ESCAPE TOGETHER
"K-kaya ko namang maligo mag isa Selene..." pagpupumilit ko sa kanya.
"Alam ko Euphie, pero kailangan dahil iyon ang batas dito tuwing may pag diriwang," aniya at itinulak na ako papasok sa comfort room. I sighed heavily.
Napatigin ako sa dalawang babae na narito sa loob ng comfort room ko. Ngumiti silang dalawa sa akin. Jusme need ba talaga na ganito?
"May ritwal po na ginagawa sa inyong pagligo mahal na Hera, kaya't kailangan ho talaga na gawin ito," ani ng isang babae.
Lumapit silang dalawa sa akin at wala na akong nagawa pa ng pagtulungan nila akong dalawa na hubarin ang damit ko. Kung hindi lang babae ang dalawang 'to ay nahampas ko na sila! Tf! I'm not ready for this for pete's sake!
Kung anu-ano ang ginawa nila sa katawan ko, nagpupumiglas pa ako kapag hindi ko nagustuhan but there is nothing I can do. Kailangan gawin at kailangan kong makibagay!
Natapos na nila akong liguan at hindi ako umiimik sa isang gilid habang naka takip ang aking buong katawan.
Biglang bumukas ang pinto at pumasok sa loob si Lawson na nagpalaki sa mata ko kaya't agad akong nag tago sa isang sulok.
Nagtatakang tumingin sa akin ang dalawang babae. Hello?! Bat kayo nag tataka? Natural lang naman na ganto ang maging reaction ko diba?
"Napaka kinis at dalisay ng kanyang katawan at maging ang kanyang diwa," ani ng babae na mas nag palaki ng mata. Wtf is she saying?!
Tumango si Lawson at tumingin sa gawi ko kaya naman mas lalo akong nag tago.
He smirked at me at humakbang papalapit sa akin at nang sandaling makalapit na siya ay nag salita ako.
"Teka! Jan ka lang. Huwag kang lalapit. Alam kong may saplot ako pero hindi ako sanay okay?" sambit ko at huminto naman siya.
"Okay." sagot niya at nakahinga ako ng maluwag sa sagot niya at nag lakad na siya palayo at lumabas.
"Maari na ho kayong lumabas mahal na Hera upang maayusan ko kayo," sabi ng isang babae sa akin kaya naman lumabas na ako at na upo sa bakanteng upuan na may salamin sa akimg harapan.
"Talaga bang kailangan niyo iyong sabihin sa prinsipe?" tanong ko sa kanila. Nakita ko ang pag tango ng isang babae habang sinusuklay ang mahaba kong buhok.
"Kailangan po nilang malaman kung kayo ay birhen pa o nagdadalang tao," napabuo ako sa narinig. Wow!
Hindi na ako nag tanong pa. Isinuot ko na rin ang damit na gawa ni Gresya at masasabi kong napakaganda talaga ng gawa niya! Pati ang pag ayos ng dalawang babae sa akin ay napakaganda.
"Tunay nga hong napakaganda ng Hera ng Osses," ani ng babae.
"Noon ay isang alamat lamang sa amin ang inyong kagandahan ngunit ngayong nakikita na namin ito ng malapitan ay hindi kami makapaniwala sa angking kagandahang taglay niyo, Hera."
I smiled. Napaka lalim naman ng mga sinabi niya! Ngunit sanay na ako sa mga ganitong papuri. Noong nag a-aral pa lamang ako ay palaging iyan ang naririnig ko sa paligid.
Minsan ay naasabihan pa akong maganda ngunit bobo naman. Which is quite true sometimes. I have many weakneses. Minsan hirap ako mag memorize o hindi ko kaagad naiintindihan ang iaang topic. But I'm doing my best to be great at academics. Hindi man kasing talino ng iba atleast I did try my best.
Isa na lang siguro sa maipagmamalaki ko bukod sa gandang meron ako ay magaling akong kumanta.
"Maraming salamat," pag papasalamat ko sa kanila at inalalayan nila akong makalabas at makapunta sa sala.
Na abutan kong naroon din si Selene. Grabe! Ang ganda ganda niya sobra!
"Napakaganda mo Euphie!" masayang bati niya.
"Mas maganda ka Selene, grabe!" sambit ko at sabay kaming tumawa.
"Natural lamang iyon dahil isa tayong prinsesa," aniya at napailing na lang ako dahil malakas din pala ang sense of humor nito.
"Ang tagal mag ayos nila kuya, marami ng tao sa ibaba," ani ni Selene. Sa totoo lang ay hindi naman ako pwedeng makita sa pag diriwang. May suot akong maskara. Kailangan ko lang din mag ayos upang hindi mapagkamalang nanloob sa palasyo at para maa madali rin sa amin ang makalabas sa palasyo.
Ang damit na ito ay madali na ring alisin. Siguro iyon din ang nakalagay sa liham na ibinigay ni Drix kay Gresya noong nag patahi kami.
Sa loob nito at sa binti maging sa sleeves ko ay may mga dagger at patalim upang magamit kong proteksyon.
"Lagi kaming handa, huwag mong huhubarin ang kwintas na ibinigay ko sa iyo Euphie, upang mabilis namin kayong matunton," ani ni Selene sa akin. I nodded.
Ilang sandali pa ay lumabas na ang tatlong prinsipe.
Napaka swerte naman ng mata ko. Ang g-gwapo nila!
"Napaka makisig at matipuno naman ng aking mga kapatid," ani ni Selene at lumapit sa kanyang mga kapatid at yumakap.
I smiled as I saw them. Bigla kong na aalala ang kapatid ko. Kumusta na kaya siya? Miss na miss ko na rin siya.
Napatingin ako kay Lawson ng makita kong nakatingin siya sa akin.
Napahawak ako sa damit ko ng mahigpit dahil sobrang gwapo niya!
He's tall and his hair brushed up and his lips was red. His jaw clenched while his hands inside of his pocket.
Bakit ang gwapo niya?
"Tara na sa baba?" sambit ni Prinsipe Wheyt at tumango naman kami. Lumapit sa akin si Drix at bumulong.
"Ang ganda mo," aniya at napanguso ako.
"Alam ko," sagot ko sa kanya and laughed.
Tumawa siya at huminto sa harapan ko at inayos ang suit niya.
"Wala ka bang sasabihin sa akin?" he asked. Napangisi ako. Aba naman at gusto rin niyang purihin ko siya?
"Wala," sagot ko at nakasimangot siya umalis sa harapan ko at sumunod sa akin sa pag lalakad hanggang sa makababa kami.
Naiwan ako sa likuran habang nag bibigay ng speech si Lawson. Nang matapos niya ang speech niya ay agad rin siyang bumalik sa likuran. I stood up and look at him.
"Tara na, isuot mo ang maskara mo," aniya.
Isinuot ko ang aking maskara at sumunod sa kanya hanggang sa makalabas kami ng maayos sa palasyo.
Sumakay kaming dalawa sa kalesa at nakita ko ang pagsunod nila Drix ngunit minabuti nilang bagalan ang takbo ng kanilang kalesa.
Nasa pag diriwang si Cliffton dahil nakita ko siya doon kanina. Malamang din ay humigpit ang pag babantay sa palasyo dahil wala doon si Cliffton.
Pag kababa ng kalesa, ay nakita nanamin ka agad ang dami ng kawal sa labas ng palasyo. Nag tapon si Lawson ng pampatulog at inatake naman naming dalawa ang mga kawal na hindi na abot no'n.
"Huwag kang aalis sa likuran ko," aniya at tumango naman ako.
Nakapasok kami sa loob ng tahimik, ngunit sa dami ng kawal sa loob ay may mangilan-ilan parin kaming napapatay.
I swear. I can't kill them!
"Patayin mo sila," ani ni Lawson.
"Hindi ko kaya..." usal ko at siya na ang pumatay sa mga kawal na pinatumba ko lang.
It gaves me shock and my body shiver whem their blood flows in the floor.
"Kailangan na nating mahanap ang selda ni Affianna malamang ay natunugan na nilang may nakapasok sa palasyo nila," ani ni Lawson at mabilis naman kaming tumakbo at nag hanap kung saan nila maaring itago so Affianna.
Hindi kami nabigo. Mukhang alam ni Lawson ang pasikot-sikot sa loob ng palasyo. Nakita namin ang isang babaeng nasa loob ng selda habang nakatali.
Puno siya ng galos at kita sa mukha niya kung gaano siya pinahirapan sa lugar na ito.
Nakaramdam ako ng awa sa kanya.
"Affianna..." mahinahong tawag ni Lawson sa kanya. Dahan-dahang nag mulat ng mata si Affiana at nang sandalung makita niya si Lawson at pinilit niyang tumayo.
"Anong ginagawa mo dito? Umalis ka na," tumingin si Affianna sa akin.
"Umalis na kayo Lawson! Mapapahamak kayo dito! Umalis na kayo!" aniya at itinulak si Lawson palayo.
"Huwag kayong gumawa ng gantong hakbang!" dugtong pa niya.
"Ano ba ang sinasabi mo, Affianna. Sumama ka sa amin, dala ko ang susi--"
"Lawson, makinig ka sa aking mabuti, hindi nila ako magagawang patayin. Iligtas mo si Euphie at protektahan mo siya sa abot ng iyong makakaya. Makinig ka sa akin paki usap..." ani ni Affianna at umiling si Lawson.
"Hindi Affianna sasama--"
"Gusto mo bang ako ang pumatay sa sarili ko ngayon ha?!" sigaw ni Affianna habang tumutulo ang luha sa kanyang mga mata.
"Pagod na rin ako! Kung hindi kayo lalaban at susunod sa gusto ko mas mabuti pang tapusin ko na agad ngayon ang buhay ko diba?!" dugtong niya at doon napabitaw si Lawson sa kamay ni Affianna.
Tumingin sa akin si Affianna at dahan-dahang ngumiti.
"Mag i-ingat ka at tapusin ang naumpisahan. Alamin mo kung sino ka at hanapin mo siya," ani ni Affianna at tumingin kay Lawson.
Ano ang ibig niyang sabihin don?
"Umalis na kayo," aniya at ako na ang kusang humila kay Lawson dahil sa mga titig ni Affianna sa akin na ang sasabing kailangan na naming umalis.
Napahinto kami ni Lawson ng harangin kami ng maraming kawal. Ginapangan ako ng kaba. Ang dami nila masyado!
"Sa likod ka lang," sambit ni Lawson gamit ang malalim niyang boses na mas lalong nag pa kaba sa akin.
Kinuha ko ang dagger na nasa binti ko at mahigpit na hinawakan iyon. Handa na upang makipag laban.
Sumugod ang mga kawal sa amin at agad kong itinapon ang dagger upang matamaan ang binti ng mga kawal na papalapit sa akin.
Hindi ko sila kayang patayin katulad ng ginagawa ni Lawson ngayon. Ramdam ko ang galit ni Lawson dahil sa dami ng kanyang pinapatay na kawal ngayon habang pino-protektahan ako.
Napa tingin ako sa mga mata ni Lawson na nagliliyab sa galit. He breath heavily ng matapos niyang mapatay lahat ng kawal.
Hinigit niya ako hanggang sa makalabas kaming dalawa sa palasyo at kinuha niya ang isang kabayo at binuhat ako upang makaupo sa kabayo at mabilis niya iyong pina takbo.
Napakapit ako sa kanya dahil sa bilis ng kanyang pag papatakbo.
Gusto ko siyang patigilin dahil natatakot ako sa bilis, ngunit mas nakakatakot ang aura niya ngayon kaya wala na akong nagawa pa kundi ang manahimik na lamang at kumapit sa kanya ng mahigpit.
We did escape together without Affianna.
I don't know where, hindi ko alam kung saan kami pupunta ngayon. Malamang ay nakarating na ito sa prinsipe ng Anchrome at nag kakaroon na ng kaguluhan sa pag diriwang.
Sana lamang ay nasa maayos na lagay si Drix, Selene at Prinsipe Wheyt.