Nakaramdam ng pagkairita si Gian. Hindi niya nagustuhan ang maabutan na mapapahamak ang dalaga ng hindi nito namamalayan. Kung hindi niya naisipan na puntahan ang hotel na pinagtatrabuhan nito hindi niya malalaman na naging pabaya sa sariling kaligtasan ang dalaga. Marahas siyang napabuga ng hangin. Nagsalin siya ng Rose wine sa kanyang wineglass. Sarado na ang restaurant pero nasa opisina pa rin siya at nagpapalipas lamang ng inis para sa dalaga. Kinalma ng ininom niyang wine ang kanyang pakiramdam. Sa susunod na ulitin iyun ng dalaga. Mananagot talaga ito sa kanya. Marahas siyang bumuga ng hangin at iyun ang nadatnan ng kanyang mommy Gabbie na bigla sumulpot sa harapan niya. "Para saan yun?" sita ng kanyang mommy. Tumayo siya at lumapit sa kanyang mommy hanggang balikat lamang niy

