Inayos na niya ang sarili niya at tumayo na habang masama ang tingin sa'kin dahil sa ginawa ko sa kaniya kaya naman malaki ang ngiti ko dahil naasar ko siya. Kinakalabog na ni Adrian ang door nitong office kaya binuksan ko na ito at nginitian muli si Theo. Yung ngiti ko ay nang-aasar. "Hindi niyo ba ako marinig or nagbibingi-bingian lang kayo?" inis na tanong ni Adrian at pumasok ng office. "Sir, we need to hurry right now," dugtong na sabi ni Adrian kay Theo. Muling inayos ni Theo ang suot niya at napahinga nang malalim dahil sa inis dahil nga sa pang-aasar ko sa kaniya kaya pinigilan ko ang ngiti ko dahil inis na si Adrian at baka kapag nakita niya akong nakangiti ay baka mas lalo pa itong mainis sa'kin. Una nang lumabas si Theo at sumunod naman sa kaniya si Adrian kaya sumunod na rin

