Conclave of Silverymoon
Ang hangin ay malakas na humapas at inihangin nito ang aking mahabang buhok.
Nakatitig ako ngayon sa isang malaking paaralan. Grabe! Sobrang laki mga sizmars!
Sa gate nito ay may nakalagay na Silverymoon, at naka sulat ito sa isang halfmoon. Mataas ang palapag ng paaralan at makikita mong kakaiba talaga ito.
"Ang ganda..." mahinang usal ko. Lumapit sa akin si Selene kasama sina Lia. Ikinawit ni Selene ang braso niya sa akin at hinila na ako habang ako naman ay abala sa pagtingin sa paligid.
Kailangan makita ko lahat! Nakakapanibago sa mata ang mga nakikita ko! Nakakamangha. Sobra.
Pag pasok namin sa loob ay maraming napatingin sa amin at yumuko. Oo nga pala. Prinsesa nga pala kami. Maging ako ay itinuturing nilang prinsesa.
Sa kabila ng pagmamasid ko ay may narinig akong bulungan sa paligid.
"Sino ang kasama nila? Ang ganda niya ha!"
"Siya na ata ang Hera ng Osses. Totoo nga. Napakaganda niya,"
Hindi ko na lamang pinansin ang mga naririnig. Panay rin ang kwentuhan nila Lia, Heidie at nila Selene at hindi naman ako nakakasabay sa pinag u-usapan nila dahil nag babalik tanaw sila sa mga karanasan nila dito sa paaralan na wala ako.
Pumila kami at nag hintay na ilista namin ang aming pangalan. Kahit prinsesa rin pala kami ay hindi kami binibigyan ng special treatment dito ng staffs at mga guro sa paaralang ito. Which is a good to me. Ganun naman dapat. Equality.
Sumunod ako kay Selene after niya mag fill up sa form, katulad lang din sa mundo ko ay nag lagay ng name and other queations regarding to your self, ibinigay din ka agad ang aming schedules and subject.
Gaya ng inaasahan magiging iba talaga 'to. At hindi ko maintindihan ang mga nandito sa list. Sort of, naiitindihan ko siya ngunit hindi ko mauunawaan kung bakit ganito ang mga subject na dapat i-take at aralin sa lugar na ito it seems like... need ba talaga 'to?
"Kuya, mamasyal kami kasama si Euphie, pakiusap huwag na kayong sumama para sa'min lang 'to na mga babae," ani ni Selene sa mga kuya nilang nakasimangot na dahil kanina pa tumitili ang mga babaeng nakakakita sa kanila.
"Sasama ako," ani ni Drix na mas nag pa simangot kay Selene.
"Euphie, hindi ko mababawalan ang mga 'yan may kailangan pa kaming puntahan nila Lia, mauna na kami." ani ni Selene at hinigit na sila at iniwan ako sa dalawang ito.
"Teka Selene--" hindi ko na natuloy ang sasabihin ko ng makita ko ang isang pamilyar na pigura ni Clyde.
"Umuwi na lang tayo--"
Mabilis akong tumakbo at hinabol si Clyde. I shouted his name pero katulad ng dati ay hindi pa rin siya lumilingon.
Mas binilisan ko pa ang pag takbo hanggang sa ma abot ko ang damit niya kaya napahinto siya at lumingon sa akin.
"C-clyde..." ani ko. Kumunot ang noo niya at ngumiti aa akin.
"Rey ang pangalan ko binibini," aniya at ngumiti sa akin. Napakagat ako sa ibabang labi ko at hindi ko napigilan ang sariling yakapin siya at humagulgol sa pag iyak.
"Binibini?" pag tawag niya sa akin. Umalis ako sa pag kakayakap sa kanya at pinahid ang luha sa aking mata.
"Paumanhin..." sambit ko. Tumango siya at tinitigan ako.
"Kamukha ko ba ang lalaking hinahanap mo?" tanong niya. I nodded as an answer to him.
