Pang labing siyam: Faerun

1973 Words
FAERUN Walang pinalabas na studyante sa buong eskwelahan. Ang buong school ay isinarado at itinipon kami sa isang malaking bulwagan. Nasa tabi ko si Lia, at hindi ko alam kung nasaan sila Selene. Kanina ko pa sila hinahanap ngunit hindi sila mahagip ng mata ko. I'm with Rey also. After makapag paginga ni Lia ay pumunta kami dito ng mag kakasama. "Magandang hapon sa lahat. Lahat sa inyo marahil alam na ang nangyari. Hindi maaring lumabas ng paaralan ang kung sino mang kahina-hinala pagkatapos ng panayam sa bawat indibidwal. Kapag na laman namin ang may sala at kasabwat ay mapaparusahan ng kamatayan," Kamatayan agad? Paano kung aksidente lang pala? Nag umpisa na sila sa pag interbyu sa bawat studyante na narito. Marami-rami din sila kaya naman sa tingin ko magagawa nilang ma interview ang lahat. Ang mga malalayong sekta naman ay pinauwi na sa kanilang tahanan. "Nasaan kayo ng 4:15 pm?" tanong sa amin ng isang lalaki. "Mag kasama kaming dalawa sa kantina, may kasama pa kami si Selene, Heidie at Gwen. Dapat ay kasama namin si Aeris pero nag pa alam siya na mag ba-banyo," sambit ko. Tumango siya sa akin. "Noong papunta ba sa banyo ay wala kayong napansing kakaiba sa kanya?" tanong nitong muli. Umiling ako. Napatingin ako kay Lia ng mag salita siya. "Si Selene, malaki ang galit ni Selene kay Aeris. Siya dapat ang tanungin niyo!" sigaw ni Lia. Kumunot ang noo ko dahil sa sinasabi niya. Anong ibig sabihin ni Lia? Pinaghihinalaan ba niya si Selene? "Ano ang gusto mong ipahiwatig?" tanong ng lalaki sa kanya. "Nag karoon sila ng hidwaan dahil parehas sila ng lalaking iniibig. Nagalit si Selene sa kanya at tuwing pumapasok kami sa paaralan o di kaya magkakasama ay halis gawing alipin ni Selene si Aeris," sambit ni Lia at nag umpisang umiyak. "At... At hinayaan lang namin 'yon. Dahil natatakot rin kami kay Selene. Pero sa kasong 'to." "Lia? Ano bang sinasabi mo? Hindi magagawa ni Selene yan!" sambit ko. Masama siyang tumitig sa akin. "Bakit? Ganoon mo na ba siya kakilala, Euphie?" tanong ni Lia na nagpatahimik sa akin. "Kung ganoon ay sumama ka sa akin. Mahal na Hera, maari na kayong umuwi." sambit ng lalaki. Tumango ako at pinanood si Lia na sumama sa lalaki na 'yon. Hindi ako sang ayon sa sinasabi ni Lia. Sabihin na nating nag a-away nga sila pero hindi magagawa ni Selene yon lalo't mag kakasama kami sa kantina kanina diba? Ibig bang sabihin ni Lia may inutusan si Selene na gawin iyon? Pero hindi ganoon ang pag kakakilala ko kay Selene! "Uuwi ka na ba?" tanong ni Rey sa akin. "H-hindi ko alam..." sagot ko. "Ihahatid na kita," alok niya. Umiling ako sa kanya at ngumiti. "Ayoko munang umuwi," sambit ko. He nodded. "Kung ganon, gusto mo bang mamasyal muna?" tanong niya. Saglit akong napa isip at tumango. "Sige," Lumabas kami ng paaralan at sumakay sa kalesa. Hindi ko tuloy magawang i- appreciate ang ganda ng tanawin dahil iniisip ko ang sinabi ni Lia. Hindi talaga ako makapaniwala at hindi ako mapakali na si Selene ang gagawa no'n. At ang frienship nila? Sa ginawang iyon ni Lia malamang ay mag kakawatak na ang pag kakaibigan nila. Pero nahalata ko nga rin na parang ang tahimik ni Aeris. Palaging nasa likuran at bitbit ang mga gamit nila. Akala ko ay ganoon lang talaga siya at tahimik kaya hindi ko na masyadong pinuna. Iyon pala may away pala sila ni Selene. Tumigil ang kalesa sa isang magandang tanawin. Sa tingin ko ay nasa pinakatuktok kami ng bundok. Ang ganda sobra! "Ang ganda naman dito, pati ang mga bulaklak," sambit ko at hinawakan ang mga nakikita kong bulaklak sa paligid. "Mabuti naman nagustuhan mo, bagay sayo kapag palagi kang nakangiti," aniya. Saglit akong napatitig sa kanya. Kamukhang kamuka niya talaga si Clyde. "Wag mo kong titigan, naalala mo ba yung kababata mong kaibigan?" tanong niya. Tumango ako. "Oo, kamukhang kamuka mo siya." sagot ko. He smirked. "Alam ko, ilang beses mo na yang sinabi," "Ayos lang naman na di mo paniwalaan, kung ako rin ang sasabihan mo ng ganon? Hindi rin ako maniniwala," sambit ko at natawa. "Gusto kong paniwalaam pero hindi ko alam kung paano," sagot niya. "Ayos lang," I answered. "Ayos ka lang ba?" he asked. Tumango ako bilang sagot at pinag dikit ang palad ko dahil hindi naman ako masyadong okay. Simula kasi ng dumating ako dito. Hindi kinakaya ng utak ko ang mga nangyayari. Pakiramdam ko, hindi pa nag u-umpisa ang mga kaganapan. Parang warm up ganon? "Sinabi mo sa akin noong huling pag u-usap natin na ikwento ko sa'yo ang kasaysayan ng Faerun diba?" tanong niya. I nodded. "Iku-kwento ko sa'yo," aniya. "Ang Faerun, Ang salitang 'Faerûn' ay isang nabagong bersyon ng 'Faerie', ang pangalan ng tinubuang bayan ng mga sinaunang duwende. Ang ngalang ito ay nilikha ni Durothil, prinsipe ng T Vintageer, Faerie." "Ha? Puro duwende? Kung ganoon bakit hindi naman kayo mukhang duwende at matatangkad kayo?" tanong ko sa kanya. "Duwende ang mga nilalang na unang tumira dito sa Faerun at nag palanaganap. Nag mahal ang isang duwende ng isang Genasi, ang mga nilalang na may kakayahang mag kontrol ng kakaibang mahika," ani ni Rey. I nodded and asked again. "Nasaan ang mga duwende?" "Nakatira sila sa High Forest, mahirap mapuntahan ang lugar nila, mailap sila at bihira na makisalamuha sa mga iba pang taga Faerun," aniya. "Isang rehiyon ng ilang, mahirap na panahon ng taglamig, orc hordes, at mga barbarian na tribo, ang rehiyon na ito ay pangkalahatang tinukoy bilang "The North", na naglalaman din ng karamihan sa "Sword Coast North". Ito ay isang rehiyon na halos walang mailap na nakalagay sa pagitan ng malaking Anaurochdesert sa silangan at ang malawak na Dagat ng mga Espada sa kanluran at hilaga ng Mataas na Moor." "Kaya pala kakaiba ang klima dito, minsan sobrang lamig talaga," sambit ko. He nodded again. "Northwest pa lang yan ng Faerun?" tanong ko at muli siyang tumango. "Oo Euphie," aniya. "Nasa northwestern tayo?" I asked again and he nodded again. "High forest, isang tradisyunal na tirahan ng mga duwende. Frozen far, ang napakalamig na hilaga na nag lalaman ng sampung mga bayan ng icewind dale, ang gulugod ng daigdig at ang dagat ng gumagalaw na yelo," aniya. "Savage frontier ang lugar na ito ay hindi ka aya-aya. Ang mga narito ay pinaghalo-haling nilalang na mag itinakwil sa bawat bansa o bayan. "Silverymoon, ay pinagsamang mga tao at duwende," "May duwende dito sa paaralan?" "Oo, hindi mo ba napuna? Katulad natin sila ng wangis makikita mo lang na kakaiba sila sa tainga," sagot ni Rey sa akin. "Kaaa pala, hindi rin kasi ako masyadong tumitingin sa mga nandito, liban lang sa mga lugar," sagot ko. "Ang pang huli ay Sword Coast North, ang mapanganib na lugar sa baybayin na ito. Binubuo ng mga magagaling na lungsod." I nodded and smile. "Salanat," pag papasalamat ko. We stayed here. Malakas na hampas ng hangin ang aking nararamdaman. Sariwa ang hangin ay napakaganda ng kapaligiran. Marami akong nalaman sa sinabi ni Rey. Sinabi niya rin sa akin na sa susunod na pag kikita namin niya itutuloy ang kasayasayan at pumayag naman ako. Gusto kong makausap palagi si Rey, baka sa pag kakataong yun habang madalas kaming mag kausap ay may maalala siya, katulad ni Lawson. Alam ko na si Clyde 'to. Kung sakaling mali man ako. Sana ay mali na lang ako. Dahil ayoko ng maguluhan pa kung bakit narito si Clyde at ang ikinakakaba ko ay kung ano magiging role ni Clyde o ni Rey sa buhay ko dito. Na alimpungatan ako ng marinig ang pag tawag ni Rey sa pangalan ko. Nakatulog pala ako! "Pasensya na nakatulog pala ako!" nahihiyang sambit ko. He laughed. "Ayos lang, nakakatuwa ka nga habang natutulog," sambit niya. "Eh? Nagsasalita ba ako habang tulog o humihilik?" sambit ko at dahan-dahan naman siyang tumango kaya napatakip ako sa aking mukha. Hayst Euphie naman! "Hay," sambit ko at bumuntong hininga. He laughed. "Hatid na kita sa inyo? Mag tatakipsilim na," aniya. I pouted and nodded. Muli kaming sumakay ng kalesa, tahimik lamang ako sa loob ng kalesa at ganoon din naman si Rey. I placed my hand on my hair and slightly combing it. Ramdam ko kasi na medyo nakusot na ang buhok ko dahil sa lakas ng hangin sa tuktok ng bundok kanina. "Saan ka pala nakatira?" tanong ko kay Rey. fr "Luruar. Sa silverymoon din malapit sa ating paaralan," sagot niya at napatango tango naman ako. Nakarating kami ng palasyo. Nag bigay pugay sa amin ang mga kawal at kasambahay. Napatingin ako ng marinig ang pag tawag ni Drix sa pangalan ko. "Constance!" Lumapit siya sa akin at hinawakan ang braso ko. Kitang kita ko sa mukha niya ang pag a-alala. Nakita ko rin sa likuran niya si Lawson na may halong pag a-alala rin sa mata niya. "Saan kayo nag punta?" "Anong ginawa mo kay Constance?" Sabay na sambit ni Lawson at Drix. "Ipinasyal lang niya ako, paumanhin hindi ako nakapag pa alam sa inyo," sagot ko. "Mauuna na rin ako. Paalam Euphie," ani ni Rey. I waved my hand on him and smile. "Ingat ka," sambit ko. Binitawan ako ni Drix at nag dere-deretsyo sa pag pasok sa loob. Naiwan kaming dalawa ni Lawson sa labas. He stared at me blankly. His stare was so cold. Nakaramdam ako ng kakaiba sa mga titig niya. He's mad at me. "N-nahihiya kasi ako umuwi ka agad ng hindi ko kasama si Selene o ang isa sa inyo k-kaya nung inaya ako ni Rey na mamasyal ay pumayag ako," sambit ko na medyo na utal pa sa mga binabangit ko kahit iyon naman ang totoo. "Bat ganyan ka makatingin?" muling tanong ko at napairap. "Kung ayaw mo maniwala edi wag!" sambit ko at lalagpasan na sana siya ng hilahin niya ako sa palapulsuhan at ipaharap sa kanya at halikan. Napa atras ako hanggang sa tumama ang likod ko sa pader. His kiss was so agressive. Ramdam ko ang galit niya lali na sa palapulsuhan ko. Hindi ako nasasaktan sa paraan ng pag halik niya. Nasasaktan ako dahil ganito ang ginagawa niya. The tears came down to my eyes. Nang maramdaman niya ang pag patak ng luha sa mata ko ay agad niyang itinigil ang pag halik sa akin. I pushed him. Nakita ko ang pag pungay ng mga mata niya. Tumitig ako sa kanya at tumakbo palayo habang ang luha sa mata ko ay di ma awat. Fvck you Lawson! How dare you make me cry. Hindi ako iyaking tangina ka! Bakit kapag sa'yo napaka emosyonal ko? Tumakbo ako sa kwarto at nag kulong doon. I cried all night and thinking negative things. Naiisip ko tuloy, paano kung pinag lalaruan lang pala niya ako? Na hindi niya pala talaga ako mahal? Na hindi pala talaga niya ako gusto? Na nagustuhan niya lang ako kasi maganda ako. I like him. I loved him. Alam ko yun sa sarili ko at sa nararamdaman ko. Napahawak ako sa aking ulo ng maramdaman ang pag sakit non. Marami rin akong kakaibang ingay na naririnig sa paligid. Hindi ko napigilan ang pag sigaw. Nanlalabo ang aking mata, hindi ko alam kung nasa kwarto pa ba ako o kung ano na ang nangyayari. Everything is so confusional. Muli akong napasigaw. Mas laling tumindi ang sakit. Pati ang paghinga ay nahihirapan ako. Sobrang bigat ng dibdib ko. Muling tumulo ang luha sa akung mata. Wtf is happening to me?! Tumayo ako upang makalabas ng kwarto ngunit dahil sa pagkahilo ay natumba ako sa sahig. My head hurt again like hell. Kinagat ko ang labi ko upang mag pigil ng sakit ng nararamdaman "Euphie?" "Euphiee! Kaya mo 'yan okay?" "Euphie naman! Hindi pwede!" "Ate? Ate? Si Daphne to. Please wag mo kaming iwan. Kailangan pa kita ate! I still need you!"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD