Dalawampu't isa: Found by Rey

2000 Words
Found by Rey Ilang linggo bago ako makalabas sa ospital ay madalas akong managinip sa mga pangyayaring hindi ko maintindihan. I'm very confuse that it was killin' me inside. Tahimik lang akong nakatingin sa bintana at nakatingin sa kalangitan. Babalik na rin ako sa school sa susunod na araw, nabalitaan ko na rin na nawawala si Clyde at hanggang ngayon hindi pa siya nahahanap. Ginagawa ko rin ang lahat upang mahanap siya. Ilang araw na rin akong nag hahanap sa kanya simula ng malaman kong nawawala siya. Nawala daw si Clyde noong nawala rin ako. Ang sabi ni Erin sa akin ay sinundan daw niya ako sa Missas park noong gabing iyon. Clyde know me well. Kaya siguro naisipan niyang lumabas noong gabing iyon at sundan ako dahil alam niyang hindi ako susunod sa bilin niya. And this is all my fault. Kasalanan ko kung bakit ngayon nawawala si Clyde. I should find him no matter what. Sana lamang ay nasa maayos siyang kalagayan, dahil hindi ko mapapatawad ang sarili ko kapag may nangyaring masama sa kanya. NGAYONG araw ay pumasok na ako sa school. A lot of my school mates and classmates ask me if ano daw ang nangyari at kung bakit matagal ako nawala. Yung iba sinagot ko at yung iba naman nginitian ko na lang. Binuksan ko ang locker ko at maraming letters at chocolate nanaman ang nandoon. Pero iba sa ngayon, ang nakasulat sa mga letters. Ang mga nakasulat ay kung anong nangyari at mag pagaling ako. Isasarado ko na sana ang locker ko ng makuha ko na ang libro ko. Bigla kong naalala si Clyde, dati mga ganitong oras mag kasama kami ni Clyde. If he's here pag sasabihan niya ako ulit tungkol sa mga nanliligaw sa akin na huwag ko ng i- entertain at itapon ko sa basurahan. I really miss him. Isinarado ko ang locker at bumuntong hininga. Hindi ko kasama si Erin dahil may meeting sila ng org. I was walking in the hallway while scrolling to my phone. Papunta ako ngayon sa music room dahil vacant naman namin ngayon. Sa library sana kaso mas gusto kong tumugtog ng piano kesa sa mag review. Pag karating ko sa music room ay ipinatong ko ang bag ko sa isang bakanteng upuan at pinindot ang f# sa piano. Kumuha ako ng upuan at nag umpisang tumugtog. The sound of the piano filled my ear. I swayed my head dahil mas nararamdaman ko na ang pag pasok ng musika sa aking katawan at sa aking puso. Imagery is now flashing to my mind. Muli kong inaalala ang huling nangyari sa pag punta ko aa Missas park pero hanggang ngayon ay hindi ko pa rin maalala. After ng last subject namin ay muli akong pupunta sa parke. Baka sakaling muli kong maalala at mag bibigay ng posters sa nga tao. Poster ni Clyde. I closed my eyes and continued to play music as the teacher continue to discuss lesson as a music. Natapos ang pag tuturo ng prof namin. Mabalis akong tumayo at lumabas ng classroom. Nag kasalubong kami ni Erin at sumabay siya sa akin palabas. "Sama ka ba? Pupunta ako sa Missas ngayon," sambit ko. Umiling siya. "Gusto kong sumama pero may kailangan pa kaming gawin sa org, sabado naman bukas. I'll help sa pag hahanap kay Clyde." aniya. I nodded and smile. "Mag i-ingat ka Euphie," dugtong niya pa at niyakap ako. "Ikaw rin, mag i-ingat ka rin ha," sambit ko and we split our way. Nag a-abang ako ngayon ng masasakyan. Mabilis din naman akong nakasakay. Nang makarating ako sa Missas park ay kinuha ko ka agad sa bag ko ang mga posters at nag simula ng mag abot no'n sa mga tao. Ang ibang tao ay kinuha ang poster ang iba naman ay hindi kumuha. I was dissapointed everytime na may hindi kumukuha pero naiitindihan ko naman. Nag labas rin ako ng tape at nag paskil sa mga poste. Palagi rin akong nanalangin na sana may tao ng nakakita sa kanya at isang araw may tatawag na sa akin o kay Erin. O kahit balita man lang galing sa kapatid at sa mama niya. Naupo ako sa bench na ka locate sa ilalim ng puno ng mangga. Dito ang huling naalala ko kasama ang lalaking 'yon. The weird guy. Mula sa sulat, sa convinient at sa panlilibre niya sa amin ni Clyde. Hinahanap ko rin ang lalaking 'to. Pero hindi ko rin siya nakikita. Mas mahihirapan ako sa pag hahanap sa kanya, dahil hindi ko alam ang pangalan niya. At... Mas focus ko sa ngayon ang pag hahanap kay Clyde. But there's a half of me na... Kailangan kong mahanap ang lalaking 'yon. Na parang may kulang sa akin? Muli akong nag patuloy. Inabot na ako ng gabi dito sa Missas park. Umaasa rin na baka makita ko rito ang lalaking hinahanap ko. Ngunit... Katulad ng dati ay mukhang wala akong mapapala. I look at skies above. May mga bituin ngayong gabi. Napatingin ako sa paligid at naramdaman ko ang gutom ng makakita ng mga taong kumakain. Kinuha ko sa bag ko ang aking wallet at ng makitang may pera pa ako, i decided to buy a food also. Nag text narin ako kay Daphne na mamaya pa ako uuwi. She can cook naman na, unlike before. Bumili ako ng kwek-kwek, fish ball, kikiam at palamig. Iyon lang din kasi ang abot presyong kaya kong bilhin. "Miss artista ka ba?" tanong sa akin ni kuyang nag bebenta ng fish ball. Mabilis akong umiling. "Naku iha, napakaganda mo kasi. Kanina pa rin nakatingin sa'yo ang karamihan. Inaakala nilang artista ka." natatawang sambit ni Kuya. I smiled to at inabot sa kanya ang poster. "Hindi po ako artista, hinahanap po namin siya, tawagan niyo po ako kapag napansin niyo po o nakita niya siya," sambit ko. "Boyfriend mo ba iha?" tanong niya. Umiling ako. "Hindi ho, kababata ko po." sagot ko. Tumango siya at ngumiti sa akin. "Sige iha, makaka asa ka. Sa ngayon ay umuwi ka muna sainyo. Gabi na, mahirap na pagala gala ka dito sa parke ng gantong oras." aniya. "Opo, uuwi na rin po ako maya-maya. Salamat po ng marami," sambit ko. He smiled at muli na akong bumalik sa bench na inuupuan ko kanina. Mabilis ko ring naubos ang pagkaing kinakain ko kanina. Nagulat ako ng may tumabi sa akin. Mabilis akong umisod at tumingin sa kanya. Nanlaki ang mga mata ko sa nakita. "I-ikaw..." sambit ko. Ngumisi siya. "Euphrasia..." sambit niya. Nabitawan ko ang iniinom kong palamig. Malakas na kumakabog ngayon ang aking dibdib. Maging ang pag hinga ay nahihirapan ako. "Alam ko na dapat hindi ako mag pakita sa'yo ngayon. Hawakan mo ito at huwag mong bibitawan hangga't aa makabalik ka sa Abeir-Toril. Hindi natin malalaman ang susunod na mangyayari. Palagi kang mag i-ingat." sambit niya at muling dumilim sa kapaligiran. Rey's P.O.V "Naging mahigpit na rin ang pag hahanap, halos hindi narin natutulog ang mga kawal sa pag hahanap sa kanya. Ano pa ba ang gusto mo kuya?" tanong sa akin ng aking kapatid. "At isa pa, hindi natin kapanalig ang Calimport!" sambit nga aking kapatid na si Wanna. Bumuntong hininga ako. "Ngunit hindi naman natin sila ka away--" "Baka nakakalimutan mo na minsan na rin nilang tinagihan ang alok natin sa kanila! Sariling sikap ng mga ninuno natin kung bakit naging mayabong ang Luruar, tas ngayon tutulungan mo sila. Sabihin mo nga sa akin Kuya, may gusto ka ba sa Hera na 'yon? Kaya ganyan na lamang ang kagusto mo na mahanap siya?" tanong ni Wanna sa akin. Nanatili akong tahimik sa kanya at lumabas ng palasyo. Narinig ko pa ang pag tawag niya sa akin ngunit hindi ko na siya pinansin pa. "Mahal na prinsipe, may ulat po galing sa Anchrome." inabot sa akin ng isang kawal ang liham. Kinuha ko iyon at binasa. Mabilis kong itinupi iyon at inilagay sa aking bulsa matapos basahin. Sumakay ako sa aking kabayo at nag umpisang mag lakbay. Hanggang ngayon ay wala pa ring balita ang prinsipe ng Anchrome si Cliff na matagal ko ng nakita at alam kung saan nag tatago ang Hera. Hindi ko iyon ipina alam sa kanya. Kaya ngayon kailangan naming mahanap lalo si Euphie dahil kapag si Cliffton ang unang nakahanap sa kanya ay mag babago na ang lahat. Hindi ko rin batid kung hanggang kailan ko ililihim ang bagay na ito kay Cliffton. Kilala ang kaharian nila bilang isang marahas na bansa at ganun rin ang mga kapanalig nito na bansa. Isa sila sa bansang hindi mo gugustuhing kalabanin. Ngunit iyon ang aking ginawa. Ang basang Anchrome rin ang tumulong sa amin upang mapa yabong ang bansang ito. Madalas ikuwento sa akin noon ng aking ina ang mga bagay na hindi ko maunawaan noon tungkol sa masalimuot na nakaraan nila sa kamay ng mga Anchronomista. Maging ako ay hindi iyon gugustuhing maulit. Sana naman ay mahanap ko na si Euphie. Maraming bagay pa ang pala isipan sa lahat, lali na ang pag katao niya sa kasaysayan. Maging ang sarili ko ay hindi ko pa ganon kakilala. Napahinto ako sa pag papatakbo ng aking kabayo ng madaanan ko si Lawson na mabilis ang pag papatakbo sa kabayo. Kitang kita mo rin na ilang araw na itong walang magandang tulog. Isa ang Calimport sa magiging mabigat na ka away ng Anchrome kung lumabas na ang totoong sila ang nag tago kay Euphie. Ang Calimport ang centro ng buong Faerun. Si Prinsipe Wheyt ang may kapangyarihan sa lahat. Noon pa man ay kilalang patas na si Prinsipe Wheyt kaya naman ng mabalitaang sila ang nag tago kay Euphie ay ito ang kauna-unahang bagay na nag desisyon siya na buhay ang nakasalalay. "T-tulong..." napatingin ako sa kanang bahagi ng makarinig ng boses. Isang pamilyar na boses. Mabilis akong bumaba sa aking kabayo dahil malapit lapit lang namam iyon sa akin. Sigurado akong narito lamang siya sa paligid. "Euphie?" mahinang usal ko. "T-tulong..." muling aniya kaya naman sa pag ka-kataong iyon ay nakita ko kung nasaan siya. Mabilis akong lumapit at hinubad ang dobleng nakasuot sa akin dahil wala siyang saplot. Mabilis kong ibinalot aa kanyang katawan ang tela at binuhat siya sa aking mga bisig. "Euphie, ako ito si Rey. Dadalhin kita sa palasyo upang magamot," sambit ko at sumukay sa kabayo. Mabilis kong pinatakbo ang kabayo, napatingin ako kay Euphie at hindi ko maiwasang ikuyom ang aking kamao dahil sa nakikita. Kung sino man ang gumawa nito sa kanya ay sisiguraduhin kong mag babayad. Sa likod ng palasyo ako dumaan. Hindi maaring makita ng iba na si Euphie ang aking dala lalo't ang ibang kawal na narito ay galing sa Anchrome. Kailangang mabigyan ng lunas ni Euphie, kung dadalhin ko pa siya sa Calimport ay baka may mangyari pang hindi maganda sa kanya. Sumalubong sa akin si Wanna. Agad ko siyang inutusan na tumawag ng mangagamot. Mabilis naman siyang sumunod sa akin ngunit nasa mukha pa rin niya ang pag tataka at maraming katanungan. "Kuya, nababaliw ka na talaga!" sigaw ni Wanna. Hindi ko siya pinansin at ibinaba aa isang kama at pumasok ang isang mangagamot. "Kamu na po ang bahala sa kanya mahal na prinsipe," tumango ako at lumabas ng kwarto kasama ang kapatid kong si Wanna. "Paano kung may nakakita sa kanya kuya? Baliw ka ba? Kalahati sa kawal natin ay galing sa Anchrome!" "Alam ko, Wanna." "Alam mo naman pala kuya. Bat di mo dinala?" tanong niya. Bumuntong hininga ako at nag salita. "Hindi mo ba nakikita ang kalagayan niya? Punong puno siya ng sugat at kutang hirap siya sa pag hinga. Sa tingin mo sa layo ng Calimport ay mabubuhay pa siya?" "Ipanalangin mo na walang nakakita sa kanya kuya, dahil kung meron... humanda ka." sambit niya at padabog na naglakad palayo sa akin. Napahilamos ako sa aking mukha at bumuntong hininga. Wala akong pake alam kung malaman ito ng Anchrome ang mahalaga sa akin ngayon ay malaman kung sino ang gumawa nito sa kanya at maging ligtas siya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD