"W-what are you doing here?" gulat na tanong ko kay Adrian. "Visiting you," sagot niya naman. "Anyways, why are you standing? Akala ko ay napilay ang paa mo?" tanong niya naman at tumayo para sana tulungan ako pero tumalon-talon ako para ipakita sa kaniya na kaya kong maglakad nang maayos kaya hindi na niya ako tinulungan at muli na lang siyang umupo sa sofa. "Naayos na kanina ng Doctor na nag-alaga sa'kin. Na-dislocate lang ang buto ko rito sa paa ko and binalik din naman kaagad ni Doc sa tamang posisyon yung buto ko and after daw 2 days ang fully recovery kaya need ko pang mag-stay rito ng 2 days," sabi ko at naglakad na papuntang kama at doon umupo. "It's good to know," nakangiting sabi niya. "H-how did you know that I was here?" tanong ko sa kaniya. "Jennifer told me," sabi niya.

