PANG WALO: THE TRUTH ABOUT AFFIANNA

2194 Words
"Kahit na kuya Lawson, hindi mo dapat siya tinakot gamit ng sandatang 'yan," dinig kong ani ni Selene. I opened my eyes and looked around. Nasaan ako? Anong nangyari? Ah! Nawalan ako ng malay dahil sa dami ng dugong nawala sa akin. "Euphie!" Agad lumapit sa akin si Selene at hinawakan ang kamay ko. "Alam kong hindi ka okay, siguro ngayon ay natatakot ka kay kuya... Humihingi ako ng tawad--" "A-ayos lang Selene..." sambit ko at hinawakan rin ang kamay niya upang kumalma siya. Kitang-kita ko sa mukha niya ang pag a-alala sa akin. Napatingin ako kay Lawson na nakatingin sa akin ngayon. I saw how he's adams apple moved at nag iwas ng tingin sa akin bago lumabas ng walang pasabi. "Hayaan mo siya, mag pa-galing ka." Lumabas din si Drix at naiwan kaming dalawa ni Selene sa kwarto na ngayon ko lamang din nakita. Siguro ay ito ang kwarto ni Selene? "Oo, ito ang aking silid." I smiled as she answered the questiom that playing in my head. "Hindi mo ba talaga alam Euphie?" tanong niya sa akin. "Wala ka pa rin bang maalala?" she asked again. Kilala niya ako? Naguguluhan at nalilito na ako. Hindi ako nag mula sa lugar na ito, ibig sabihin ba ay nag e-exist ako sa mundo na ito? Ano? Mas lalong hindi ko maunawaan. Kung ganoon ba ay... nakakapag travel kaya ako sa dalawang mundo? Parang ang imposible naman ng mga naiisip ko, pero possible din naman diba? Bumuntong hininga ako bago sumagot kay Selene. "Hindi ko talaga alam... Hindi ko alam," "Ikaw at si Affianna ay matalik na mag kaibigan, kaibigan ko rin si Affianna." Hindi ako naka imik sa sinasabi niya dahil hindi ko alam ang sasabihin! Wala akong maintindihan. Ganito ba talaga ako ka bobo? "Bago ka mapunta dito sa Faerun, ay mag kasama kayo ni Affiana sa Osses diba?" she asked na muling nag pagulo sa isip ko. I don't know who that girl is! Hindi ko kilala si Affianna! Sino ba 'yon? Gulong-gulo na ako. "Hindi talaga kita maintindihan Selene..." sagot ko sa kanya. She nodded. "I ku-kwento ko sa'yo ang kabuuan ng nalalaman ko. Upang maintindihan mo." FLASHBACKS Pabalik-balik si Affianna sa pag lalakad, hindi nito alam ang kanyang dapat unahin. Inilagay nito ang kanyang kamay sa kanyang sentido at mahinahong minasahe iyon. "Hindi kita maunawaan Constance," sagot ni Affianna sa kanya. Napabuntong hininga si Constance at lumapit kay Affiana at mahigpit na hinawakan ang kamay nito at lumuhod sa kanya. "Tulungan mo ako Affianna, kailangan ko ng tulong mo." Affianna nodded. "Ako na ang bahala, isama mo si Denim. May naisip na akong plano Constance pakinggan mong mabuti, maliwanag?" sunod sunod ang naging pag tango ni Constance sa kanya, patuloy parin sa pag tulo ang luha sa mga mata nito ngunit mas pinili niyang mag pa-katatag para sa sarili niya at para sa pamilya niya. "Ipadala mo ang liham na ito kay Qeaya Selene," utos ni Affianna sa isang kawal at mabilis na sumunod ang kawal na iyon upang ipadala ang liham sa Turmish, Faerun. Lumipas ang mag hapon, napag handaan narin nilang mabuti ang plano na linlangin ang mga kawal upang makapunta sa lugar na alam nilang hindi maiisip puntahan ng sinuman. "Sigurado ka ba sa gagawin natin? Mapapahamak ka..." ani ni Constance. Affianna smirked. "Noong humingi