Umuwi akong may ngiti sa mga labi ko dahil nga may pera akong dala. Nahihiya man ako kay Ate Jennifer ngunit hindi ko muna iyon inisip dahil mas masaya ang pakiramdam ko ngayon. Bumili ako ng donut pasalubong kila Mama at sa mga kapatid ko at umuwi na.
Pagkarating ko ng bahay ay kaagad nila akong sinalubong. Kinuha ng kapatid kong si Sheila ang donut na binili ko at nilagay sa lamesa. Gan'yan talaga sila sa'kin kabait kapag alam nilang bagong sahod ako. Kaya minsan nakakatuwa rin.
Umupo ako sa sofa namin at nakasunod sa'kin sila Mama at ang mga kapatid ko.
"Mukhang nakasahod ka ah," malaking ngiti na sabi ni Mama. Nginitian ko naman siya at kinuha ang pera sa bag ko. Kumuha lang ako rito sa perang sinahod ko ng pang-allowance ko this month and next month and the rest ng pera ay binigay ko kay Mama.
Malaki ang sinasahod ko pero walang natitira sa'kin kundi pang-allowance ko lang para pangkain ko sa office at pamasahe ko araw-araw.
Inuuna ko muna kasi sila Mama at ang mga kapatid ko bago ang sarili ko.
Simula nung nagtrabaho ako ay medyo napaayos ko na ang bahay kaya medyo maayos na ang bahay namin ngayon. Pero hindi pa rin ako nakakaipon para sa sarili ko dahil nga hindi naman lahat ng sahod ko ay napupunta sa'kin dahil nga nag-aaral pa ang mga kapatid ko at binibigyan ko rin si Mama ng pera para panggastos niya sa kung ano man ang gusto niya.
Dahil din gusto ng mga kapatid ko na mag-aral sa magandang unibersidad, siyempre bilang ate nila ay ako ang nagbabayad ng tuition nila. Malaki-laki rin ang tuition nila kaya wala talaga akong naiipon para sa sarili ko. Ang naiipon ko lang ay ang allowance na tinatabi ko at iyon ang ginagamit ko panggastos kung may gusto man akong bilhin sa sarili ko.
Hindi ko hinahangad na tulungan din ako ng mga kapatid ko pagka-graduate nila. Gusto ko lang na after nilang grumaduate ay magkaroon sila ng magandang trabaho at magandang buhay.
And kapag naka-graduate na sila, maybe doon na'ko magfo-focus sa sarili ko.
Tuwang-tuwa si Mama nang mahawakan niya ang perang sinahod ko.
"Kasama na po diyan 'yung tuition nila Sheila Ma at nung kambal. Si Limuel din ay gusto atang sumama sa field trip nila, bigyan niyo na lang din po. Tapos kasama na rin po diyan yung pambayad sa kuryente, tubig, wifi, etc. May sobra pa po diyan Ma at sa inyo na po iyon. Bumili po kayo ng mga gusto niyong bilhin," nakangiting sabi ko kay Mama. Niyakap niya naman ako dahil sa tuwa.
"Nako anak salamat!" tuwang-tuwa na sabi ni Mama at humiwalay sa yakap sa'kin at binilang ang pera. Naglapitan naman kay Mama ang mga kapatid ko dahil binibigyan ko rin sila ng allowance na galing sa sahod ko.
"Matutulog na po muna ako Ma," wika ko. Tumango lang si Mama dahil busy sa pagbibilang ng pera.
Pumunta na'ko sa kwarto ko at ni-lock ang pinto para hindi ako maistorbo. Itong kwarto ko ang isa sa mga masasabi kong pinaka-achievement ko dahil kapag pagod ako lalo na mentally at physically ay dito lang ako nagpapahinga.
Dati kasi ay palipat-lipat lang kami ng bahay at maliit pa ang tinitirhan namin noon dahil sa kahirapan kaya talagang siksikan kami. Kaya dati pa man ay nangarap na'ko na magkaroon ng sariling kwarto dahil gusto kong magkaroon din ng space minsan. Kaya ngayon ay may sari-sarili na kaming kwarto lahat. Sa awa ng Diyos ay nakabili na rin ako ng bahay para sa'min at itong bahay na tinitirhan namin ngayon ang naipundar ko para sa'min.
Pagkabukas ko ng aircon sa kwarto ko ay kaagad kong binaba ang bag ko at binalibag ang sarili ko sa kama dahil muling bumalik ang pakiramdam ko na sobrang pagod at antok dahil sa tatlong araw na'kong walang tulog.
