[Cirin...] Pagkabangon ko sa higaan, 'yon kaagad ang naalala ko. Ni-hindi man lang ako nagsalita habang kumakain kami ng dinner kagabi. Wala na nga rin sana akong balak na lumabas mula sa pagkakabalot ng kumot. Pero wala eh, hindi ako makahinga ng maayos sa ganoong posisyon. Patuloy pa rin ang pangungulit sa akin ni Zerija kanina. She's asking for forgiveness. Napagtanto raw niya na she crossed the line too much. Buti alam ng gaga. Naku buti na lang talaga kaibigan ko siya at masarap ang ulam kagabi kundi---ARRRGGGHHH just what the fvck is happening to me? Bakit ba sobrang nawawala ako sa sarili kapag ang bwisit na Tyro—WAAAA I don't want to think of his name! Tumingin ako sa paligid at nakita ang natutulog na Lianne at Zerija. Nasa kabilang kwarto naman nagsisiksikan 'yung mga boys. W