"Paumanhin ngunit hindi ako iyon, nagmamadali rin ako kaya't hindi kita matutulungang mahanap ang taong iyon," aniya at tumango na lamang ako at nag pa alam na siya sa akin na mauuna na.
I really miss Clyde. Bata pa lamang ay mag kaibigan na kaming dalawa kaya naman di ko maiwasang ma miss siya.
"Constance?" tawag sa akin ni Drix at nakita ko silang dalawa ni Lawson sa likuran ko.
"Sino 'yon?" tanong ni Drix.
"Pwede ba kitang makausap Lawson?" tanong ko sa kanya. Nakita ko ang pag kunot ng noo ni Drix.
"H-hindi ako kasama?" he asked. I smiled to him at hinaplos ang buhok niya.
"Importante e, sabihin ko na lang sa'yo. Kailangan ko lang talaga siyang makausap," sambit ko.
He nodded. Hinawakan ko si Lawson sa kanyang braso at hinila palabas at kung saan man ako dalhin ng paa ko sa lugar na hindi ma tao na kaming dalawa lang ang makakapag usap.
Binitawan ko siya at hindi naman siya tumingin sa akin at prenteng umupo sa isang bakanteng upuan.
"Lawson, tulungan mo ako." sambit ko. "Kailangan ko ang tulong mo na mahanap uli ang lalaking 'yon. Malakas ang kutob ko na siya talaga ang kaibigan ko sa mundo namin na kagaya mo ay hindi na rin maalala pa ang nangyari," sambit ko sa kanya.
"Hindi mo kilala ang lalaking niyakap mo kanina?" he asked with disbelief. I nodded. Narinig ko ang pag singhap niya at tumingin sa akin.
"Bakit naman kita tutulungan?" he asked. Sinusumpong nanaman ba 'to? Bat ang sungit nanaman niya sa akin?
"Dahil... Ikaw lang ang nakaka alam ng totoong ako, at pinagkakatiwalaan kita," sagot ko sa kanya. Hindi siya umimik kaya naman lumapit ako sa kanya at tumabi.
"Hmm?" I said and look at him deeply. Please pumayag ka na. Kailangan kong mahanap uli ang lalaking 'yon at makausap.
"Dito siya nag a-aral Euphrasia," aniya.
"Talaga? Ibig sabihin... Hindi ko na pala talaga siya kailangang hanapin. Akala ko hindi siya dito nag a-aral dahil hindi niya suot ang simbolo ng paaralan?" tanong ko.
"Siguro dahil anak siya ng may ari ng paaralang ito kaya hindi na niya sinunod ang batas na 'yon," sagot niya and that answer the question why.
Napatango-tango ako nanatili kaming tahimik. Ang daming bumabagabag sa isip ko at gusto ko na lamang maiyak.
"Madalas ba kayong mag kasama ng kaibigan mo na 'yon?" tanong ni Lawson sa akin. I nodded.
"Oo, simula bata pa lang ay mag kaibigan na kami. Nakakatandang kapatid na ang turing ko sa kanya," sagot ko.
"Hmm," he answered.
"Nagseselos ka ba kaya ka nagsusungit?" tanong ko sa kanya at napangisi naman siya.
"Talaga ba?"he answered.
"Bakit, hindi ba?"
"Hindi," mabilis niyang sagot na nag pasimangot sa akin. Sabi na! Pinaglalaruan niya lang nararamdaman ko!
"Edi wow, jan ka na nga puntahan ko na si Drix--"
"Selos na selos Euphrasia," aniya at lumapit sa akin. Mabilis niyang inangkin ang labi ko.
Hindi ako nakagalaw sa kinauupuan ko ngayon. I felt butterflies in my stomach and my heart beats fast.
His lips was so soft that it gaves me unbearable feeling. Hinaplos niya ng marahan ang akin buhok habang tumutugon ako sa kanyang mga halik.