ka ng tulong at sumang-ayon ako alam kong mapapahamak ako. Huwag mo na akong alalahanin at iligtas mo ang sarili mo, kailangan natin malaman ang buong katotohanan sa likod ng pag- kamatay nila Constance... Kapag may nangyaring hindi maganda sa akin huwag ka ng mag abala pang iligtas ako at ipagpatuloy mo ang nasimulan natin," lintaya ni Affianna sa kanya. "Ililigtas kita Affianna, sabay nating a-alamin ang pumatay sa mahal natin sa buhay," sagot sa kanya ni Constance. Hindi sumagot si Affianna. She just nodded and smiled a bit and she place his fingers run to her hair downwards and heavily breath out. "Huwag kang mag pahalata sa mga kawal... Mas mabuti ng walang alam si Denim sa balak mong pag takas mamaya," aniya. Constance nodded at nag pa alam na kay Affianna na kailangan na nilang umalis at umuwi sa kani-kanila nilang tinutuluyan. Sumalubong si Denim kay Constance ng nakangiti. Gustong-gusto mang sabihin ni Constance kay Denim ang gagawin niyang pag takas ay pinigilan nito ang sarili. "Mahal na Hera?" pag tawag ni Denim kay Constance. Napalingon si Constance sa kanya at napakamot sa kanyang batok. "Hmm, ano yun?" ani ni Constance at napailing naman si Denim. "Natulala na kayo Mahal na Hera, kailangan na nating sumakay sa kalesa." aniya at napatango naman si Constance dahil doon. "Ah, oo nga..." Buong biyahe na tahimik si Constance, napapaisip pa rin siya kung tama ang ginagawa niya. Narinig niyang may nag u-usap na dalawang lalaki sa isang pagdiriwang noong nakaraang araw. Narinig niya ang pangalan ng kanyang ama at ang pangalan ng ama ni Affianna. Hindi niya kumpirmado kung sino ang mga iyon ngunit alam ni Constance na may kinalaman sila sa lahat. Dumating ang araw na pag plano ni Constance sa pag takas. Ang buwan ay maliwanag at walang mga bituing makikita sa kalangitan. Napatingin si Constance sa buwan. "Tama ba ang aking gagawin?" tanong ni Constance sa kanyang sarili habang nakatingin sa buwan. "Tama... Tama lang ang gagawin mo Constance," pag pa-pakalma nito sa kanyang sarili at muli nang nag impake ng kanyang nga damit at iba pa. Nang ma i-ayos na ni Constance ang kanyang mga gamit ay patago siyang lumabas ng kanyang kwarto. Naging ma-ingat din siya sa pag labas dahil sa mga taga pag-bantay na nasa palasyo. Halo-halong emosyon ang kanyang nararamdaman. Dinig din niya ang malakas na t***k ng kanyang puso dahil tahimik ang kapaligiran tanging huni lamang ng ibon ang maririnig sa buong kapaligiran. "Ano ang iyong ginagawa?" Napahinto si Constance sa narinig. Mahigpit siyang napahawak sa kanyang bitbit na gamit. Halos mapatalon siya sa kanyang kinatatayuan ng maramdaman niyang hinawakan siya ni Cliffton. Sa boses pa lamang alam niyang siya iyon. "N-nag pa- pa hangin lang..." kinakabahang sagot ni Constance sa kanya. Malakas na pwersang hinigit ni cliffton si Constance kaya ngayon ay mag ka-tapat na ang kanilang mga mata. "Iyon nga ba talaga?" tanong ni Cliffton. Ang kaharian kung nasaan si Cliffton ay tinatawag na Anchrome. Ang Anchrome ay isang lugar na mahirap puntahan bukod sa isa itong misteryosong lugar ang mga nilalang na nakatira sa Anchrome ay mga nilalang na may itim na mahika at bayolente. "Sinungaling..." mahinang usal ni Cliffton sa kanya at binitawan ang pag ka- hawak sa kanya. Agad lumuhod si Constance at nag umpisang umiyak. "Pasensya na... Hindi na ma u-ulit." pag hingi ni Constance ng pa umanhin sa kanya. Napakagat labi si Constance. Matagal na nitong kilala si Cliffton. Hindi ganitong nilalang noon si Cliffton. Mabait at maalalahan at isa pa matulunging nilalang si Cliffton. Isang araw ay bigla na lamang itong nag bago at hindi alam ni Constance ang dahilan. Naramdaman ni Constance ang pag luhod ni Cliffton. Tumingin si Constance sa kanya at mariin din namang nakatingin si Cliffton sa kanya. "Halika na, matulog na tayo ulit." aniya. Humagulgol sa iyak si Constance habang nakaluhod. "Itigil mo na ang ginagawa mong pag higati sa Faerun Cliffton... Marami na ang nadadamay. Itigil mo na ito paki usap!" ani ni Constance at dahan-dahang tumayo. "Ano bang nangyayari sa'yo? Hindi ka naman ganito hindi ba?" ani ni Constance at nang sandaling makatayo na si Constance ay dahan-dahan naman itong lumapit kay Cliffton. Hinawakan ni Constance ang kamay ni Cliffton at muling nag salita ng putulin iyon ni Cliffton. "Wala akong papakinggan sa sasabihin mo Constance, halika na." may diing sambit nito at nag pahila na kay Cliffton. Muli silang naka balik sa kanilang higaan. Naka tagilid si Constance habang naka yakap sa kanyang si Cliffton. Mahina itong napahikbi dahil hindi nito matanggap ang nangyayari sa kanya ngayon. Hindi niya alam at hindi niya maintindihan ang mga nangyayari at ang mga dapat gawin. KINABUKASAN Napag pasyahan nilang puntahan ang lugar kung saan gaganapin ang kasal, naroon na si Cliffton at kailangan na lamang ni Constance sumunod. "Denim..." pag tawag nito sa kanya. "Ano iyon mahal na Hera?" tanong ni Denim sa kanya. "Pakibagay ito kay Lawson, gaya ng nakagawian hindi niya dapat malaman na galing ito sa akin ha?" sambit ni Constance at tumango naman si Denim. "Ilang taon narin simula nang mag karoon ka ng pag tingin sa kanya mahal na Hera, hindi ka man lang ba mag tatapat ng iyong pag ibig?" tanong ni Denim. Agad umiling si Constance sa kanya. "May namamagitan sa kanila ng kaibigan kong si Affiana kaya't okay na sa akin ang ganito. At isa pa... Hindi naman ako kilala ni Lawson bukod sa alam niyang isa akong Hera ng Osses, Hindi ko nga alam kung alam nila iyon. Iisang beses pa lang ako naka punta sa Faerun." sagot ni Constance. Nang matapos ni Denim ang ginagawang pag a-ayos kay Constance ay tinignan ni Constance ang kanyang repleksyon sa salamin. "Napaka ganda niyo Mahal na Hera," ani ni Denim. Ngumiti naman si Constance sa kanya. Ngayon ay palabas na siya ng palasyo upang sumakay sa kalesa. Nang makasakay siya ay nakatingin lamang siya sa paligid. Iniisip niya rin na dapat ngayon palang ay makatakas na siya sa sitwasyong ito. Hindi niya kayang matuloy ang kasal na ito at mag pa kasal sa taong hindi naman niya iniibig. Mahal niya si Cliffton bilang kaibigan at hanggang doon na lamang iyon. "Ihinto mo!" ani ni Constance at huminto naman ang kalesa, kanina pa inalis ni Constance ang kanyang pang sapin sa paa kaya naman mabilis itong lumabas ng kalesa at tumakbo sa gubat. END OF FLASHBACKS "Hindi ko talaga maalala ang mga pangyayaring binaggit mo maliban sa gubat," sambit ko kay Selene. Mas lalo na akong naguguluhan for pete's sake! So, nag e-exist nga talaga sa mundong ito?! May kamukha ako dito?! "Hindi kita pipiliting maalala Euphie, pero sana magawan natin ng paraan para matulungan si Affiana, maari ba?" tanong ni Selene sa kanya. Tumango ako. Siguro naman ay matutulungan ko si Affiana. Kung sino man siya ay hindi niya rin deserve mamatay ng ganon nalang. "Salamat Euphie..." --- "Bakit ba kailangan mo pa gawin iyan?" tanong ni Drix sa akin. "Hihingi ako ng tawad, wag ka nang mangialam!" inis na sambit ko kay Drix at napanguso. "Sungit mo naman... Tatanong lang naman," aniya at napatawa naman ako. "Oh, gawa ko 'to para sa'yo. Salamat sa pag ligtas sa akin sa kamay ni Lawson. Kung hindi ka siguro dumating naubusan na ako ng dugo." I said ang laughed hard. Napatingin naman si Drix aa inabot kong cookies. He smiled at me. "Tinatanggap ko ang iyong pasasalamat, Euphie." nakangiting aniya. "Masarap 'yan. Dalhin ko muna ito kay Lawson. Nasa'n siya?" tanong ko kay Drix. "Nasa kwarto niya." ani ni Drix at tumango ako at nag pasalamat sa kanya at saka na ang tungo sa itaas upang pumunta sa kwarto ni Lawson. Kumatok ako nang ilang beses ngunit walang sumasagot. "Lawson, pwede ba kitang maka usap?" sambit ko ngunit wala pa ring sumasagot kaya naman kusa na akong pumasok sa loob. Madilim sa loob kaya naaman binuksan ko ang lampara na nasa gilid upang makapag bigay ng liwanag. "Anong ginagawa mo dito?" Ani ni Lawson na nag pagulat kay Euphie. "Nandito ka lang pala..." Sambit ko at napakamot dahil hindi ko na alam ang sasabihin. Bat ba ako nahihiya?! "Uh, gumawa pala ako ng cookies. Gusto kong humingi ng tawad... Uh sana tanggapin mo." sambit ko at agad inilapag iyon sa kanyang binti at aalis na sana ng tawagin niya ako. "Lumapit ka." aniya. "Ha?" naguguluhang tanong ko. "Sabi ko lumapit ka." sambit niya at napatango naman ako at dahan-dahang lumapit sa kanya. Anong trip nito? Huminto ako sa tapat niya at nag tama ang tingin naming dalawa. Tumayo siya at hinawakan ang braso ko kaya naman napadaing ako ng maramdaman ang hapdi doon. "s**t!" sambit ko at inalis ni Cliffton ang nakatakip sa sugat ko. May kinuha siya sa drawer niya na kung ano at hinawakan ako sa magkabilang balikat at pinaupo sa kanyang kama. "Na-nagamot na ang sugat ko..." sambit ko sakanya at ngayong hindi na makatingin sa kanya ng deretsyo. "Mas mabisa itong pang gamot," aniya at inumpisahan ng gamutin ang sugat ko. Tahimik lamang sa pagitan naming dalawa, gusto kong mag salita at mag tanong pero sa hindi maipaliwanag na dahilan parang nawala lahat ang mga bagay na gusto kong sabihin. "Salamat sa bigay mo," aniya na tumagos pa sa aking tenga dahil sa lapit niya sa akin. "Paumanhin sa aking nagawa Euphrasia," muling sambit niya. I bite my lower lip. His voice was so manly! Mas dinig na dinig ko ngayon ang boses niya dahil mas nakalapit pa siya. Nilalandi ba ako ng lokong to?! Pwede ko bang sabihin na ilapit pa niya mabuti? Wow tf! Ang landi ko naman masyado. "A-ayos lang... Ako naman ang may kasalanan talaga," sambit ko. "Natapos ko ng magamot ang sugat mo," Mabilis akong tumayo dahil hindi ko na kinakaya. "Labas na ako..." sambit ko at parang ako na ata ang 2.0 version ni The Flash.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD