Club Members
Mag hapon ang naging klase. The teacher's are very strict. Ang gagaling nila mag turo! Pati sina Selene at Lawson ang galing sumagot! Napag alaman ko na silang dalawa ang top students dito sa Silverymoon. As well as Drix and Clyde. Pero grabe lang no?
They are really gifted. Gwapo na nga matalino pa. Saan ka pa? Char.
Honestly. Siguro dahil narin sa curiousity kaya hindi ako na bored sa bawat subject na tinatakay ngayon.
May nabanggit din sa amin na in-announce na kailangan na naming mag punta sa kanya kanya naming club members o miyembro ng isang partikular na grupo.
"Kasama ka sa grupong Ash, Euphie." ani ni Selene habang nag a-ayos ng gamit. Tumango ako. Hindi ko alam na kasama pala ako sa kanila pero hindi naman malabing hindi nga so I decided to follow them kung saan tutungo daw sa isang room na assigned sa bawat club.
"Pinuno natin ang magaling kong kapatid na si Lawson, Euphie." ani ni Selene sa akin. Tumango ako at ng sandaling maka pasok kami sa loob ay nakita ko ang dami ng sandata sa loob, mag libro at kung anu-ano pa na magagamit sa pakikipag laban.
"Alam ko lahat ay alam na liban kay Euphrasia, nais kong ipaliwanag muli upang maunawaan niya kung para saan ang samahang ito," ani ni Lawson. Lahat ay nag si tango kaya naman tumango rin ako.
"ASH, ang grupo natin ang pinaka kilala at tinatangkilik sa buong Faerun, bukod sa Dyronic na humahabol sa atin sa porsyento. Taon-taon ay nag kakaroon ng CRASH OF CLASH THE BATTLE. Kung saan dito masusukat ang galing ng isang studyante sa pag gamit ng sandata at kapangyarihan," aniya.
"Hindi ito delikado dahil lahat ng ito ay illusion lamang. Ngunit mararamdaman natin ang sakit o sugat na matatamo natin sa pakikipag-laban. Hindi madali ang paligsahang ito, lali na sa ating ASH, dahil tayo ang isinasabak sa PANG KABUUANG LABANAN. Hindi katulad ng ibang club na narito ay sila-sila lamang ang maglalaban upang makakuha ng grado. Sa atin ay kailangan nating irepresenta ang ating paaralan para narin sa grado at sa dignidad. Hinulma tayo at napunta sa ganitong sitwasyon, ibig sabihin ay malayo na ang ating narating, at isa itong gantimpala para sa lahat ang mapabilang sa ASH." ani ni Lawson. I was smiling the whole time he's speaking! Ang haba ng sinabi niya. He's a silent type so, it's just new to me na mag salita siya ng ganitong kahaba. He is indeed born to be a leader.
"Mag e-ensayo ba tayo ngayon?" tanong ni Gwen.
"Mag u-umpisa ang pag e-ensayo natin sa susunod na linggo," sagot ni Lawson.
"Maari na kayong umalis," aniya at lumabas ng kwarto. Ang moody talaga non!
"Hay sa wakas wala ng klase!" ani ni Heidie.
"Mamasyal tayo?" aya ni Lia. Mabilis silang nabuhayan at mabilisan silang tumango.
"Sama ka Euphie ha," ani ni Selene. I nodded.
"Oo, gusto ko ring mamasyal," sagot ko sa kanila.
"Mabuti! Tara na ba?" tanong ni Gwen. Napatingin ako kay Aeris. She's always silent at hindi nagsasalita. Out of curiosity kaya naman tinanong ko siya.
"Ayos ka lang ba?" tanong ko. Tumingin siya sa akin na gulat na gulat at mabilis na tumango.
"Okay lang 'yang si Aeris, Euphie. Tara na?" Selene said at lumabas na ng classroom. Lumingon ako sa paligid at nakitang wala na si Clyde, Drix at Lawson...
Sumunod ako kanila Selene. Nakikisama rin ako sa pinag u-usapan nila kapag nakaka relate ako. Pero madalas hindi talaga ako maka-relate.
Sumakay kami sa kalesa. I was laughing because of what are they saying.
"Mag gusto ka talaga sa kanya?"
"Hindi ba pwede? Ang gwapi niya kaya!" ani ni Heidei kay Lia. Lia laughed.
"Suwerte mo na lang kung mapansin ka no'n. Baliw kaya yun," sagot ni Lia.
"Hindi naman, may isang beses na nakapag usap kami at ma ayos naman siyang kausap, Lia!" sagot ni Heidie.
"Mahilig sa babae ang isang 'yon, malamang isa ka na rin sa puntirya niya," segunda ni Gwen.
"Ano sa tingin mo Selene?" tanong ni Lia kay Selene.
"Sa tingin ko, bulag 'tong si Heidie," sagot ni Selene at napasimangot naman si Heidie sa sinabi ni Selene.
"Grabe ka naman sa akin!" nakasimangot na sabi no Heidie at napailing na lang ako.
Tumigil ang kalesa at huminto kami sa isang malaking, ano 'to Mall?
"Ito ang pinaka malaking pamilihan dito sa Faerun, madalang lang kami nag punta dito dahil malayo sa palasyo. Malapit sa paaralan kaya nandito tayo ngayon," ani ni Selene.
