THE SUN AND THE MOON
"Kapag wala kang magawa sa buhay mo, mahal na prinsipe pwede bang huwag mo akong guluhin?" sambit ko sa nakakairitang si Drix.
"Kapag nandito ako may ginagawa na ako, naasar na kita." sagot niya na nag pakulo sa dugo ko.
Ipinag-patuloy ko ang pag a-ayos ng mga gamit ko habang siya ay prenteng-prenteng nakahiga sa kama.
"Ganyan ka ba talaga kasungit?" tanong niya.
"Sayo lang, ang pangit mo kasing kausap," sagot ko at malakas siyang tumawa.
"Mabuti, at napaka espesyal ko pala sa'yo," sambit niya at napa face palm na lang ako.
Natapos ko ang ginagawa habang pinapanood niya ako at nag tanong ng nag tanong ng kung anu-ano.
"Manliligaw ka ba sa akin mahal na prinsipe?" tanong ko sa kanya kaya naman napatigil siya sa pagku-kwento na hindi ko naman naiitindihan.
"Papayag ka ba?" tanong niya at napabuntong hininga ako.
"Asa ka!" sambit ko at malakas siyang tumawa at inakbayan ako at hinila na niya ako pababa sa sala's.
Na abutan kong naroon si Selene habang nag babasa ng libro. Hindi niya ata naramdaman ang presensya namin dahil hindi man lang siya napatingin sa amin.
Hinila ako ni Drix hanggang sa makarating kami sa kusina. Nag sabi kasi siya sa akin kung pwede ko daw siyang ipagluto.
Tumanggi ako kahit marunong ako mag-luto pero ipinilit pa rin niya.
"Bitawan mo na ako, mag lu-luto na ako," sambit ko at inalis naman niya ang kamay niya sa balikat ko.
Umupo siya sa bakanteng upuan at inumpisahan ko na ang pag kuha ng mga ingridients sa isang lagayan.
Napansin ko lang na may pag ka-kaparehas din naman ang pamumuhay nila sa mundong earth.
Kaya siguro hindi polluted ang mundo nila dahil walang mga kotse at u-unti palang ang factories and we all know as the time passes by, makaka-imbento pa sila ng maraming bagay. At first it was so cool but at the end of it it'll destroy the universe.
Nang makuha ko ang mga dapat gamitin sa pag lu-luto ay inilapag ko iyon sa may lababo. Napatingin ako kay Drix na mariin lamang na nakatingin sa ginagawa ko na parang bata.
But he looks handsome that way, alam niyo ba 'yong parang inosenteng inosente siyang tignan?
Natapos kong hugasan ang karne at nag hiwa naman ako para sa mga rekado. I cooked silently at nadinig ko mula sa di kalayuan ang pag lapit ni Selene dito sa kusina.
"Bakit ka nag lu-luto?" tanong ni Selene.
"Nag pa-pa luto si Drix, Selene." sagot ko sa kanya at nakita ko ang ginawang pag hampas ni Selene kay Drix kaya naman napangiwi si Drix at napahawak sa kanyang balikat.
"Bakit mo naman pinag lu-luto ang Hera ng Osses?!" sigaw ni Selene kay Drix na ikinagulat ko.
May ganito palang side si Selene...
"Ayos lang, Selene." sambit ko at tumingin naman si Selene sa akin.
"Huwag kang mag pa-paloko kay kuya Drix, Euphie. Mahilig talaga mang-asar ito." ani ni Selene at ngumiti sa akin at muling ibinalik ang tingin sa kanyang nakakatandang kapatid at malakas na hinampas ito sa braso bago nag madaling umalis.
"Ang sakit talaga mang hampas ni Selene," natatawang sabi ni Drix. Napailing na lamang ako sa kanya at pinag patuloy ang ginagawa.
Natapos ko ang ginagawang pag lu-luto at ini-ayos ko iyon sa plato at inilagay sa harapan ni Drix na ngayon ay malawak ang ngiti sa akin.
"Ang bango..." aniya at inamoy ang niluto ko, "Ano itong niluto mo?" tanong niya sa akin.
"Sinigang," sagot ko sa kanya at naupo sa bakanteng upuan dahil ramdam ko ang pagod sa ginawang pag lu-luto.
Nakita ko naman ang agaran niyang pag kuha ng plato at ang pag kain sa iniluto kong pagkain para sa kanya. I saw his eyes smiling. Para siyang bata na ngayon lang na ipagluto ng pagkain.
"Ito ang unang pag ka-kataon na may nag luto sa akin. Madalas mga kasambahay at pag kain sa labas ang ginagawa ko," aniya. Tumingin ito sa akin at nakita ko sa kanyang mga mata ang lungkot.
Umiwas siya ng tingin sa akin at muling nag patuloy sa pag-kain. Hindi ko tuloy maiwasang mapaisip kung bakit ganoon na lamang ang lungkot sa mga mata niya kanina.
Isa siguro si Drix sa mga taong, masaya ang ipinapakita sa iba ngunit may masalimuot na nakaraan.
--
Halos mapatalon ako ng muli kong marinig ang pag ka-basag ng mga kagamitan mula sa ibaba. Kanina ko pa naririnig ang pag a-away ng tatlong mag ka-kapatid. Wala rin sa palasyo ngayon si Selene kaya't maging ang mga katulong ay hindi malaman kung paano sila patitigilin.
"Kapag may nangyaring masama sa kanya, hinding hindi kita mapapatawad." seryosong sambit ni Lawson habang masama ang tingin sa kanyang nakakatandang kapatid
Sino kaya ang tinutukoy niya? Sino ba ang nasa panganib ngayon?
"Nag kasala siya at kailangan niyang pag bayaran 'yon." rinig kong sagot sakanya nito. Napahawak ako sa tiyan ko ng maramdaman ko ang pag sakit no'n. Kanina ko pa gustong mag punta ng comfort room, pero hindi naman ako maka alis sa kinatatayuan ko ngayon dahil nag kalat sa tapat ko ang mga gamit na nabasag.
At isa pa... Nakakahiyang dumaan sa pwesto nila ngayon!
Tumingin ako sa dalawang nag a-away ngayon. Si Drix ay naka upo lamang sa sofa at nakangisi habang ang mga kasambahay naman ay nakakaramdam na ng takot.
Hay ano ba naman 'to...
*Pooft*
Nanlaki ang mga mata ko at napakagat sa ibabang labi. Napapikit ako at umiwas ng tingin sa kanila.
"Ano 'yon?" tanong ni Drix.
Jusko! Ano nang gagawin ko?
"Ikaw ba 'yon?" tanong sa akin ni Drix.
Pinanlakihan ko siya ng mga mata ko at agad umiling.
"Ano bang sinasabi mo jan?" sambit ko at mahinang tumawa. Napatingin rin ako sa paligid at lahat sila ay nakatingin sa akin.
Napalunok ako at mas laling gumapang ang hiya sa aking katawan kaya naman malakas akong tumawa.
"Ano ba naman kayo! Tapos na ho ba kayong mag-away?" tanong ko kay Lawson at sa nakakatanda niyang kapatid na hindi ko pa alam ang pangalan.
"A-akyat na ho ako sa kwarto ko," sambit ko at agad tumakbo ng hindi na lumilingon pa sa kanila.
Patakbo akong umakyat at hinanap ang comfort room.
Oh geez.
Ano bang nakain ko? Bakit sobrang sakit ng tiyan ko!
"Anjan ka ba Euphie?" rinig kong sambit ni Drix mula sa labas ng comfort room.
"Wala ako dito!" asar kong sambit. Obvious naman na nandito ako. Ano bang klaseng tanong 'yon?
Narinig ko ang malakas niyang halakhak at muling nag salita.
"Masakit ba tiyan mo? Pag labas mo diyan ay inumin mo 'to. Lalagay ko sa kwarto mo." sambit niya at napa buntong hininga na lamang ako at narinig ko ang pag akyat niya sa itaas.
Ilang minuto rin ang itinagal ko sa comfort room, hanggang sa lumabas ako.
"Ano ba kasing nakain ko?" mahinang usal ko habang isinusuot ang tsinelas.
"Yung niluto mo lang naman ang kinain mo diba?"
"Ay pucha!"
