Pang labing-anim: First day

2152 Words
First day Nakatitig lamang ako sa kisame habang ang kamay ko ay nakataas. I'm doing this when I'm stress or tired of everything. This is our first day of school. Ilang araw narin ang nakalipas. It's been a week since. Naging paulit-ulit ang routine ko. Naging busy si Selene. Actually lahat sila naging busy kaya ako na walang ka alam-alam sa mundo nila at sa kung anong ginagawa nila ay naging tambay dito sa palasyo nila. "Mahal na Hera, kailangan niyo na pong bumangon." ani ng katulong sa akin. I pouted my lips at tumingin sa kanya. "Wala pa rin ba si Lawson?" I asked her. Umiling siya kaya agad akong napatayo. "Nakauwi na po siya," aniya. "Tulungan mo muna akong makapasok sa kwarto niya na walang nakakakita, okay?" sambit ko at hinawakan siya. "Pero mahal na Hera," "Shh, paki-usap?" sambit ko at napa payag ko naman siya. I don't know what am I thinking right now, pero iisa lang ang gusto ko mangyari sa ngayon dahil miss na miss ko na siya! Alam ko na walang kami. Eh ano naman ngayon? MU kami! MU! Nakapasok ako ng maayos sa kwarto ni Lawson. Wala akong makita dahil walang ilaw. I just about to open the lights ng halos mapatalon ako ng may humawak sa kamay ko. Nakita ko ang mukha ni Lawson. Nakaka siraulo din na kanina wala akong makita pero mukha ni Lawson nakikita ko?! "Anong ginagawa mo dito?" tanong niya using his deep voice. I cleard my throat at sinubukan kong umalis dahil masyado na kaming malapit. Hinayaan naman niya ako na ma ka-alis at makalayo sa kanya. "A-alis na ako," sambit ko at tumalikod na sa kanya. Hindi man lang niya ako pinigilan? What's wrong with him? Bumalik ako sa kwarto ng nakasimangot. Nag ayos narin ako ng sarili ko at nag suot rin ng uniporme. Kakaiba rin ang uniporme nila dito. Mahaba ito na may logo ng school nila sa gilid. Nakaka panibago lang. Buti nalang hindi ito katulad ng pilipinas na sobrang init. Dahil ang ganitong klase ng damit hindi makakatagal sa pilipinas. I'm done fixing myself. Nalaman ko rin na nakauwi na si Drix. He's a bit late at late na rin siya makaka pasok. Hindi na rin kami nakakapag usap ni Drix ng maayos. Naramdaman ko na umiiwas siya sa akin, and I didn't bother to ask because it was for our own good too. Mabuti na rin 'yon para di na siya masaktan. I was expecting to saw Clyde in the campus today. Sana lamang ay makita ko siya dahil ito rin ang dahil kung bakit gugustuhin kong pumasok sa school nila. "Dala mo mga books mo?" tanong ni Selene. I nodded. "Paniguradong magiging matunog ang pangalan mo sa paaralan, maganda ka at bagong studyante," ani ni Selene. "Hindi naman," I answered. She just laughed at lumabas na kami ng palasyo at sumakay na sa kalesa. "Selene, kinakabahan ako." sambit ko. Tumingin siya sa akin. She smiled. "Wag kang kabahan, andito naman ako. Tutulungan kita parati,"She said. I nodded. "Alam ko naman 'yon kaso di ko maiwasan," "Katulad lang din naman ito sa paaralan mo sa Osses. Yun nga lang mas malaki ang Silverymoon pero hindi ibig sabihin no'n na kailangan mo ng kabahan, Hera ka. Wala kang dapat ika-kaba diba?" sambit niya. Napatango na lang ako. Selene was always right. Kapag nag sasalita siya wala na akong masabi kasi palagi iyong tama. I saw her as a smart lady not just a beautiful face. She's very brave too. Very admirable. Nakarating kami ng paaralan. As I expected. Umani ng bulong-bulungan na kung sino daw ba ako. I ignored them, but I can't ignore what are they saying kasi ang lakas lakas nila mag salita. Hindi na namin kinailangan pang sumiksik sa bulletin board dahil kusa na silang nag bigay sa amin ng daan. Selene was happily checked the list. She smiled to me at itinuro ang pangalan naming dalawa. "Kasama ka sa klase namin," balita niya sa akin. Sinilip ko ang pangalan ko at tinignan ang mga pangalan na naroon at na agaw niyon ang pangalang Rey. Rey? Saan ko na nga narinig ang pangalang 'yon? "Tara na sa silid-aralan," aya niya sa akin. Tumango ako at sumunod sa kanya. Lumingon pa ako sa kapaligiran at pinagmasdan ang paaralan. It's unique and very antique. I guess maswerte pala aka 'cause I live in the modern world era which computer existed. Pag pasok sa loob ng classroom ay nakita kong naroon rin sina Lia, Heidie, Aeris at Gwen. I smiled to them and greeted them. They greeted me at me too at nag umpisa ng makipag usap si Selene sa kanila ng makahanap kami ng upuan. "Buti na lang at dito ka sa aming pangkat napa bilang," ani ni Gwen. "Kaya nga, masaya kami na makasama ka." ani ni Lia. Napahinto sila sa pag da-daldalan ng pumasok si Lawson at Drix sa loob kasabay nila sa pag pasok si Clyde. Sumunod ang tingin ko kay Clyde. Magiging kaklase ko siya! Gosh hindi na ako pinapahirapan ng tadhana. Siya na mismo nalapit sa akin. Ibig sabihin siya yung Rey? Tama! Siya nga 'yon! "Magandang umaga. Buksan ang inyong libro sa pahina lima," ani ng magiging guro namin sa hindi ko alam na subject. Hindi ko pa nakikita uli ang schedule ko. "May bagong mag a-aral. Maari bang ipakilala mo ang iyong sarili sa lahat?" ani ng guro. I stood up and smiled to all of them. "Magandang umaga. Ako si Euphrasia Constance Madrigal galing sa Osses," pag papakilala ko at narinig ko ang sunod sunod na pag bubulungan. "Sabi ko sa'yo! Siya nga yung Hera ng Osses," "Ang ganda pala niya talaga" "Akala ko kwento kwento lang ang ganda niya pero totoo ngang napaka ganda niya..." "Maraming salamat sa partisipasyon," ani ng guro. "Ako si Farah Liborsome, ang magiging guro niyo sa pag papahusay ng inyong abilidad sa pag gamit ng inyo ika anim na pandama," aniya. "Mula noon pa man ay may mga karanasan na kayo ukol sa pag gamit sa abilidad ninyo. Ngunit, hindi pa kayo ganoon kabihasa sa pag gamit," "Sa pahina lima makikita ninyo ang iba't ibang uri ng pandama. Uumpisahan natin sa pandinig. Ang pandinig ay isa sa pinakamahalagang bagay lalo na sa pakikipag-laban, dito ay hahasahin ko kung paano niyo 'to mas mahuhubog," "Bawat isa sa inyo ay may ika anim na pandama at kung wala man ay mayroon kayong itinatagong espesyal na abilidad na siyang susubukan nating mapalabas ng paunti-unti," dugtong niya pa. Nag patuloy siya sa pag di-discuss. I was really curious to the point na hindi ko na namalayang tapos na palang mag turo si Ma'am Farah. "Iyan muna sa araw na ito, salamat." Ma'am Farah smiled and left the room. Napatingin ako sa mga tinake down notes ko at itinago na iyon sa bag para mag handa sa susunod na klase. Ang sumunod na klase ay si Ma'am Sergeria Ombac ayon sa pag papakilala niya. Hindi na ako nag pa kilala pa sa buong klase. Ma'am Sergeria also know me naman na kaya no need to state my name on her. Siya ang guro namin sa pag gawa ng mga potion o talisman. Ewan ko ba need din ata namin matuto kung ang pag kukulam. Kidding. She was very strict. The way she speak para siyang isang terror teacher. She stopped disscussing at nag pa alam narin sa amin. It was our break time. First day na first day pero nag klase agad sila. "Gusto mo bang ilibot ka namin sa buong paaralan?" tanong ni Gwen sa akin. I was about to nod my head ng makita kong nag si lapitan lahat ng mga babae mula sa iba't ibang classroom kay Lawson, Drix at maging kay Clyde. Napatingon ako sa mga babaeng lumapit kay Lawson. Naningkit ang mga mata ko. Ano bang ginagawa nila? "Euphie?" pag tawag ni Selene sa akin. "Uh, sa sunod na bakante natin. Kailangan ko lang kausapin si Rey." sambit ko at tumayo upang lumapit sa table ni Rey na mukhang walang balak pansinin ang mga babaeng lumalapit sa kanya at nakasubsob lamang sa desk. "Pwede ba kitang makausap. Sabi mo tutulungan mo akong mahanap ang taong hinahanap ko na kamukha mo hindi ba?" Napa angat ang kanyang ulo at nag tama ang tingin naming dalawa. He was shocked the time that she saw me. "Hintayin kita sa labas," sambit ko at lumabas na ng classroom. Nakita ko pa ang pag tingin sa akin ni Lawson. Inirapan ko siya. Ang landi niya! Naramdaman ko ang pag sunod sa akin ni Rey. Nakarating kami sa isang malaking fountain at naupo sa may bench. "Hindi ko akalain na dito ka rin pala nag a-aral," aniya. "Mas lalong di ko akalain na dito ka nag a-aral," sambit ko. "Bakit kailangan mo akong makausap? Matutulungan kita hindi na iyon mahirap sabihin mo lang ang pangalan nito at kung saan ito dating nakatira," aniya. I sighed. Kung sana nga ay ganon kadali. "Hindi mo siya mahahanap ng ganoong kadali," sambit ko. "May peklat ka sa kanang braso mo, tama ba?" tanong ko sa kanya. I saw how he was shocked. "Paano mo nalaman?" tanong niya. "Tama nga ako," I said and left out a heavy sighed. "Hindi ko alam kung paano ka napunta dito, pero kailangan mo makinig sa akin at maniwala, okay?" sambit ko habang nakatitig sa kanya at kasabay non ang pag bilis ng oras. The next class was swords class. Dito ay hahasain kami sa pag gamit ng sandata. Alam kong lahat ng kaklase ko dito ay magagaling na sa pakikipag laban at hindi pa ako kasing husay nila. But atleast I know hot to defenz myself. He is Ronald Espina. He discussed briefly the following characteristic in swords fight. Medyo hindi ako nakinig dahil hindi ko maiwasang isipin kung ano ba ang problema nitong si Lawson at hindi siya namamansin. Kung ayaw niyang mamansin edi wag. Ano kala niya sa sarili niya, gold? After ng klase gaya ng naipangako kay Gwen ay ito-tour nila ako dito sa paaralan. Kitang kita ko nag e-enjoy sila sa pag lilibot sa akin dito sa pa aralan. Na enjoy ko rin dahil sobrang lawak at sobrang laki. Yun nga lang nakakapagod! "Grabe nakakapagod libutin ang buong paaralan na ito," ani ni Heidie. Sumang ayon naman si Lia sa kanya. "Pasensya ka na Euphie, sana nagustuhan mo ang ginawa naming pag lilibot sa'yo dito sa palasyo. Ngayon ay hindi ka na maliligaw." ani ni Gwen. "Nagustuhan ko, salamat sa inyo ha," sambit ko at ngumiti. "Malapit ba kayo ni Rey? Napaka misteryosos niyang tao. Pero napaka gwapo!" ani ni Gwen. "H-hindi naman masyado," sagot ko. "Kung ganoon ay medyo malapit kayo?" tanong ni Lia. Nag kibit-balikat ako. "Siguro?" sagot ko at napanguso naman si Lia. "Pakilala mo kami sakanya! Pakiramdam ko wala siyang kilala isa sa mga kaklase niya. Napaka misteryoso at palagi lang siyang tahimik pero matalino," ani ni Gwen. Napatango na lamang ako at nakinig sa mga kwento nila tungkol kay Rey. Nakabalik kami sa classroom at mabilis na hinanap ng mata ko si Lawson ngunit wala siya sa classroom. Nasan kaya siya? "Nasa silid ng musika, pinapa punta ka niya doon," ani ni Drix ng makalapit sa akin. I look at him. Namiss ko rin ang pangungulit niya sa akin. "Drix..." "Sige na, pumunta ka na." aniya. Tumango ako at tumakbo pa puntang music room. Na abutan kong naroon si Lawson habang tumutugtog. He started singing habang papalapit sa akin. Nakatitig lamang ako sa kanya at na estatwa na sa kinakatayuan ko. His voice is so soft and refreshing. Napaka ganda ng boses niya sa aking pandinig. Maging ang kanyang pag lapit sa akin ay pakiramdam ko ay nakahinto ang buong paligid at tanging kaming dalawa lamang ang tao dito. Ikaw lamang... Ikaw at wala ng iba. He finished the song. "Namiss kita Euphrasia," aniya at pumungay ang mga mata. His adams apple moved. Ang lalaking 'to! How can he do this to me?! "Gago," sambit ko. He stopped walking dahil sa sinabi ko. "Gago ka, makipag landian ka sa iba. Huwag sa akin!" sambit ko at tatakbo na sana palayo ng pigilan niya ako at ikulong sa mga bisig niya. "Kung alam mo lang kung gaano ko kagustong yakapin ka, kaso gusto kitang surpresahin," aniya at hinaplos ang buhok ko. "Sorpresa? Ano bang meron sa atin Lawson? Ginagawa mo ba ito dahil may malalim na dahilan?" tanong ko sa kanya. "Ginagamit mo ako para inisin si Drix? Alam mo na gusto ako ng kapatid mo kaya kinukuha mo ang loob ko? Oo nakuha mo na. Masaya ka na Lawson? Pwede ba tigilan mo na 'to. Kung ano man ang pina plano mo," sambit ko at hindi ko napigilan ang sarili kong umiyak sa harapana niya. He hugged me tight. "Euphrasia gusto kita," aniya na mas lalong nag pahagulgol sa akin sa pag iyak.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD