sa sala, kausap ang mama nito sa telepono. “Yes, Ma, I’m just waiting David. Paalis na rin si Alice,” sagot ni Olivia. Narinig ni Alice ang pangalan niya. Tuloy-tuloy siya sa paglakad, at nang makita siya ni Olivia, itinigil nito ang pakikipag-usap sa telepono. “Okay, Ma, I will talk to you later. Bye.” “Huwag kang mag-alala, bestfriend. Ako na ang bahala kay David. I will take care of him the way you take care of my husband. Again, thanks for everything.” “It’s not a big deal, Olivia. Ginawa ko iyon para sa friendship natin. Paano aalis na ako, ikaw na ang bahala dito,” sagot ni Alice na may ngiti sa mga mata. “Yeah, sure,” sagot ni Olivia. Paglabas ni Alice sa pinto, muling bumuhos ang kanyang luha. Dito nagtatapos ang lahat—paglabas pa lamang niya ng unit. Samantala, kanina pa tinatawagan ni David ang asawa, pero hindi sinasagot ni Alice ang tawag. Imposibleng hindi niya naririnig ang tunog ng phone, pero marahil natutulog pa ito pagkatapos ng nangyari kagabi. Ang simpleng iniisip na iyon ang nagpangiti muli kay David. Ngunit pagka maya't maya, nawala ang mga ngiti ng lumabas sa screen ang pangalan ni Olivia. Tumatawag ito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD