Maaga akong gumising at ang una kong ginawa ay ang kumain at pagkatapos ay kinuha ko na ang mga nilabhan ko dahil bago ko pa ito isampay ay tuyo na ito dahil nga sa dryer namin. Kaya ko lang sinampay muna ang mga nilabhan ko kahit tuyo na ang mga ito, iyon ay para mahanginan man lang ito ng natural na hangin. Pagkatapos kong makuha ang mga nilabhan ko ay bumalik na'ko sa kwarto ko. Nilagay ko muna sa gilid ang basket na may lamang mga nilabhan ko at mamaya ko na lang itutupi itong mga damit na nilabhan ko. Kumuha muna ako ng uniform ko mula sa mga nilabhan ko at pinlantsa ito para maging maayos tingnan. After that ay kinuha ko na rin ang boxer ni Theo para hindi ko na ito makalimutan pa. Nilagay ko itong boxer ni Theo sa may paper bag na nakita ko sa aparador ko. Ito 'yung paper bag na

