School of Magic
Dalawang buwan na rin ang nakalipas simula nang mangyari ang kaguluhang ginawa ko. Affianna died ilang araw bago siya makuha.
Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako nakakabalik sa mundo ko. Naging tahimik rin sa palasyo lalo na noong kakamatay pa lang ni Affianna.
Sinisisi ko ang sarili ko noong una, pero nang maramdamang hindi sila galit sa akin at wala silang sinisisi sa nangyari ay medyo napanatag ang loob ko. Iyon lamang pakiramdam ko maraming nag bago, hindi na tulad noon.
O
Baka iyon lamang ang naiisip ko?
"Mag pa-patala tayo mamaya para makapasok sa paaralan," ani ni Selene sa akin habang tinutulungan ko siyang mag ayos ng mga gamit.
Enrollment?
"Kasama natin sina Heidie, Lia, Aeris at Gwen," aniya. I nodded. Naalala ko sila. Iyon yung mga kaibigan rin ni Selene na nag punta dito.
"Si Lawson at Drix kasama rin?" tanong ko.
"Bukas ang kanilang talakdaan," sagot niya sa akin.
Jusko! Ang lalim mo mag tagalog Selene. Di ko ata kinakaya!
Tumango na lang ako at nag patuloy sa pag tulong sa kanya, mukhang mag tatagal pa naman ako dito kaya, okay lang na mag enroll ako sa school nila? I was curious too sa kung ano ang itsura ng school nila at sa kung ano ang ituturo.
College din kaya sila?
Natapos ang ginagawa naming dalawa ni Selene, bumaba kami sa sala's at nakita naming nag hahanda na doon ang mga kasambahay nila ng meryenda.
"Qeaya Selene may liham po para sainyo," ani ng isang kasambahay at may inabot sa kanya. Nakita ko ang pag iba ng aura ni Selene. Lumambot iyon at tila nasiyahan siya sa mensahe.
Ano kaya ang laman ng mensaheng 'yon?
"Tawagin niyo na ang mga Kuya ko," utos ni Selene sa kasambahay at tumango naman sila at nag punta na sa itaas.
Sumund ako kay Selene sa pag-upo. Itinago niya ang liham at hinintay pa naming makababa ang mga kapatid niya upang umpisahan ang umagahan.
"Mag papatala kayo ngayon araw?" tanong ng Prinsipe Wheyt sa amin.
"Oo kuya, kasama sina Lia." sagot ni Selene sa kanya.
"Sasama ako sa inyo," ani ni Drix. Napatingin ako kay Lawson na tahimik lamang. Dalawang buwan din na halos iniwasan niya ako. Ngunit minsan ay lalapit siya at titigan lang ako.
He's so weird.
Naramdaman niya at ang titig ko kaya't tumingin siya sa akin, he smirked at tumingin sa panganay nilang kapatid.
"Sasama rin ako," ani ni Lawson.
"Mabuti, upang may kasama silang dalawa,"
"Kaya nanamin ang mag patala, isa pa kasama namin sina Lia," ani ni Selene.
"Bawal kaming sumama?" tanong ni Drix sa kanya.
"Hindi ko pababayaan si Euphie Kuya Drix kung iyon ang inaalala mo," ani ni Selene at napatikhim naman ako sa narinig.
Sa loob ng dalawang buwan na 'yon ay nag bago si Drix. Mas nag pakita siya ng pag kagusto niya sa akin. At hindi ako manhid para hindi maramdaman iyon umpisa pa lang.
"Sasama ako Selene," ani ni Drix. Napairap si Selene.
"Mapang-akin," bulong ni Selene na dinig sa buong hapag.
Narinig namin ang pag tayo ni Lawson kaya napatingin ako sa kanya at nag bigay siya sa akin ng sign na kailangan namin mag usap. Ang sign na iyon ay ang pag hawak sa kilay.
Umalis siya sa table. Kinabahan ako.
Ano nanaman kaya 'yon? Bakit ba ako kinakabahan?
Nagmadali na lamang ako sa pag kain at nag pa-alam sa kanila na tutungo na ako sa aking kwarto.
Si Drix ay busy nitong mga nakaraang araw dahil sa mga dami ng kailangan nilang gawin para sa kaharian.
Si Lawson ay busy rin dahil mas malawak ang hawak niyang mga lupain dito sa Faerun.
Kumatok ako sa pinto ng kwarto ni Lawson at pumasok doon dahil hindi naman iyon nakasara.
"Lawson?" tawag ko sa kanya habang nakatalikod siya sa akin at nakatingin lamang sa kanyang mga ginagawa.
Lumingon siya sa akin. Napairap ako.
"Wag mo sabihin sa akin na pinapunta mo ako dito para titigan nanamn ng ilang oras? Pinag bigyan lang kita noong mga nakaraang buwan dahil alam kong marami kang iniisip, pero hindi ko gusto ang ganito dahil hindi ko alam ang dahilan kung bakit ganyan ang mga kilos mo," mahabang lintaya ko. He smirked at mahinang tumawa.
"Kapag ba binigyan kita ng rason hahayaan mo akong titigan ka?"
Kumunot ang noo ko at bumuntong hininga.
"Ang hirap mong basahin sa totoo lang. I was very confuse. Naguhuluhan ako sa kinikilos mo and that's-- Naiinis ako! Naguguluhan ako sa nararamdaman ko so pwede ba, itigil mo na 'to?" sambit ko sa kanya.
Habol-habol ko pa ang aking pag hinga. Maging ang kamay ko ay nanlalamig dahil hindi ako sanay sa ganito. All of these feelings was very new to me. And he's so very confusing.
Hindi agad siya naka imik. Tumitig lang siya sa akin kaya naman mas lalo akong nainis.
"Hindi ka iimik at titig lang sa akin? I f*****g hate my face right now. Kaya ba ganyan ka dahil nagagandahan ka lang sa akin, pero hindi mo ako nakikita bilang babae?"
Biglang nag bago ang expression ng mukha niya lumapit siya sa akin at napa atras ako ng kaunti.
"Hindi... gumagaan ang pakiramdam ko kapag nakikita ka. Nasasaktan ko ba ang damdamin mo?" tanong niya at hindi ko alam pero biglang nawala lahat ng inis at galit ko sa kanya.
Mabilis akong umiling na parang bata. Wtf is wrong with me?
Lumapit siya sa akin kaya naman muli akong napa-atras hanggang sa napasandal ako sa pader.
Fvck?
Marahan niyang hinaplos ang buhok ko at lumapit sa akin hanggang sa naramdaman ko ang hininga niya sa batok ko.
Naramdaman kong isinukbit niya ang takas kong buhok sa aking tenga.
Mas lalong lumakas ang t***k ng puso ko dahil sa ginagawa niya. Napatitig ako sa kanya. I'm melted. Tunaw na tunaw na ako!
Sino ba siya sa buhay ko?
Lumayo siya sa akin at muling bumalik sa kung saan siya nakaupo kanina. Napahawak ako sa dibdib ko at napaupo na lamang sa sahig dahil sa panghihina.
"Sasama ako mamaya kapag mag papatala kayo," aniya.
Hindi ako umimik at napairap na lamang.
"Lalabas na ako, bahala ka sa buhay mo." at nag madali na akong lumabas ng kwarto niya at nag punta sa kwarto ko.
After few hours ay napag desisyunan na naming mag ayos upang maka punta na sa paaralan dito sa Faerun. Balita ko rin ay isa itong sikat na paaralan dito sa buong Abeir-Toril, talaga namang kilala at tanyag ang mga mag a-aral doon. Mayaman, matalino at malalakas.
Nang ma-ayos ko ang sarili ko ay bumaba na ako sa ibaba at nakita kong naroon na ang mga kaibigan ni Selene. Ngumiti ako sa kanila at ngumiti din sila pabalik.
"Magandang umaga," bati nila.
"Magandang umaga din sa inyo," balik bati ko sa kanila.
"Sabi na kasing huwag na kayong sumama," inis na sambit ni Selene habang nakasimangot na nag lakad palabas dahil nakita niyang bihis narin si Drix at Lawson.
Hindi ako tumingin kay Lawson. Ayoko siyang makita.
Lumapit sa akin si Drix at ngumiti sa akin. I smiled back to him.
"Ayos ba?" tanong niya habang ipinapakita ang kanyang porma. Napangisi ako.
"Okay lang. Bagay mo," sagot ko sa kanya at nanlaki naman ang mga mata niya.
Hindi siya umimik at nakita ko ang pamumula ng pisngi niya.
"Sabay na ba tayo?" tanong ni Drix.
"Selene, hindi naman tayo kakasya lahat sa isang kalesa kaya bubukod kami ni Euphie," ani ni Drix kay Selene.
"Bahala kayo, epal ka." sagot ni Selene.
Sumakay kami ni Drix sa isang kalesa, pag kapasok naming dalawa ay pumasok din si Lawson sa loob.
"Anong ginagawa mo dito?" tanong ni Drix sa kanya. Hindi umimik si Lawson sa kanya kaya naman agad kong hinawakan ang kamay ni Drix ng tangkain niya sugurin si Lawson.
"Baka mag away nanaman kayo, hayaan mo na Drix." sambit ko at kumalma naman si Drix.
Umandar na ang kalesa. Nakakaramdam ako ng tensyon kaya naman nag decide akong kausapin ng kausapin si Drix baka sakaling mawala ang tensyon na yun at maging smooth ang biyahe.
"Ganda pala dito sa Faerun no?" tanong ko sa kanya.
"Kasing ganda mo," sagot niya. Napasimangot ako.
"Matagal ko ng alam yan Drix!" sambit ko at sabay kaming natawa.
"Alam mo ba, syempre hindi pa diba? May nakita ako sa bayan, hindi ko alam kung ano tawag don pero katulad siya ng telang suot mo ngayon," sambit ko.
"Hmm?" tanong niya at umiling ako.
"Parang kakaiba lang sa ibang tela na nandoon at parang nakita ko na noon," sambit ko. Kumunot ang noo niya.
"Nakita mo ang tela na kaparehas nito?" gulat na tanong niya. I nodded as an answer.
Umiwas siya ng tingin sa akin at tila napansin ko ang lalim ng iniisip niya kaya naman kinalabit ko siya.
"Ayos ka lang ba Drix?" tanong ko sa kanya. Tumingin siya sa akin at tumango.
"Oo ayos lang... Nakakapagtaka lang," aniya. "Huwag mo ng alalahanin 'yon," dugtong pa niya at napatango na lamang ako hanggang sa makarating kami ng Paaralang tinutukoy nila.