Naikuyom niya ang mga palad habang nakatanaw sa bahay ng dalaga. Nakita na naman niya kasama nito ang Alvin na yun at magkalapit lang pala ang tirahan ng mga ito. Kung ako sayo humanap ka ng matitirhan dito pasamantala para mabantayan natin siya mula sa Alvin na yun! Usog ng inner wolf niya. Magandang ideya nga naman iyun. May ilang araw na lang siya bago ang usapan nila ng kanyang mommy na dadalhin niya ito sa kanila para sa dinner nila. Napabuga siya ng hangin. Palagi na lang siya nacha-challenge ng mommy niya. Natigilan siya sa pagbukas ng gate niya na hanggang beywang ang taas ng mapansin niya na may tao sa kabilang bahay. Dalawang dipa ang layo niyun mula sa bahay niya. May nakatira na pala sa kabilang bahay. Ang alam niya pinagbibili ang bakanteng bahay mukhang may nakabili n