Muli akong namangha. Marami akong nakikitang tao at parang napaka moderno ng lugar na ito.
"Kakaiba talaga ang lugar na ito, marami tayong makakasalamuha na iba't ibang uri mula sa ibang bansa. Marunong ka naman mag salita ng Inorcia?" tanong ni Selene sa akin.
"I-inorcia?" nag tatakang tanong ko. She nodded.
Jusko! May kakaiba silang lenguahe na ginagamit sa mundo na ito!
"Malamang ay alam mo 'yon. Tara na sa loob. Nagagalak na ako!" masayang sabi ni Selene.
Sumunod kaming lahat sa kanya.
Sa muling pag kakataon ay namangha ako. Malapit-lapit na sila sa modernong panahon. Ang ganda ng pag kakagawa sa lugar na ito. Ang daming pwedeng bilhin mga damit at kung anu-ano pang accessories.
"May mga blackberries?" takang tanong ni Gwen at lumapit sa tindera kung saan niya nakita iyon.
Ang tindera ay abala sa ginagawa. She greeted as at tinanong kung bibili daw ba kami.
We decided to buy dahil takam na takam si Gwen. Ayos din ang lasa, para siyang shake sa mundong pinangalingan ko.
"Mag laro ba tayo doon?" Lia asked at sabay-sabay kaming tumango. Nag laro kami ng mga kulay-kulay. Hindi ko alam kung anong tawag nila sa game nito but it was fun to play. Nakaka challenge lang kasi kailangan naming malaman o hulaan ang kulay na lalabas at yung kulay na mapipili namin ay kailangan i shoot.
"Mali nanaman ako!" inis na sabi ni Heidie. I smirked and continue the game. Nag e-enjoy ako dahil tama ang ginagawa ko at mas marami na akong puntos sa kanila.
"Ang bilis mo naman Euphie!" reklamo ni Selene. Tumawa lang ako at nag patuloy.
"Yes! Panalo ako!" sigaw ko. Kapag nanalo daw sa game ay maari kaming pumili sa mga naka display nang gusto naming prize.
Medyo nahirapan ako sa pag pili ng prize kasi lahat naman magaganda. Nag suggest na rin sila sa akin ng pwede kong piliin pero hirap parin ako mag decide, dalawa kasi ang gusto ko pero isa lang ang pwede.
"Yan na kunin mo," ani ni Selene. Tumango ako dahil isa rin yun sa una kong nagustuhan. I was happy to recieved my prize at nag hanap uli kami ng malalaro.
Ang next game na ginawa namin ay dart. Mukhang lugi ako sa game na ito dahil hindi ako nakakalaro ng gan'to. Mukhang bihasa sila lalo't pinag a-aralan ito sa school nila.
"Hindi muna ako mag lalaro," sambit ko.
"Bakit naman?"Lia asked.
"Hindi ako marunong niyan," sagot ko.
"Talaga? Hindi mo inaral ito?" curious na tanong nila at muli akong tumango.
"Sige maiwan na muna kayo ni Aeris jan," ani ni Selene.
Nag umpisa ng mag laro ang tatlo habang kami naman ni Aeris ay mag katabi lang at tahimik.
Muli akong napatingin sa prize na hawak ko at ini-abot kay Aeris.
"Hindi ko alam ang nangyari o kung anuman, unang kita ko sainyo na mag kakasama napaka jolly at masayahin ka, siguro ay may tampuhan kayo. Okay lang 'yan," sambit ko at inilagay sa kamay niya ang prize.
Ang prize na napanalunan ko ay hand exerciser. Bagay na bagay sa kanya to dahil ramdam ko na stress siya.
"S-salamat," aniya. I smiled.
"Walang problema," sagot ko. Naging tahimik sa pagitan naming dalawa.
Pinapanood lang namin sila Selene habang nag lalaro, magaling si Heidie sa kanilang tatlo dahil siya ang nanalo.
"Hindi talaga makatarungan 'tong si Heidie," reklamo ni Lia.
"Isa sa abilidad niya ang mahusay na paningin. Kaya paano tayo mananalo sa kanya?" dugtong pa ni Lia. Selene laughed.
"Sayang talaga mananalo na ako!" ani ni Selene hanggang sa makalapit sila sa amin.
Inubos namin ang natitirang oras namin sa paglilibot libot at bumili rin sila ng mga damit at gamit. Ibinili ako ni Selene, kahit naman na tumangi na ako sa aqqalok niya but she still buy for me.
"Salamat talaga dito Selene,"pagpa pasalamat ko.
"Mag i-ingat kayo sa pag uwi!" pa alam namin ni Selene kanila Lia. They waved thier hand at ng maka sakay sila sa kalesa ay inaya ko na si Selene na sumakay sa kalesa.
"Mauna ka na sa palasyo, may pupuntahan lang ako," ani ni Selene.
Ilang segundo bago ako tumango, gusto kong mag tanong ngunit mas pinili ko na lamang na manahimik at sumunod aa kanya.
"Mag i-ingat ka Selene," sambit ko.
"Ikaw rin,"
Sumakay ako ng kalesa at pinanood siya habang palayo ako sa kanya.
I was really curious kung saan siya pupunta. Saan naman kaya?