Nang makarating kami sa office ni Adrian ay pinakita niya muna sa'kin ang magiging office ko na katabi lang ng office niya. Nanlaki ang mga mata ko dahil ang laki nito. Mas malaki pa ito sa office ni Ate Jennifer. "I-ito ang magiging office ko?" nauutal na tanong ko. "Yeah," maikling sagot ni Adrian. "Come on, you still have papers that you need to sign para maging legal na assistant na kita," sabi ni Adrian at lumabas na nitong magiging office ko at dumiretso sa office niya. Magkatabi lang naman ang office naming dalawa at bago makapasok ng office namin ay may dalawang bodyguard din ang nagbabantay sa labas ng office namin kaya talagang safe na safe kami. Mas malaki ang office ni Adrian kaysa sa magiging office ko. Napaisip naman ako. Bakit may office nang nakahanda sa'kin? Hindi kaya

