PANG SIYAM: PLAN

2059 Words
PLAN "Euphie nakikinig ka ba?" "Ha?" sambit ko at lumingon kay Drix na nasa gilid ko. Napasimangot siya. "Hindi ka nga nakikinig. Malalim ang iniisip mo ah?" tanong niya at napatango ako. "Iniisip ko lahat, baka maalala ko." sambit ko na lamang kahit alam ko sa sarili ko na kahit pigain ko ang utak ko ay wala talaga akong ma a-alala. "Huwag mo masyadong pilitin ang sarili mo, may ilang araw pa bago ang pag hahatol sigurado akong may magagawang paraan para maligtas si Affiana," sagot niya at tumango ako. "Bukas na ang pag diriwang diba?" pag i-iba ko ng topic and he slightly nodded to me. "Ako ang sasama sa'yo mamaya, bibili tayo ng isusuot mo," aniya. "Okay na ako sa mga damit na nasa drawer, Drix." sambit ko. "Basta bibili tayo mamaya okay?" aniya at umalis sa tabi ko at iniwan na ako mag isa dito sa hardin. I pouted ans played my hair. Buong gabi ko narin 'tong pinag isipan. Mag ka-karoon naman ng pagdiriwang at iyon ang maganda timing para mailigtas si Affianna? Wala na akong ibang maisip. Masyadong mabigat ang hatol sa kanya. Sabi nila ay pinagtangkahan niya daw ang isang prinsipe. Si Cliffton. "Mahal na Hera, pinapatawag kayo ng mga prinsipe sa loob para sa pag pupulong," sambit ng isang kasambahay. I smiled and nodded at sumunod sa kanya sa pag la-lakad. Dinala ako ng kasambahay sa isang kwarto at pag pasok ko doon ay muli akong namangha sa lugar. It looks like a new dimension! "Maupo ka," ani ng unang prinsipe. Si Prinsipe Wheyt. Ang panganay sa kanilang mag ka-kapatid. Hindi ko alam ngunit bigla akong kinabahan sa mapag u-usapan namin ngayon. "Mag kakaroon ng pagdiriwang bukas, nasabi narin sa akin ni Euphie ang balak niya at sumasang ayon ako. Hindi namin madadaan sa ginto o masinsinang pakiusap si Cliffton," ani ni Lawson. "Bukas sa pag-diriwang ay si Drix at Selene ang gagawa ng paraan upang makatakas si Affianna, kaming dalawa ni Euphie ang gagawa ng paraan upang matuon ang atensyon nila sa amin," dugtong ni Lawson. "Handa na rin ang mga kawal at ang buong palasyo," ani ni Prinsipe Wheyt. Napatango-tango ako. Mukhang handang handa na nga lahat ng plano. Hindi ko alam ngunit sobra ang nararamdaman kong kaba. I want answers! Gusto ko na rin na makabalik sa mundo ko. I miss school. I miss Erin and I miss Clyde and my sister. Hanggang kailan ba ako dito? Natapos ang pag u-usap namin. Marami pa silang sinabi ngunit lutang ako sa pag pu-pulong kanina dahil sa dami ng iniisip ko. Alam kong protektahan ang sarili ko, gaya nga ng sabi ko dati. My dad sent me to a school where I can learn to defend my self. Marunong din talaga ako gumamit ng iba't ibang sandata. Mamayang hapon ay pupunta kami ni Drix sa pamilihan. Nasa isang storage room ako ngayon with Selene. Ipinapakita niya sa akin ang mga bagay na pwede kong magamit upang ma protektahan ang sarili. When it comes to fighting materials talaga namang upgraded ang mga gamit nila. Nakaka mangha lang! Agad akong napayuko ng itapon ni Selene sa akin ang isang dagger. Nag ta-takang tumingin ako sa kanya at ngumiti naman siya sa akin. "Matalas ang pang dama mo. Bakit hinayaan mong saktan ka ni kuya Lawson?" tanong niya sa akin. "Hindi ako naka iwas," sagot ko sa kanya. "May gusto ka pa rin ba sakanya hanggang ngayon?" tanong ni Selene habang nag la-lakad at masuring tumitingin sa iba't ibang klase ng dagger. "Ha?" takang sagot ko. Ako may gusto kay Lawson?! "Kilala na kita Euphie. Noong unang kita ko sayo dito sa palasyo hindi talaga kita namukaan. Ilang taon narin ang naka lipas. Mga bata pa tayo no'n nila Affianna, madalas tayong mag laro dito sa palasyo..." aniya. "Noong una hindi ako sigurado, ngunit no'ng nag padala ng liham ang hari ng Osses ay nalaman kong ikaw nga si Euphie, wala namang nabanggit ang hari na may sakit ka na hindi maka alala. Kaya't nababahala rin ako bilang nakakabatang kaibigan mo. Na aksidente ka ba? May nangyari ba sa'yong masama? Hindi kita maunawaan. Pakiramdam ko ay ibang tao ka." dugtong pa niya at napalunok ako. "Sa mga kilos at pananalita mo, ramdam ko ng may kakaiba sa'yo." Napakagat ako sa aking ibabang labi dahil sa kanyang mga sinasabi. Hindi ko alam ang sasabihin sa kanya. "Inayos ko na ang mga magagamit mo sa pakikipag laban. Mag i-ingat kayo ni kuya Lawson bukas," nakangiting sambit niya at kinuha ang kamay ko at ipinatong ang doon ang isang bag. "Selene, maraming salamat... Maraming salamat sa lahat. Mag i-ingat din kayo ni Drix," sambit ko. "May gusto akong ibigay sa'yo," "Ano 'yon?" tanong ko at nag labas siya ng isang kwintas sa kanyang bulsa at pumunta sa likuran ko. "Ako na ang mag su-suot, may hawak-hawak ka." aniya and laughed a little. My heart melted. Napaka bait ni Selene. Ang swerte naman ng mga naging kaibigan niya. She's beautiful, humble and kind. "Palagi mo ito isuot okay?" aniya at tumango ako. "Salamat uli Selene." -- "Sabi mo 6 pm tayo pupunta?" tanong ko kay Drix. "Teka nga lang kasi," aniya at napasimangot ako. 6:30 na pero nasa loob pa rin siya ng kwarto niya. "Daig mo pa babae mag ayos ha?" sarkastikong sambit ko at narinig ko ang malakas niyang pag tawa kasabay ng pag bukas ng pintuan. Tumambad sa akin ang gwaping si Drix. Wow?! Ang gwapo niya sa paningin ko ngayon! "Sinong ka date mo?" tanong ko sa kanya at inakbayan naman niya ako. "Ikaw..." bulong niya sa tainga ko at agad ko namang inalis ang kamay niya sa braso ko. "Landi ha." sambit ko at tumawa lang siya bilang tugon. Lumabas kami ng palasyo at inalalayan ako ni Drix na makasakay sa kalesa. Nag umpisang umandar ang kalesa at namamangha akong napatingin sa paligid. Kahit madilim ang paligid ay kitang kita ko parin ang ganda ng lugar nila. Nakakamangha sobra! Nagulat ako ng sumandal si Drix sa balikat ko. Tumingin ako sa kanya. "Huy, anong ginagawa mo? Laki-laki ng ulo mo!" singhal ko. "Oo, malaki talaga." sagot niya at sandali pa akong napahinto at hinampas siya. Oh geez. Iba ang pumasok sa isip ko. Euphie ano ba?! Umayos ka nga. Tumawa siya ng malakas at muling sumandal sa balikat ko. "Namiss kita ng sobra Constance..." aniya. "Ilang araw ko na rin itong iniisip, marahil ay may nangyari sayo kaya't nakalimutan mo ako?" tanong niya sa akin na mas lalong nakadagdag sa isipin ko. "Ang ganda mo Constance, palagi." bulong niya. Napakagat ako sa ibabang labi ko. I know I'm pretty! Oh diba lakas ng confident ko? Pero hindi ko alam ang dapat maramdaman sa sinasabi ni Drix ngayon. Hindi na nagsalita pa si Drix. Hinayaan ko siyang nakasandal sa balikat ko. Sa totoo lang magaan talaga loob ko sa kanya. Bukod kay Selene. Iniisip ko rin na makakasama ko si Lawson bukas ay parang mas gusto ko pang kasama si Drix. Lawson has a bossy and intimidating aura. Nakakatakot siya. Nakarating kami sa pamilihan. Pailyar na ako sa lugar na ito dahil dito rin kami nag punta ni Selene noon. Ngunit mas maganda palang mamili kapag kagabi. Sumunod ako kay Drix sa pag la-lakad niya hanggang sa makarating kami sa isang shop. Bumungad sa amin ang isang matandang babae at agad siyang yumuko sa amin. Tumingin sa akin ang matanda at ngumiti. "Napakaganda ng iyong kasama mahal na prinsipe," ani ng matanda. Naku, marunong mambola si lola. Siguro makapal na katarata nila sa mata no? Ngumiti ako sa matanda. "Siya ho ang prinsesa ng Osses," sambit ni Drix at agad yumuko sa akin ang matanda. Prinsesa? "Maari ho bang mag pa gawa ng kasuotan para sa kanya?" tanong ni Drix at tumango naman ang matanda at may tinawag siya sa loob. Umupo kami ni Drix sa bakanteng upuan habang hinihintay ang matanda at ang anak nito. "Magandang umaga prinsipe," dinig kong sambit ng babae at halos hindi ako makapaniwala sa nakikita ko ngayon. "Erin?" tanong ko sa kanya at nagtatakang tumingin sa akin si Erin. "Erin! Ikaw nga ba 'yan? Ako 'to si Euphie!" sambit ko at lumapit sa kanya. "Sandali ho, Gresya po ang aking ngalan at hindi Erin," Binitawan ko ang pag kakahawak sa kanya. Hindi siya si Erin? Ngunit mag kamukhang mag kamukha sila! "P-pasensya ka na..." sambit ko at muling na upo. "Kilala mo ba siya?" tanong ni Drix sa akin. "Hindi, nag kamali lang ako." sagot ko sa kanya. "Kayo ho bang dalawa ang mag papatahi?" tanong ni Gresya. Oh! Pati sa pag sasalita ay parehas na parehas sila ng boses! "Oo," sagot ni Drix sa kanya. "Alam ko na ang inyong sukat mahal na prinsipe, maaring tumingin ho muna kayo ng disensyo na gusto niyo habang sinusukatan ko ang dalagang kasama niyo," ani ni Gresya. Ngumiti at tumango si Drix. Sumunod ako kay Gresya. Hindi ba talaga si Erin to? Kung hindi nga talaga siya ito. Ang astig naman na may kamukha rito si Erin! "Kasintahan niyo ho ba ang prinsipe?" tanong sa akin ni Gresya. Umiling ako bilang sagot. "Hindi, mag kaibigan lang kami," sagot ko sa kanya at napatango naman si Gresya at nang sandaling makapunta kami sa isang kwarto ay inumpisahan na niya akong sukatan. "May isa akong disensyong katatapos lamang gawin binibini, gusto mo bang makita?" tanong niya sa akin. I nodded and she gave me a piece of paper. Hindi ko maiwasang mamangha. Ang galing naman niya mag drawing! "Tapos ko na rin ho, iyang tahiin binibini. Kung sakaling hindi sakto ang sukat ay maaari ko itong bawasan o tahiin ng kaunti upang sumakto sa inyong sukat," sambit niya. "I want this-- I mean. Gusto ko ito, ito na lamang." sagot ko sa kanya. She nodded at lumabas na kami ng kwarto at sumalubong sa mata ko si Drix na nakaupo lang sa gilid habang nag titingin sa isang libro na puno ng mga magagandang drawing ng suit. "Nakapili ka na ng disenyo?" tanong ni Drix at tumabi naman ako sa kanya at naupo. "Oo ang ganda nga. Ikaw ba?" tanong ko sa kanya at tumingin sa mga naka drawing. "Gusto mo bang ako na lang pumili ng susuot mo?" pag vo-volunteer ko. Saglit siyang napahinto at pumayag din naman. Nag tingin lang ako ng nag tingin hanggang sa may napili rin ako na alam kong babagay sa kanya. "Gresya ito ang gusto kong disenyo." ani ni Drix at tinignan naman iyon ni Gresya at tumango. "May mga bilin akong nakasulat sa liham na ito. Basahin mong mabuti ang nilalaman. Makaka asa ba ako sa'yo Gresya?" tanong ni Drix at mabilis na tumango si Gresya at ngumiti naman si Drix. "Maraming salamat, mauuna na kaming dalawa," Lumabas kami ng boutique shop na 'yon. Mas dumami na ang tao dito sa pamilihan maraming pagkain at marami ring mga benta at kung anu-ano pa. "Kain tayo?" alok niya at dahil naramdaman ko na rin ang gutom ay tumango ako. Sumunod ako sa kanya at huminto kami sa isang mini restaurant. Pumasok kami sa loob at kakaiba ang ambiance napaka antique! "Magandang gabi prinsipe," sambit ng kahera na nasa harapan. Iginiya ako ni Drix sa isang bakanteng upuan. "Ako na ang o-order, dito ka nalang," sambit niya and I nodded. Pinagmasdan ko siyang mag lakad papunta sa counter. Muling pumasok sa isipan ko ang sinabi niya kanina sa loob ng kalesa. Kung mag kakilala kami ni Drix noon, teka ako nga ba talaga? O di kaya? May kamukha din ako sa mundong to katulad ni Erin o Gresya kanina? Malamang ay pagkakamali lang na napunta ako sa lugar na ito, may kamukha ako at akala nila ay ako iyon? Mababaliw na talaga ata ako! Mas mahirap pa to sa college life ko! Umiling na lamang ako at inalis muna sa isip ko ang mga gumugulo sa akin. Gutom ako at dapat pagkain lang ang isipin ko ngayon! Tama. Nakabalik si Drix sa pwesto, at kasunod niya ang mga waiter na nag dala ng pag-kain. Grabe! Ang daming pag kain naman! "Bat ang dami naman?" tanong ko kay Drix. "Dahil alam kong gutom ka na," aniya at muling nag salita. "Sabihin mo na lang salamat huh? Alam kong gwapo ako wag mo naman masyadong ipahalata," aniya at napasimangot ako. "Epal," sambit ko na lamang at inirapan siya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD