Chapter 1

2036 Words
"Hindi ka pa uuwi?" tanong ng katrabaho ko. Natigil naman ako sa pagta-type sa computer at nilingon ko siya at nginitian. "Hindi pa. Kailangan ko pang tapusin 'to eh," nakangiting sabi ko sa kaniya. "Ilang araw ka nang nag-oovertime ah? Hindi ka ba napapagod? Baka hindi ka na nakakapagpahinga nang maayos ha. Unahin ang kalusugan," sabi ng katrabaho ko. "Kaya ko pa naman. And don't worry, hindi ko papabayaan ang sarili ko. Salamat sa concern. Ingat kayo sa pag-uwi," nakangiti pa ring sabi ko. "Oh siya sige ba-bye na, after mo diyan ay magpahinga ka ha, deserve mo rin ng pahinga," pagpapaalam ng katrabaho ko at lumabas na ng office. Naiwan na naman akong mag-isa rito sa office namin kaya napahinga ako nang malalim at sumandal sa sandalan nitong inuupuan ko. Tumingin ako sa kisame nitong office. Halos tatlong araw na'kong walang tulog kaka-overtime. Umuuwi na nga lang ako sa'min para makaligo at makapalit ng susuotin and after that ay aalis na rin kaagad para pumasok sa office at magawa ang mga kailangan kong gawin. Kailangan ko kasing mag-overtime since magka-college na 'yung kambal kong kapatid at kailangan ko ring bayaran 'yung tuition ng kapatid kong 3rd year college na. Nag-oovertime ako para rin dagdag sa sahod ko pero ngayon ay pagod na pagod na'ko dahil marami pang bayarin bukod sa tuition ng mga kapatid ko. Ako kasi ang 'breadwinner' ng pamilya namin kaya ako lang ang inaasahan ni Mama. Wala akong katulong kaya mahirap. Iniwan na kasi kami ng tatay ko dati pa dahil may iba nang pamilya kaya habang nag-aaral pa lang ako ay ako na ang sumusuporta sa pamilya namin at magpahanggang ngayon na 5 years na'kong graduate at nagtatrabaho na sa isang magandang kumpanya ay kulang pa rin ang sinasahod ko. Pagod na pagod na'ko pero hindi ko magawang magreklamo. Tumayo ako mula sa inuupuan ko at pumunta sa coffee machine namin dito sa office para makapagkape. Pagkakuha ko ng kape sa coffee machine ay bumalik ako sa table ko and then nag-stretch ako at muling nagpatuloy sa ginagawa ko. ~~ Tapos na'ko sa ginagawa ko at nang tingnan ko ang oras sa relo ko ay 4am na. 7pm pa kagabi ang out ko pero dahil nga nag-overtime ako ay nakaabot na'ko ng hanggang 4am ngayong araw. May pasok na naman ako ng 7am kaya kailangan ko na kaagad umalis dahil 1 hour ang byahe mula rito papunta sa bahay and maliligo at magbibihis lang naman ako at hindi naman iyon makakaabot ng 30 minutes kaya maaga ulit akong makakapasok kapag nagmadali akong umalis ngayon. Kaagad akong pumunta sa locker ko. May mga locker kaming mga employee rito sa company namin. Kinuha ko ang gamit ko sa locker ko at nagmadaling umalis. Nag-commute lang ako pauwi para tipid at dahil na rin maaga pa kaya wala pa masyadong traffic. Pumipikit-pikit na'ko habang nakasakay sa jeep dahil sa sobrang kaantukan. Muntik pa'kong lumagpas sa bababaan ko pero buti na lang ay naalimpungatan ako kaya nakababa ako sa destinasyon ko. Pagkababa ko ay sumakay akong muli ng another jeep at katulad nung unang pagsakay ko kanina ay papikit-pikit na naman ako and this time ay nakaidlip na'ko kaya nang maalimpungatan ako ay nakalagpas na'ko kaya kaagad akong sumigaw ng 'para!' na ikinagulat ng mga pasahero pati na rin ni Manong driver ng jeep. Nang huminto ang jeep ay kaagad akong bumaba at tumakbo papuntang kanto pauwi ng bahay namin dahil nga lumagpas ang jeep na sinasakyan ko. Nang matauhan ay tiningnan ko ang relo ko at 4:52am pa lang pala kaya naman ay hindi ko kailangang magdali dahil usually ay 5 minutes lang naman ang byahe kapag sumakay ako ng tricycle pauwi ng bahay kaya naglakad na lang ako mula rito sa binabaan ko papunta sa kanto pauwi sa'min dahil nakakapagod kung tatakbo ako lalo na't wala pa'kong tulog kaya mas mabilis akong mapapagod. Nang makarating ako sa kanto pauwi sa'min ay sumakay ako ng tricycle at nang makarating ako sa bahay namin ay 5:10am na. Pagkapasok ko ng bahay ay makalat na paligid kaagad ang sumalubong sa'kin at wala pang gising dahil lahat pa sila ay tulog. Napahinga ulit ako nang malalim at binaba ang bag ko. Tiningnan ko ang buong bahay. Sobrang kalat. Wala man lang naglinis bago sila matulog? Hindi ko inuna ang reklamo at kaagad na naglinis ng bahay dahil wala namang mangyayari kung magrereklamo lang ako. After 30 minutes ay nalinis ko na ang bahay at nagmadali nakong naligo at nagbihis. Bago ako umalis ng bahay ay naabutan kong gising si Mama. "Oh anak, nakarating ka na pala. Pumayag ba ang boss mo na makasahod ka ng maaga? Kailangan mo nang bayaran ang tuition nila Angelica at Loraine tapos 'yung kuryente, tubig, at pati wifi. Kapag hindi tayo kaagad makakabayad ay baka putulan na tayo ng tubig at ng kuryente niyan," sabi ni Mama kaya nginitian ko siya. "Huwag po kayong mag-alala. Kakausapin ko po 'yung boss ko," nakangiting sabi ko. "Oh siya sige, ingat ka ha," sabi ni Mama at bumalik na sa kwarto niya para matulog. Buti pa ang mga tao rito ay nakahiga lang at natutulog. Ako, ito kailangang kumayod para kumita ng pera. Umalis na'ko dahil baka traffic na naman. ~~ 7:30 na'ko nakarating ng office at hingal na hingal ako dahil sa pagmamadali. Napatingin pa sa'kin ang mga katrabaho ko pagkarating ko sa office namin. Tumayo ang head namin or 'yung boss ng team namin. May mga team kasi kami rito sa company since iba-iba ang ginagawa namin kaya may mga team at may mga head or boss ng team. Sila 'yung nagche-check if tama ba ang ginagawa namin and sila rin ang nagpapasahod sa'min. "Belle, you're late," wika ng head namin na si Ate Jennifer. Miss Jennifer ang tawag sa kaniya ng iba rito kasi tumanda siyang dalaga since hindi siya nag-asawa pero ang tawag ko sa kaniya ay Ate Jennifer since para lang kaming magkapatid. Pero tinatawag ko lang siyang ate kapag kaming dalawa lang para maiwasan na tawagin din siyang 'Ate' ng iba ko pang katrabaho dahil baka mamaya ay i-take advantage nila iyon at hindi na siya galangin. Hindi pa naman siya totally matanda pero 10 years ang inagwat ng age naming dalawa. "To my office," wika ni Ate Jennifer at nauna nang pumunta sa office niya. Sumunod naman ako sa kaniya at nang makapasok kami sa office niya ay kaagad akong nagsalita. "S-sorry po Ate Jennifer, m-may ginawa pa po kasi ako and ano'ng oras na rin po ako nakauwi kaya po--" Naputol ang sasabihin ko nang magsalita si Ate Jennifer. "I know that you stayed here until 4am," wika ni Ate Jennifer. "That's why I'm asking you to leave," dugtong na sabi pa ni Ate Jennifer kaya nanlaki ang mga mata ko. "S-sorry po Ate Jennifer kung late ako but y-you don't need po na paalisin ako dahil--" Muling naputol ang sasabihin ko nang magsalita siyang muli. "I'm not asking you to leave dahil lang late ka Belle. I know that this past few days ay wala ka pang tulog dahil tatlong araw ka nang nag-oovertime kaya I'm asking you to leave para makapagpahinga ka. Kailangan mo ring alagaan ang sarili mo bago mo magawa nang maayos ang mga kailangan mong gawin," sabi ni Ate Jennifer. "P-pero kaya ko naman pong gawin ang mga kailangan kong gawin kahit po kulang ako sa tulog--" Muli niyang pinutol ang sasabihin ko. "I know na kaya mong gawin ang mga pinapagawa sa'yo Belle pero hanggang kailan? Hanggang kailan kaya ng katawan mo? Paano kapag bumigay ka? Ni tatlong araw ka na ngang walang tulog," concern na sabi ni Ate Jennifer. "P-pero nakatulog naman po ako sa jeep kanina pauwi habang bumabyahe po ako," palusot ko pa. "Hindi 'yon maayos na pahinga Belle. Huwag nang makulit. Umuwi ka na," sabi ni Ate Jennifer pero hinawakan ko ang braso niya para magmakaawa. "Please Ate Jennifer, kailangan ko po talagang magtrabaho dahil marami na naman po kaming bayarin. S-sa katunayan nga po ay itatanong ko po sana kayo kung okay lang po na makuha ng advance ang sahod ko po since marami pong bayarin sa bahay k-kaya rin po kailangan ko pong makapasok ngayon para po makumbinse po kayo na pasahurin po ako in advance," nakayukong sabi ko. Narinig ko naman ang paghinga niya nang malalim. "Ano ka ba naman Belle, hindi ka ba naaawa sa sarili mo? Hanggang kailan ka ba magiging alipin ng pamilya mo? Hanggang kailan ka magpapaalipin sa pamilya mo ha?! Hindi ka ba naaawa sa sarili mo?!" pagalit na sabi ni Ate Jennifer kaya mas lalo akong hindi makatingin sa kaniya. Katulad ko kasi si Ate Jennifer noon. Siya rin ang inaasahan ng pamilya niya pero nung napuno siya dahil wala nang natira sa kaniya ay iniwan na niya ang pamilya niya dahil sa abuso na ginagawa nila sa kaniya katulad ng ginagawa sa'kin ng pamilya ko ngayon, pero hindi ako katulad ni Ate Jennifer na kayang iwanan ang pamilya ko. Naiintindihan naman ni Ate Jennifer na mahal ko ang pamilya ko at naiintindihan niya ang kagustuhan kong patuloy na suportahan ang pamilya ko kahit na ubos na ubos na'ko pero siyempre lagi niya akong pinapayuhan at pinagsasabihan lalo na kapag nakakaapekto na ito sa'kin lalo na lang ngayon na hindi na'ko makatulog nang maayos dahil nga kaka-overtime at baka madamay pa ang kalusugan ko kaya naman ay sobra ang pag-aalala sa'kin ni Ate Jennifer. "Gusto kitang intindihin sa pagsuporta mo sa buong pamilya mo pero hindi mo naman responsibilidad 'yan! Bakit ba ikaw ang nagtataguyod sa pamilya mo gayong hindi naman dapat iyan ang ginagawa mo! Ikaw lang ang kawawa sa desisyon mong iyan Belle!" galit na sabi na ni Ate Jennifer. Hindi ko na lang siya tiningnan at nakayuko lang ako dahil alam kong kaya niya lang naman ako pinapagalitan dahil concern lang siya sa'kin. Lahat naman ng sinasabi ni Ate Jennifer ay totoo. Sa totoo nga ay si Ate Jennifer lang ang nagpaparamdam sa'kin na mahalaga ako since siya lang ang concern sa'kin. Wala nang ibang inintindi ang pamilya ko kundi ang sahod ko. "Unti-unti mo bang uubusin ang sarili mo sa pamilya mo ha Belle? Kailan ka ba matatauhan?!" muling galit na sabi ni Ate Jennifer. Naluha na'ko dahil sa sobra na ring pagod at dahil na rin sa mga totoong sinasabi ni Ate Jennifer about sa'kin. Pinunasan ko ang luha ko gamit ang uniform ko kaya napahinga muli nang malalim si Ate Jennifer at may kinuha sa drawer niya. Isa iyong envelope at binigay niya ito sa'kin. "Oh, ito 'yung sasahurin mo sa katapusan, galing 'yan sa sarili kong pera dahil alam mo namang bawal tayong sumahod ng advance," wika ni Ate Jennifer at tumigil saglit at huminga nang malalim. "Last na'to Belle, hanggang ngayon na lang kita pagbibigyan na sumahod ng advance dahil mukhang kailangan na kailangan mo. Sa susunod ay hindi ka na makakaulit. Naiintindihan mo?" tanong ni Ate Jennifer. Mas lalong lumakas ang pag-iyak ko at niyakap siya at sinubsob ang mukha ko sa dibdib niya. Hinimas niya naman ang likod ko para i-comfort ako. "Oh siya tama na, kunin mo na'tong pera na ito at umuwi ka na. Huwag ka munang magtrabaho ngayon. Magpahinga ka muna," wika ni Ate Jennifer kaya kumalas ako sa yakapan namin at hinarap siya. "Salamat po Ate Jennifer. Sobrang salamat po--" Pinigilan na niya ako dahil alam niyang hindi na'ko titigil sa kakapasalamat sa kaniya. "Walang anuman, oh siya umalis ka na para makapagpahinga ka na. Alam kong matagal pa titigil 'yang pagpapasalamat mo sa'kin," sabi niya at pinunasan ang luha ko gamit ang mga kamay niya. Kumuha rin siya ng tissue sa table niya at pinunas sa mukha ko. Pagkatapos ay binuksan niya ang pintuan ng office niya para palabasin na'ko dahil nga iniisip niya na baka magpasalamat na naman ako sa kaniya dahil nga sa pagpapahiram niya sa'kin ng pera niya. Kapag kasi nanghihingi ako ng sahod ko in advance ay pera ni Ate Jennifer ang binibigay niya sa'kin so parang nanghihiram lang ako sa kaniya ng pera gano'n. Btw, ako nga pala si Arabelle Reyes. Belle ang tawag nila sa'kin, short term ng Arabelle. And yes, I'm the breadwinner of our family.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD