After 2 days ay nakalabas na rin ako ng hospital. Si Ate Jennifer ang maghahatid sa'kin ngayon pauwi ng bahay. Tuwang tuwa akong muling ilakad ang mga paa ko nang maayos at walang iniintindi. Nagpaalam na kami kila Doc Reyes at Nurse Lian at nagbayad muna ng hospital bill. Nung una nga ay babayaran pa sana ni Ate Jennifer ang hospital bill ko pero pinilit ko siya na kaya ko namang magbayad at ako naman ang na-hospital kaya ako dapat ang magbayad. Sinabi ko rin sa kaniya na baka ma-spoiled niya ako kung siya ang magbabayad at baka hindi na'ko maging independent kung gano'n kaya naman ay hinayaan na niya ako. Pero siyempre hindi naman ako magiging spoiled 'no. Ginawa ko lang iyong rason para pumayag na siyang ako ang magbayad. Na-realize niya rin siguro na masyado nang sobra ang ginagawa

