Dalawampu't dalawa: The Note

2097 Words
The note Madilim na kapaligiran ang bumungad sa akin. Medyo malabo pa ang kapaligiran nang imulat ko ang aking mga mata. Nahihirapan din akong igalaw ang aking buong katawan dahil sa hapdi at sakit ng mga sugat na aking natamo. Naalala ko lahat. Mula sa kung paano ako nakapunta sa mundong ito ULIT. Matapos ng pag u-usap namin ni Lawson ay napunta ako sa kagubatan. May nakasalubong akong naka itim na hood na agad umatake sa akin. I did fight. Ngunit mas malakas ang taong iyon sa akin. Narinig ko ang pag bukas ng pinto, nakita ko ang pag pasok ni Rey sa loob ng kwarto. Mabilis siyang lumapit sa akin ng makita niyang gising ako. I smiled to him. He saved me. "S-salamat..." sambit ko. Na upo siya sa isang upuan at inilapit niya iyon sa akin. Tumango siya at ngumiti. "Kumusta ang pakiramdam mo? May masakit pa ba?" tanong niya. Umiling ako. "Wala, kaya ko." sagot ko sa kanya. He sighed. "Sino ang gumawa sa iyo nito?" tanong niya. Hindi ako agad nakasagot. Bukod sa hindi ko kilala kung sino ang umakate sa akin ay hindi ko naman nakita ang mukha no'n. "Hindi ko alam, hindi ko siya kilala at hindi ko rin nakita ang kanyang mukha," sambit ko. "Ang boses?" tanong niya. "Tanda ko ang boses niya..." hindi ko na ituloy ang sasabihin. Habang kalaban ko ang taong iyon, pamilyar sa akin ang boses nito. Ngunit hindi ko naman maisip kung kaninong boses iyon. "Pamilyar, pero hindi ko maalala kung kaninong boses," dugtong ko. He nodded. "Mag papadala ako ng pagkain dito kay Wanna, nag padala narin ako ng liham sa Calimport." aniya. Tumango ako sa kanya at muling nag pasalamat. Tatayo na sana siya ng pigilan ko siya at hawakan sa kanyang braso. "Ikaw ang matagal ko ng hinahanap... Ikaw si Clyde. Hindi ko alam kung paano ka napunta dito at kung anong nangyari. Naguguluhan na rin ako sa lahat, pero nararamdaman kong malapit ko ng malaman ang lahat. Mag i-ingat ka, hindi ka pwedeng mamatay sa lugar na ito." sambit ko sa kanya. Kita ko ang kaguluhan sa kanyang utak at mga nag lalarong katanungan ngunit mas pinili nitong ngumiti sa akin at lumabas ng silid. Napatitig ako sa kisame at naalala ang sulat na ibinigay sa akin ni Lawson bago ako makabalik muli sa lugar na ito. Nakita ko ang suot kong damit sa gilid. Mabilis akong bumangon at kinuha iyon. Binuklat ko ang bulsa at hindi ko makita ang sulat na ibinigay ni Lawson. Hindi! Imposible! Nadala ko iyon dito. Nang makatungtong ako sa mundong ito ay muli ka iyong nakapa dito sa bulsa ko. Nasaan na kaya iyon? Hindi kaya kinuha ng kalaban ko o kinuha ni Rey? "Gising ka na nga. Kain ka muna," sambit ng isang babae. Napatitig ako sa kanya dahil hawig na hawig niya si Rey. Girl version nga lang. She's so pretty. "Kapatid ka ba ni Rey?" tanong ko sa kanya. "Halata naman," sagot niya at nakita ko ang pag irap niya. Napatahimik ako dahil sa asal na ipinakita niya. Hindi niya ako gusto, so I guess hindi kami mag kakasundo. "Kapag may gusto ka, may katulong na palaging umiikot dito, humingi ka lang sa kanya ng kailangan mo." aniya at lumabas na ng kwarto. Napakibit-balikat na lamang ako, at tinignan ang pagkaing dala niya. Siguro kailangan ko munang kumain sa ngayon at mamaya pag dating ni Rey, saka ko itatanong sa kanya kung napansin ba niya ang sulat sa bulsa ng damit ko. Sana lamang ay siya ang kumuha n'on. Kumain ako ng dalang pagkain ni Wanna sa akin. Hindi naman ako nagugutom kanina pero noong natikman ko ang dala niyang pagkain ay mabilis kong naubos lahat ang dala niya. Naalimpungatan ako ng maramdamang may humaplos sa aking buhok. I saw Rey. Nagulat siya at mabilis na lumayo sa akin. "Pasensya na, nagising kita." aniya. "Ayos lang," sambit ko. "Nga pala Rey, nakita mo ba dito sa bulsa ng damit ko ang isang liham?" tanong ko. "Wala akong napansin Euphie," sagot niya. I nodded. Saan ko hahanapin yun ngayon? Hindi kaya tama nga ang hinala kong kinuha yon ng nakalaban ko? Siguro iyon talaga ang mission niya umpisa palang! Ngunit bakit naman? Ano kaya laman ng sulat na yon? THIRD PERSONS P.O.V "Galing ho ang liham na ito sa Luruar," sambit ng isang kawal kay Prinsipe Wheyt. Tinaggap niya iyon at binasa. Nang sandaling mabasa niya iyon ay ipinatawag niya sa kanyang silid si Selene, Drix at Lawson. "Nasa Luruar ngayon si Euphie, natagpuan na siya." sambit ni Prinsipe Wheyt. Mabilis ang naging pag kilos ni Drix at Lawson palabas ng palasyo. Gustong gusto nilang puntahan ngayon si Euphie sa Luruar dahil sa pag a-alala. Naiwan naman si Selene at Wheyt na napabuntong hininga na lamang. "Anong balak mo sa kasong pinasok mo Selene?" "Kuya! Hindi nga ako ang pumatay! Hindi rin ako nag utos na ipapatay siya. Bakit ba hindi mo ako paniwalaan?" iritadong sambit ni Selene sa kanya. "Naniniwala ako sa'yo. Pero ikaw ang pangunahing itinuturo," "Kung papatayin ko siya, matagal ko na sanang ginawa. Nararapat lang sa kanya ang kamatayan pero hindi ko ginawa. Dapat nga hindi pa siya namatay, kailangan niya dapat mag dusa sa kamay ko ng matagal, saka... Kung sakaling ako naman ang pumatay sa kanya. Hindi mo naman hahayaang hatulan rin ako ng kamatayan diba?" sambit ni Selene. "Ang sabi mo sa amin... Ang posisyon mo ay proteksyon mo sa aming mag kakapatid, panindigan mo, Kuya." dugtong ni Selene at lumabas ng kwarto ni Prinsipe Wheyt. Napabuntong hininga si Wheyt at napasapo sa kanyang noo. Hindi maunawaan ni Wheyt kung alin ang totoo sa mga sinasabi ng kanyang kapatid. Hindi niya mabasa ang mga naiisip at kilos nito. Naguguluhan siya, at hindi makahanap ng sagot. Sa kabilang banda naman ay nakarating si Drix at Lawson sa Laruar. Mabilis na nag bigay pugay ang mga kawal ng Luruar sa kanila at mabilis naman na pumasok si Drix at Lawson sa palasyo. Sumalubong si Wanna sa kanila ng nakangiti. Masayang masaya ngayon si Wanna dahil muli niyang nasilayan ang kanyang iniibig. Si Drix. Matagal ng may pag tignin si Wanna kay Drix. Simula ng maging mag kaklase sila ay doon umusbong ang nararamdaman ni Wanna kay Drix. Flashbacks. "Wanna!" sigaw ng isang studyante sa kanya. Hindi umimik si Wanna at umirap lamang. Nag patuloy siya sa pag lalakad. "Wanna teka lang kasi!" "Pwede ba manahimik ka? Ang sakit mo sa tenga." iritadong sagot ni Wanna sa kanya. "Ang sungit mo naman!" "Alam mo pala, bahala ka nga jan." sambit ni Wanna at mabilis na umalis at pumasok sa loob ng silid nila. "Kapal talaga ng mukha niyang si Wanna no? Kala mo kung sino," sambit ng isang studyante. Padabog na naupo si Wanna sa isang upuan. Nakita iyon ng studyanteng may galit sa kanya. Lumapit sila sa kanya at mabilis nilang hinila ang buhok nito. Lumaban si Wanna. Ngunit hindi niya rin kinaya sa damu nila. Lalo't hindi nila magagamit ang kanilang kapangyarihan sa loob ng paaralan. "Akala mo kasi ang ganda ganda mo! Wala sa kalingkingan mo si Selene. Hindi ka mapapansin ni Drix kahit anong gawin mo!" sigaw sa kanya ng isang studyante. "Kumpara mo naman sa'yo mas maganda ako!" sigaw ni Wanna. "Kapal mo naman--" "May gusto ka nga rin sa kuya ko, tas sasabihin mong hindi ako maganda. Alam mo? Napakatanga mo!" singhal ni Wanna. Mas lalong hinigit nito ang kanyang buhok kaya naman napasigaw si Wanna sa sakit. Pumasok sa loob si Drix. Nakita niya ang kaganap. Napahinto ang babae, ibinaba ni Drix ang kanyang gamit at tumingin kay Wanna. "Tara sa silid na musika, Wanna." sambit ni Drix. Binitawan ng babae ang buhok ni Wanna. Hindi na iyon naramdaman pa ni Wanna. Ang tanging nararamdaman niya sa mga oras na iyon ay tuwa. End of flashbacks "Nasaan si Euphie?" tanong ni Drix kay Wanna. "N-nasa kwarto siya..." sagot nito. Ngumiti si Drix at iginiya ni Wanna ang daan papunta sa kwarto kung nasaan si Euphie. Pag kabukas ng pinto ay narinig nila ang pag tatawanan ni Rey at Euphie. "Andito na pala sila," ani ni Rey at tumayo. "Maiwan ko muna kayo, tara na sa labas Wanna." ani ni Rey at kumaway kay Euphie. Euphie smiled back to him. Tumingin si Euphie kay Drix at Lawson. "Ayos lang ako, masyado naman kayong nag a-alala," natatawang sambit ni Euphie. "Nag a-alala talaga kami Euphie," ani ni Drix. Euphie smiled. "Ano ba ang nangyari?" tanong ni Lawson sa kanya. Sa tanong na iyon ni Lawson doon na kumpirma ni Euphie na hindi niya uli naalala ang nangyari sa mundo nila, at yung pangyayaring ibinigay ni Lawson ang sulat sa kanya. "Habang nasa silid ako, may kumuha sa akin at dinala sa isang gubat, kinabukasan no'n may isang nilalang na umatake sa akin, hindi ko kilala." sagot ni Euphie sa kanya. "Ang boses?" "Pamilyar, pero hindi ko maalala kung kaninong boses iyon," sambit ko. Tumango sila sa akin bilang sagot. "Kakausapin ko lang si Rey, uuwi ka na sa palasyo mamaya." Ani ni Lawson. Umalis si Lawson sa silid at naiwan naman si Drix at Euphie doon. "Bat ganyan ka makatitig?" natatawang tanong ni Euphie kay Drix. "Anong ganyan?" "Yan, parang iiyak kana. Sabing ayos lang ako!" ani ni Euphie. Hinawakan ni Drix ang kamay ni Euphie. Tumingin doon si Euphie at nagsalita naman si Drix. "Pasensya ka na kung ganito ako, alam kong si Lawson ang mahal mo at heto ako... Ipinipilit parin ang sarili sa'yo. Hayaan mo lang akong masaktan ng sobra at mag sawa sa ginagawa ko para sa'yo, sa ganoong paraan makakalimutan kita." ani ni Drix. "Alam ko na tinutupad mo yung sinabi mo sa aking hindi mo ako iiwan, ngunit para iyon sa pag kakaibigan natin diba? Hindi sa relasyong iniisip ko." dugtong pa ni Drix. "Hayaan mong iparamdam ko sayo ang pagmamahal na kaya kong iparamdam sayo" aniya. "Drix..." "Ang drama ko na ba masyado?" sambit ni Drix at tumawa. "Hindi naman," sagot ni Euphie sa kanya. Itinaas ni Euphie ang kanyang kamay at inihaplos aa buhok ni Drix. "Importante ka sa akin Drix. Kaibigan kita... Pero mahal ko si Lawson, malabo, magulo pero handa akong sumugal," sambit ko sa kanya. He smiled. "Ganon ang pag-ibig Euphie, handa kang sumugal sa lahat ng bagay kahit walang kasiguraduhan," sambit ni Drix. Matapos nilang makapag usap na dalawa ay pumasok si Lawson sa loob kasama si Rey at Wanna. Napairap si Wanna dahil nakakaramdam siya ng selos kahit alam naman nitong wala siyang karapatang mag-selos. "Uuwi ka na Euphie, mag iingat ka na ha?" ani ni Rey. "Syempre, kakahiya naman kasi sa'yo," sagot ni Euphie at tumawa. Napailing si Rey sa kanya at tumayo na si Euphie. Lumabas sila ng palasyo at sumakay ng kalesa, kumaway si Euphie kay Rey at kay Wanna ngunit mabilis ng tumalikod si Wanna at pumasok sa loob ng kanilang palasyo. Hindi sumakay sa kalesa si Drix at kumuha ito ng isa pang kalesa na nakabukod sa kanila. Ngayon ay mag kasama si Lawson at Euphie. "Bat kaya hindi sumabay si Drix, tinakot mo no?" tanong ni Euphie sa kanya. "Sa tingin mo matatakot sa akin si Drix?" tanong ni Lawson. "Siguro... medyo nakakatakot ka naman, minsan." sambit ni Euphie. "Natatakot ka sa akin?" tanong ni Drix gamit ang mahinahong boses. "Minsan..." pag amin ni Euphie. "Nagtatampo ka pa sa akin?" dugtong ni Euphie. "Hindi na." sagot ni Lawson. "Kasi?" "Kasi mahal kita, Euphie." ani ni Lawson na nagpatahimik kay Euphie. Napalunok siya at nag iwas ng tingin kay Lawson. Lawson smiled when he noticed the action of Euphie. "Marami ka na sigurong sinabihan niyan no?" sambit ni Euphie ng makabawi sa naramdamang kilig. "Paano mo naman nasabi 'yan?" "Syempre imposible na wala ka pang naging kasintahan?" tanong ni Euphie. "Meron na," sagot ni Lawson. "M-meron na?" "Oo," Bumuntong hininga si Euphie. "Swerte naman no'n," Euphie said. Malakas na tumawa si Lawson. Nagtatakang tumingin si Euphie sa kanya. Ito ang unang pagkakataong makita niyang tumawa si Lawson at para iyong musika sa kanyang pandinig. "Nakakatuwang makita, kung paano ka naninibugho," Wow! Lalim naman ng naninibugho! "Wala pa akong nagiging kasintahan, Constance. Mula ng sabihin sa akin ni ama na ikaa ang aking mapapangasawa ay hindi na ako naghanap pa ng iba, mas pinili kong kusa kang mag karoon ng nararamdaman sa akin ng hindi natin ipinipilit dahil lamang sa ipinagkasundo na tayong dalawa, nais ko na mahalin mo ako dahil mahal mo ako," "Ikaw ang nag iisang tala sa aking buhay, Constance. Mahal na mahal kita,"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD