After kong maglinis ng sarili ko at linisin ang ginawa kong kalat ay bumalik na'ko sa office namin. Pagkarating ko ro'n ay nandoon na ang lahat at mag-uumpisa na ang trabaho namin kaya dumiretso na'ko sa table ko para makapaghanda na. Maya-maya lang ay nag-umpisa na kami sa trabaho. ~~ Break namin ngayon sa trabaho kaya nandito kami sa cafeteria nitong company namin at kumakain. Lagi kong kasamang kumain si Ate Jennifer at ang iba naman naming mga ka-team ay nakahiwalay sa'min since walang gustong lumapit kay Ate Jennifer dahil sinabi niya sa mga ka-team namin na tuwing break, hangga't maaari ay huwag daw muna siyang istorbohin lalo na kapag about sa trabaho ang dahilan nang pang-iistorbo dahil nga 'break' time namin, ibig sabihin ay pahinga time gano'n. Ako lang ang nakakalapit kay Ate