Wala na'kong lakas na bumangon at maligo dahil naisip ko na naligo naman na'ko kanina bago pumuntang office at hindi naman ako masyadong nadumihan sa labas kaya okay na'to. Pagod na pagod na'ko eh.
Ilang minuto pa lang ata akong nakapikit at kaagad akong nakatulog.
~~
Nagising ako na nasa komplikadong side na'ko ng kama ko. Halos mahuhulog na'ko. Isang galaw na lang ay hulog na'ko. Buti na lang nagising ako. Tiningnan ko ang orasan ko sa table na nasa tabi nitong kama ko at nakita kong 4:57am pa lang. Kaagad akong pumikit muli upang muli sanang matulog ngunit kaagad akong napadilat nang ma-realize na 4:57am ang nakalagay sa orasan ko.
Ang pagkakaalala ko ay 9:00am ako nakatulog tapos ngayon ay 4:57am na?! Edi ibig sabihin kinabukasan na ngayon?! At 20 hours na'kong tulog?!
Kaagad akong napabangon sa kinahihigaan ko upang mag-chat sa gc naming magkakatrabaho na mali-late ako ngayon dahil usually ay 3am ako gumigising para maghanda na pumunta sa office at babyahe pa'ko at mga 6:30am ay nandoon na'ko sa office namin kaso ngayon ay 4:57am na kaya mali-late na talaga ako.
Nang magcha-chat na sana ako sa gc namin ay nabasa ko ang chat ni Ate Jennifer sa gc at sinabi niya sa chat niya na huwag muna ako papasok at magpahinga muna, kahit daw pilitin kong pumasok ngayong araw ay sinabihan na raw niya ang guard na hindi ako papasukin.
Pwede niya iyong gawin since siya ang office Leader namin. Napangiti naman ako dahil do'n. Alam kong kaya lang iyon ginagawa ni Ate Jennifer dahil concern siya at gusto niya akong makapagpahinga muna. Nag-chat ako ng pasasalamat ko at muling napaupo sa kama ko at napahinga nang maluwag.
Hayst akala ko ay magmamadali na naman akong kumilos para makahabol na pumasok.
Dahil wala akong maisip na gawin at hindi ako sanay ng walang ginagawa ay tinali ko ang buhok ko at nag-stretch muna ng katawan. Naisipan kong mag-jogging dahil tatlong araw na'kong hindi nakakapag-exercise since tatlong araw akong laging nag-oovertime sa office.
Lagi akong nag-eexercise para maging healthy ang katawan ko dahil kailangan ko rin iyon para rin lumakas ang resistensya ko.
After kong mag-stretching ay nagpalit ako ng suot na pang-exercise at kinuha ko ang wireless headphone ko at kinonect ito sa cellphone ko at pumili muna ako ng song bago lumabas ng bahay.
Wala pang tao sa sala namin dahil nga tulog pa sila. Ni-lock ko ang bahay namin pagkalabas ko at nagsimulang mag-jogging. Ang tinitirhan namin ay nasa loob ng village at may park dito sa loob ng village namin kung saan pwedeng mag-jogging.
Nag-jogging ako papunta sa park na pwedeng pag-joggingan at doon din ako nag-exercise katulad na lamang ng squat at iba pang exercise na pampalakas ng katawan.
After an hour ay tapos na'kong mag-exercise kaya naman bumalik na'ko sa bahay. Pawis na pawis ako kaya gusto ko nang maligo.
Nang makarating sa bahay ay dumiretso ako sa kwarto ko at kumuha ng susuotin sa kabinet ko and then pumasok na sa cr na nasa loob nitong kwarto ko and then naglinis na'ko ng katawan and after that ay nagbihis na.
Nagpang-alis ako na suot dahil naisip ko na lumabas kaming magpamilya dahil matagal na kaming hindi man lang nakakapag-bonding sa labas. 2 years na'kong hindi nagkakaroon ng vacation sa trabaho kaya rin siguro ito na ang pagkakataon na ginamit ni Ate Jennifer para ipadama sa'kin na may mundo pa sa labas ng trabaho ko.
Habang nakapulupot pa ang tuwalya ko sa buhok ko ay lumabas ako ng kwarto ko upang gisingin sila para makapaghanda sila para makapag-bonding kami sa labas ngunit nagulat ako nang makitang gising na si Mama at ang kapatid kong si Angelica. Para bang galing sa iyak si Angelica at si Mama naman ay mukhang galit.
"Bakit gan'yan ang hitsura niyo? Ano'ng nangyari?" tanong ko sa kanilang dalawa.
"Tanungin mo 'yang kapatid mo," galit na sabi ni Mama habang nakatingin lang sa labas. Si Angelica naman ay nagsimulang umiyak kaya nilapitan ko siya at hinawakan ang magkabilang braso niya.
"Ano'ng nangyari?" nag-aalalang tanong ko. Nagsimula nang bumilis ang kabog ng puso ko dahil sa kaba. Umiyak lang siya nang umiyak at paulit-ulit ko lang siyang tinatanong. Hindi ko naman siya pini-pressure na sumagot kaagad kaya hinintay ko siyang kumalma dahil nagbabakasakali ako na kapag kumalma na siya ay ready na siyang magsabi sa'kin ng dahilan nang pag-iyak niya.
Yumuko siya at hindi makatingin sa'kin. Nilaro-laro niya ang daliri niya at ramdam ko ang kaba niya.
"A-ate, b-buntis po ako," wika ni Angelica na siyang ikinagulat ko. Tumayo naman si Mama at ramdam kong lumayo siya sa'min. Napako lang ang tingin ko sa kapatid ko habang sinusubukan kong mag-sink in sa'kin ang sinabi niya.
Maya-maya lang, nang mag-sink in sa'kin ang sinabi niya ay bumitaw ako sa kaniya at tumayo. Mas lalo pa siyang yumuko dahil ramdam niyang papagalitan ko siya.
"Buntis ka?! Paano?! Bakit?! Ilang taon ka pa lang ah!" Medyo napalakas na ang boses ko dahil sa pinaghalong galit at pagkagulat. Muli na namang umiyak si Angelica.
"Sino ang tatay niyan?!" Galit na galit na tanong ko. Ramdam ko namang nagsibabaan ang iba ko pang mga kapatid at mukhang nagising sila dahil sa sigaw ko.
Hindi sumagot si Angelica sa tanong ko kaya mas lalo akong nainis at napasigaw.
"Sino ang tatay niyan!" sigaw kong muli.
"Y-yung boyfriend ko po," sagot niya kaya napahawak ako sa noo ko dahil sa panggigigil.
"Si Jerome?! Akala ko ba matino iyon ha?! Hindi niyo ba inisip na hindi biro 'yang pagbuo ng bata?! Malaki ang magiging epekto niyan sa buhay niyong dalawa!" sigaw kong muli kay Angelica. Patuloy lang siya na umiiyak.
"18 ka pa lang Angelica! 18! Nag-aaral ka pa lang! Mag-uumpisa ka pa lang na magkolehiyo! Paano mo bubuhayin 'yang anak mo ha! Parehas lang kayo ng edad niyang boyfriend mo! Paano bubuhayin niyang boyfriend mo ang magiging anak niyo ha?!" Galit na galit na tanong ko.
"H-hindi na lang ako mag-aaral. Magtatrabaho na lang ako," sagot ni Angelica dahilan para magpanting ang tainga ko dahil sa narinig ko.
"Titigil ka sa pag-aaral?! Iyan ang solusyon mo ha?! Bubuhayin mo 'yang anak mo nang hindi niyo pinaplano ang future niyo?! Ano ka ba naman Angelica! Kaya nga kita pinag-aaral para mabigyan ka ng magandang buhay! Tapos ikaw naman itong sumisira ng magandang buhay mo!" nanggagalaiting sigaw ko sa kaniya. Umiyak lang siya nang umiyak dahil alam niyang tama ako.
"Anong buhay ang maiibigay mo sa anak niyo ngayong hindi mo tatapusin ang pag-aaral mo ha?! Alam mo naman kung gaano kahirap na maging mahirap 'diba! Naranasan na natin 'yan dati kaya alam mo kung gaano kahirap na mabuhay at bumuhay sa panahon ngayon!" Hindi ko mapigilan ang sarili ko na hindi magalit. Disappointed din ako sa kaniya dahil nga gusto ko talagang magkaroon siya ng magandang buhay.
Sino ba namang hindi magiging disappointed 'diba. Ang taas ng pangarap ko para sa kanila tapos sila hindi man lang mataas ang pangarap nila para sa sarili nila. Lumapit ang kambal ni Angelica na si Loraine at kinomfort siya nito. Sinenyasan ko si Loraine na dalhin na si Angelica sa kwarto niya.
Baka kung ano pa ang masabi ko kaya umalis na'ko ro'n at umakyat na sa kwarto ko. Nagsuklay lang ako saglit at kinuha ang bag ko and then umalis na. Gusto kong i-clear ang head ko at gusto ko ring umalis dahil nga baka hindi ko mapigilan ang sarili ko sa kakadaldal.