Ang sarap at ang saya sa pakiramdam. Hindi ko alam. Ngunit ang pakiramdam na ito. Pakiramdam ko mababaliw ako!
"Huwag mo na akong pagselosin ulit, dahil hindi ko na alam kung ano pa ang sunod na magagawa ko Euphrasia. Mababaliw na ako tuwing nakikita kong nag u-usap kayo ni Drix o makipag usap ka man lang sa ibang lalaki," aniya. Mabibigat ang pag hingang ginagawa ko.
Hindi ko naintindihan ang sinasabi niya dahil nakatitig lamang ako sa labi niya.
"Nakikinig ka ba sa akin Euphrasia?" tanong niya. Ini-angat ko ang kamay ko at hinawakan ang labi niya. Ang isang kamay ko naman ay inihawak ko sa braso niya para mas maramdaman ko ang mga labi niya.
"A-ano bang ginagawa mo..." aniya sa mababang boses.
"Pwede bang isa pa?" tanong ko sa kanya.
"Huh?" he asked curiously.
"Halikan mo ako ulit," sambit ko. He smirked at lumayo sa akin na mas lalong nag pasimangot sa akin.
"What the hell?" inis na sambit ko. He laughed.
"Iwasan mo ang dapat iwasan," aniya at nag lakad na palayo.
Baliw talaga ang isang 'yon!
Tangina ano bang pumasok sa isip ko at nanghihingi ako ng halik ulit? Wtf. Anong kalandian yan Euphrasia?
--
Nakauwi kami ng palasyo na nakasimangot lang ako habang si Drix kanina pa nag tatanong sa akin pero di ko sinasagot. Wala akong ganang makipag kwentuhan! Sirang sira ang mood ko ngayong araw dahil kay Lawson. Pag tapos niya akong halikan ng ganon iiwan niya ako?
"Pagod na ako Drix, magpapahinga na ako. Bukas ko na lang sasabihin sa'yo," sagot ko sa kanya at nag deretsyo na sa itaas at nahiga sa malambot na kama at nakatulog.
Kinabukasan ay hindi ko na nakita pa si Drix at Lawson sa palasyo dahil mag papatala sila ngayon at may mga kailangan pa daw silang asikasuhin.
Hindi rin ako sumama kay Selene sa lakad niya ngayon dahil hindi naman niya ako inaya. Kaya ngayon ay nasa kwarto lang ako at nakatitig sa kawalan.
Sa susunod na linggo na ang opening ng school. Na e-excite na rin ako at kinakabahan at the same time kasi ibang iba talaga to sa paaralang nakasanayan ko.
Pero nakakatuwa kasi ma cha-challenge ako. Sana lamang ay madali kong maunawaan ang lahat.
Hapon na ng makauwi si Drix at Lawson hindi sila sabay umuwi. Naunang umuwi si Drix at nag punta talaga siya ka agad sa kwarto ko upang marinig ang sasabihin ko kung ano ba ang pinag usapan namin ni Lawson.
"Drix, alam ko at ramdam ko na may gusto ka sa akin ngunit hanggang kaibigan lang talaga, Drix." deretsyong sambit ko. Hindi nag bago ang expression ng mukha niya at ngumiti lamang sa akin.
"Alam ko," sagot niya. "Pahinga ka na, hindi na kita pipiliting sabihin sa akin," pag kasabi niya nun ay lumabas na siya ng kwarto ko.
Ramdam ko na hindi okay si Drix. Ngunit iyon ang tamang dapat gawin ko. Hindi ko na dapat siya paasahin pa. Dahil may iba akong maguhustuhan.
I sighed and the moment we kissed flash on my mind again.
Kainis. Ang gwapo niya talaga!
"Bat ba ang gwapo niya... Hayyy," sambit ko at itinaklob amg unan sa mukha ko at pilit inaalis sa isip ko ang pangyayaring iyon.
Pero masisisi niyo ba ako? First kiss ko yun mga sizmars! FIRST KISS. omaygash lang diba?