Aeris bit the dust
"DRIX!" sigaw ni Selene kay Drix. Lumabas ako ng kwarto upang alamin ang nangyayari sa kanilang mag kapatid.
I saw anger in Selene's eyes. Si Drix ay ganoon din.
"Nakipag kita ka ba ulit sa kanya?" tanong ni Drix. Nanatili ang mga masasamang titig ni Selene kay Drix at padabog na naupo.
"Oo! Ano ba kasing problema mo kung makipag kita ako sakanya? Hindi na ako bata!" ani ni Selene. "Kuya Wheyt, Kuya Lawson okay lang naman sa inyo yun diba?" dugtong ni Selene.
Hindi sila sumagot.
"Bakit? Dahil ba isa siyang duwende?" tanong ni Selene.
Ha? Duwende?
"Mapanganib sila Selene," ani ni Prinsipe Wheyt. Napabuntong hininga si Selene.
"Pero naiiba siya!"
"Nasasabi mo 'yan kasi mahal mo!" sigaw ni Drix.
"Kaya nga dapat wala kayong ikatakot diba? Mahal namin ang isa't isa. Hindi niya ako pababayaan!"
"Baliw ka na Selene," ani ni Drix at halos mag tago ako ng makitang pa akyat si Drix at dadaan siya dito sa pwesto ko.
Ngunit hindi na ako nakapag tago pa. Nakita na niya ako.
I smiled to him. Hindi ako pinansin ni Drix at nag patuloy sa pag lalakad papunta sa kwarto niya. Nag kibit-balikat na lang ako at nag patuloy sa pakikinig sa away nila.
"Pag katapos ng inyong pag a-aral sasabay ka kay Drix sa pag uwi," ani ni prinsipe Wheyt at tumayo na rin upang pumunta sa kanyang kwarto.
Hindi na ako nag abalang mag tago pa. Alam kong alam nilang nandito ako at nakikinig. Mabilis akong yumuko kay prinsipe Wheyt. He ignored me like Drix kaya naman di ko maiwasang mapanguso.
Tahimik lamang si Lawson na nakatingin kay Selene kaya naman mabilis akong lumapit kay Selene at tumabi sa kanya.
"Anong nangyari?" tanong ko. Selene bite her lips and answer.
"I ku-kwento ko sa'yo sa susunod na araw. Mag papahinga lang ako." ani ni Selene. Tipid siyang ngumiti sa akin at pinanood ko siya na maka-akyat sa kanyang kwarto.
Naiwan kaming dalawa ni Lawson sa baba. I looked at hik ans smile.
"Anong nangyari?" tanong ko sa kanya.
"Hintayin mo na lang siyang mag sabi sa'yo Euphrasia," sagot niya.
"Hindi mo pwedeng sabihin?" tanong ko sa kanya. He nodded.
"Oo, nirerespeto namin ang bawat isa, sinabi niya kanina na sasabihin niya sa susunod na araw, at kailangan kong irespeto 'yon."
"Oo na! Ang seryoso mo masyado no?" sambit ko at napairap. Nanahimik siya at hindi umimik. Hindi rin naman siya umalis sa upuan niya at nakatitig lang sa akin.
"Nakakailang yang pag titig mo sa akin," sambit ko.
"Ang ganda mo kasi," aniya at hindi ko napigilang masamid.
"Ewan ko sa'yo" sagot ko. He smiled.
"Sumama ka sa akin," aniya. Napangiti ako.
"Sa kwarto mo ba?" masayang sambit ko. Kumunot ang noo niya at umiling sa akin.
"Sa aming hardin, may inihanda ako."
"Ah, okay."
"Bakit parang dismayado ka?" natatawang tanong niya.
"Huy, hindi ha!" sagot ko sa kanya at napairap.
Mabilis niyang inilapit ang mukha niya sa akin kaya mabilis rin akong lumayo.
"Bakit ka namumula?" tanong niya.
"Huh? Mainit kasi. Wag ka ngang lumapit sa akin!" suway ko sa kanya at mas lalo siyang lumapit kaya naman mas lalo akong napa atras at tumama na ang ulo ko sa headboard.
"Hindi ba ako pwedeng lumapit?" tanong niya at mabilis ko siyang itinulak gamit ang buong pwersa ko at narinig ko ang pag tawa niya.
"Tara na sa hardin," aniya.
"Tss! Tara." sambit ko at sumunod sa kanya.
Pag kapunta namin sa may hardin ay napangiti ako.
Nag set up siya ng mga ilaw at mga bulaklak sa ibaba na may korteng puso. Sa korteng iyon ay may upuan at may lamesa kung saan may mga pag kain.
My heart melted. Hindi ko akalain na may ganitong side si Lawson.
"Hindi mo ba nagustuhan?" tanong niya.
Baliw ba 'to!
"Nagustuhan ko..." usal ko. Tumango siya at ipinaghila ako ng upuan at umupo rin siya sa isang upuan na nasa tapat ko.
"Anong gusto mo?" tanong niya at itinuro ang karne na hindi pamilyar sa akin kung anong klaseng luto 'yon.
He nodded at nilagyan ang plato ko ng itinuro ko at hiniwa niya rin ang karne na iyon para sa akin.
Nakatitig lamang ako sa kanya habang abala sa kanyang ginagawa.
Bakit ba ang gwapo niya?
Nang matapos niya ang ginagawa ay tinikman ko iyon.
Huy, ang sarap!
"Masarap ba?" tanong niya. Mabilis akong tumango at ngumiti sa kanya.
"Ang sarap nito!" masayang sambit ko at muling kumain.
Pasensya na Lawson. Food is life talaga ako.
Hindi ko alam kung gaano na karami ang nakain ko, basta lamang akong kumukuha dahil fvck! Sobrang sarap ng mga putaheng nakahanda ngayon!
"Dahan-dahan lang Euphrasia," aniya at humalakhak.
"So- Pasensya na, sobrang sarap kasi!" sagot ko sa kanya at pinunasan ang labi ko ng mabusog na ako.
"Euphrasia," tawag niya sa akin.
"Hmm?" tanong ko.
"Paumanhin," aniya. Kumunot ang noo ko.
"Para saan?" tanong ko. Hindi siya sumagot at ngumiti lang.
"Tara na sa loob ng palasyo, may pasok pa tayo bukas." sagot niya. I raised my eye brow.
"Para saan nga?" tanong ko. Ginulo niya ang buhok ko nag lakad na siya papasok sa loob ng palasyo. Kaya naman mabilis akong sumunod sa kanya.
"Huy! Para saan nga?" muling tanong ko sa kanya. Hindi siya umimik at nag deretsyo sa pag punta ng kwarto niya.
"Daya!" sambit ko ng makapasok na siya sa loob ng kwarto niya kaya padabog rin akong nag tungo sa kwarto ko.
Kinabukasan ay pumasok kami ng mag ka-kasabay. Tahimik si Selene na very unussual sa kanya. Hindi na rin ako nag try na kausapin pa si Selene hanggang sa makarating kami sa paaralan.
Sumalubong sina Lia, Heidie, Gwen at Aeris sa amin. They tried to talk with Selene pero tipid parin ang sagot niya sa kanila.
The class went well. Discussions lang, di ako nakinig. Hindi ko alam pero wala akong maintindihan sa lessons!
Nakatulala lang ako habang pinag ma-masdan paminasan-minsan si Lawson.
Mas lalo tuloy akong an attract sa kanya dahil ang gwapo niya at matalino.
Natapos ang klase at break time na namin. Nag pa alam si Aeris sa amin na mag c-cr daw siya kaya naman pumunta na kami nila Selene sa kantina upang maka kain na.
"Ako na ang mag o-order ng pag kain natin," sambit ni Gwen. We all agree, at nakipag kwentuhan ako kanila Lia at Heidie.
"Gusto rin namin mag punta sa Osses," ani ni Lia.
"Ako rin! Hindi ganoon kasikat ang Osses pag dating sa mga ginto ngunit maraming nag sasabi na mas mayaman ang Osses kaysa sa Faerun. Maraming sabi-sabi na hindi namin alam kung totoo nga ba... Mahirap din daw na makapunta sa Osses. Totoo ba 'yon?"
"Ah, oo." tipid na sagot ko na lamang. Nakahinga ako ng maluwag ng makabalik si Gwen na bit-bit ang pag kain at may kasama rin siya na siguro'y tumulong upang mabitbit ni Gwen ang mga pag kain.
"Salamat," pag papasalamat ni Gwen sa tumulong sa kanya. Ngumiti iyon sa kanya at naupo na si Gwen sa amin.
We start eating at nag pa-tuloy sa pag ku-kwentuhan. Nasa kabilamg table si Lawson at Drix na busy sa pag babasa ng libro. Talagang desidido silang bantayan si Selene.
Sino kaya ang taong 'yon? Bakit ganon na lang sila bawalan si Selene?
Dwende daw kase! Hindi ba talaga pwede ang dwende at katulad nila? Pero may mga kapangyarihan sina Selene. Hindi na rin sila na i-iba.
"Si Aeris! Si Aeris nasa pasilyo, wala na atang malay!" sigaw ng babae dito sa loob ng kantina at habol-habol nito ang kanyang pag hinga.
Agad napatayo sina Selene. Maging ako ay nagulat. Tumakbo kami sa pasilyong tinutukoy ng studyante kanina at nakita namin na duguan si Aeris.
Napatakip ako sa aking bibig dahil sa gulat. Hindi ko kayang makakita ng ganto!
I looked away. Narinig ko ang pag iyak nila Selene. Agad namang nag si lapit ang mga manggamot sa kay Aeris.
"Sino ang may gawa nito kay Aeris! Halatang mag nag tulak sa kanya! Nakikita ko pa ang dugo na bumahid sa pader! Sabihin niyo sa akin sino ang gumawa nito?! Sino ang nakakita?" sigaw ni Selene. Biglang kong naramdaman ang init ng paligid.
Mabilis na lumapit si Drix at niyakap si Selene.
"Selene huminahon ka. Hindi ka makakagamit ng kapangyarihan dito. Mahihirapan ka sa pag hinga kapag pinag patuloy mo 'yan." ani ni Drix.
"Ako mismo papatay sa gumawa nito kay Aeris. Malaman ko lang kung sino ka." ani naman ni Heidie. Lia was crying on the side. Lumapit ako sa kanya at pinatahan siya.
Kahit ilang araw ko pa lang nakikilala si Aeris gusto ko malaman kung sino ang gumawa no'n sa kanya at pag bayarin.
"Tahan na Lia," pag papatahan ko sa kanya. She continued to cry while saying something that I couldn't understand.
"Tatagan mo lang loob mo Lia, andito lang ako para sa inyo. Tutulong ako sa abot ng makakaya ko," sambit ko.
Tumingin ako kanila Selene na lumabas ng paaralan. Kita ko kanila Selene na kailangan nilang mapag isa kaya naman hindi na ako nag abalang sumunod sa kanila.
Ano nga ba ang magagawa ko? Wala naman akong kapangyarihan na katulad nila. Hindi ako makakatulong.
Dinala ko si Lia sa clinic para makapag pa hinga siya. She's now sleeping. Tinulungan ako ni Rey kaya ngayon ay kasama ko siya at nanatili kaming tahimik na dalawa hanggang sa lumipas ang oras.