I hold my chest using my arm at agad nag angat ng tingin sa taong nagsalita at nakita ko ang mga mata ni Lawson na mariing nakatitig sa akin.
Umayos ako sa pag ka-katayo at tumango.
"Oo, iyon nga lang-- Teka saan mo ba ako dadalhin?" sambit ko ng agad niya akong hinawakan sa aking braso at hilahin.
"T-teka, nasasaktan ako." sambit ko at naramdaman kong lumuwag ang pag ka-kahawak niya sa aking palapulsuhan hanggang sa makarating kami sa kwarto ko.
Pumasok siya sa loob at mabilis akong sumunod sa kanya, kinuha niya ang gamot doon at ini-abot sa akin maging ang tubig.
"Inumin mo ito," aniya.
I nodded at kinuha iyon sa kamay niya at ininom. Nang matapos kong inuman ang baso na may lamang tubig ay kinuha niya iyon sa kamay ko at inilagay sa may side table.
"Nakatakda kang ikasal kay Prinsipe Cliffton, tama ba ito?" tanong niya sa akin. Napalunok ako at hindi ka agad nakapag salita.
"Ang kawal mula sa Anchrome ay hinahanap ka," aniya. Kumunot ang noo ko.
Anchrome?
"Ilang araw din kitang hinanap, kailangan mong malinis ang pangalan ni Afianna, dahil ikaw ang dahilan kung bakit ngayon ay hinahatulan siya ng kamatayan." sambit ni Lawson na mas lalong nag pagulo sa aking isipan.
"H-hindi ko alam ang sinasabi--"
"Hindi mo alam? Kaya ba tumakas ka? Hindi ka na makakatakas sa pag ka-kataong ito. Tutulungan mo si Affianna o ikaw ang mamatay sa kamay ko at sa kamay ng Anchrome?"
"Paano ko naman siya tutulungan kung hindi ko alam ang sinasabi--"
Naitikom ko ang aking bibig ng maramdaman ang dulo ng kanyang sandata sa aking leeg.
Napalunok ako.
"N-nag sa-sabi ako ng totoo. Hindi ko alam ang sinasabi mo," sambit ko at pinakatitigan siya sa kanyang mga mata.
"Hindi mo alam?" sambit niya at ngumisi.
Nakahinga ako ng maluwag ng dahan-dahan niyang alisin ang kanyang sandatang nakatutok sa aking leeg.
At...
Nanlaki ang mga mata kong mapatingin sa braso ko na ngayon ay puno na ng dugo na umaagos pa mula sa ibaba.
Dahan-dahan kong hinawakan ang balikat ko at napatingin sa lalaking kausap ko---Lawson.
"Binalaan na kita," sambit niya.
Tumingin ako sakanya habang ang aking mga mata ay nag u-umpisa ng maluha.
"H-hindi ko alam, hindi ko talaga alam..." mahinang usal ko at mabilis akong napatingin sa pintuan ng marinig ang malakas na pag bukas no'n at makitang si Drix iyon.
Agad lumapit sa akin si Drix at inalalayan ako.
Matalim ang ipinukaw ni Drix kay Lawson, at ngayon ramdam na ramdam ko na ang tensyon sa pagitan nila.
Hindi ko na talaga alam ang nangyayari. Nakakaramdam narin ako ng pagkahilo. Siguro dahil sa mga dugong nawawala sa'kin?
"Ano sa tingin mo ang ginagawa mo?" may diing sambit ni Drix kay Lawson at ngayon ko lamang narinig ang ganitong side ni Drix.
Ang pag ka-kakilala ko kasi sakanya ay isang masiyahing tao.
"Sasalungat ka nanaman sa akin?" ani ni Lawson. Hinawakan ko ang kamay ni Drix ng mag sasalita na sana ito.
Mas naramdaman ko ang matinding pag kahilo.
Narinig ko ang malakas na pag kulog at pag kidlat--- Ang kaninang sikat na sikat na araw ngayon ay tila nawawala at nag didilim na kalangitan ang siyang aking nakikita hanggang sa tuluyan ng lumabo ang aking paningin at ang pag tawag ni Drix sa aking pangalan ang siyang aking huling narinig.