Tila hangin na sumulpot si Gian sa likuran ng malaking puno ng Narra. Mula sa kinatatayuan niya ay nakita niya ang pagbaba ng babae kanina sa restaurant sa isang kulay asul na sport car nang huminto iyun sa tapat ng isang two storey house. Ilang kilometro ang layo niya sa mga ito. Agad na sinundan niya ang mga ito kanina. Naningkit ang mga mata niya ng masaksihan ang paghalik ng lalaking iyun sa babae na iniisip niyang mate niya. Hindi pa naman siyang hundred percent na ito nga ang mate niya hanggat hindi niya nakikilala ito ng mabuti. Kung sino man ang lalaking kasama ng dalaga. Gagawa siya ng paraan magkahiwalay lang ang mga ito. That's my boy! Natigilan sa paglock si Nhovie ng pintuan ng mapadako ang tingin niya sa isang puno ng narra. Tila may kung ano bulto siyang nakita doon.

