Naging abala ang lunes ni Nhovie Ann. Maraming aplikante ang nagpasa ng mga resume. Marami kasi ang sabay-sabay na natapos ang kontrata ng ibang empleyado kaya marami din sila inasikasong aplikante na inaasiste. Tanghalian lang ata ang naging break nila hanggang sa matapos ang buong araw niya. Pagod na lumabas na siya ng hotel na pinagtatrabuhan niya. Kulang na nga lang ipikit niya ang mga mata umidlip saglit sa waiting area kung saan nakaupo siya roon habang naghihintay ng taxi. Siguro dahil sa pagod niya hindi na niya namalayan na nakatulog nga siya at hindi niya alam kung gaano katagal siya nakatulog hanggang sa maalipungatan siya. Pakiramdam niyang nakasakay siya sa isang sasakyan at umaandar iyun. Napabalikwas siya at ganun na lang ang pagkamulagat niya ng matanto na nasa loob ng

