HFL6: ONE

482 Words
Napabuntong-hininga na lamang si Gian habang nakatutok sa kanya ang camera kung saan na-guest siya sa isang TV show upang ipakilala ang restaurant na nakikilala na sa buong bansa. Ang restaurant na pag-aari ng kanyang ina na nakilala dahil sa kakaibang recipe na ino-offer nilang menu lalo na sa pagdating sa wine. Ang Rose wine ng kanyang ina. "Naku,paniguradong maraming viwers ngayon ang namangha dahil sa kakaibang twist ng pagkain ng inyong restaurant ,ito ay hinahaluan ng petals ng mga rosas at lalo na ang Rose wine niyo hindi lamang iyun napakagwapo pala ni Mr.Gian Debloise,manang-mana sa kanyang ama na kilalang businessman na si Mr. Kian Debloise,"mahabang litanya ng babaeng host. Kung hindi lamang nakatutok sa kanya ang camera baka kanina pa siya nawala sa harapan ng mga ito pero hindi niya gagawin yun kung ayaw niyang makita ng buong mundo na nagtiteleport siya. " So,Mr.Debloise,isang pahabol na katanungan mula sa mga viewers natin ngayon through f******k and twitter,they want to know if you are still single?"namamangha saad ng host. Bored na tumitig siya sa babaeng host at nakita niya na nagblush ito. Lihim siyang napabuga ng hangin. "I'm single," napipilitan pagsagot niya rito. Nakita niya ang pagningning ng excitement sa mga mata nito. "Oh! That's nice to hear that! Oh paano yan girls,available pa si Mr.Debloise," baling nito sa harap ng camera. Nang matapos ang interview at ilang pagtour niya sa mga sa loob ng kanilang restaurant agad na humanap siya ng lugar na walang makakalapit sa kanya. Nasa itaas na siya ng isang tower kung saan tanaw niya ang buong ka-maynilaan at doon buong tapang na sumandal siya sa makalawang na bakal. Malakas na humahampas sa kanya ang hangin pero hindi siya nababahala na mahulog sa kinaroroonan niya. Tumunog ang phone niya at ang kanyang Mommy Gabbie ang tumatawag. "Mommy," tugon niya agad sa kabilang linya. "Where are you?" tanong ng ina. "I'm resting,mommy...why?" sagot niya. "Hmm,nakakarinig ako ng malakas na hangin,siguro nasa itaas ka na naman ng tower noh o billboard o di naman kaya sa rooftop?" Bahagya siyang ngumis. "Nasa tower po ako," aniya. "I know,I want to congratulate you,anak..trending ka,pinagkakaguluhan ka na sa social media ngayon," may excitement saad ng kanyang mommy. Napabuga siya ng hangin. Bata pa ang mommy niya,nasa mid'20s pa lang noon ng matagpuan ng mommy niya ang kanyang Daddy Kian na sampung taon naman ang agwat sa kanyang ina. Hindi na siya magtataka kung minsan umaastang teenager pa rin ang mommy niya not mention na talagang hindi na tatanda ang mommy niya dahil sa pagiging lobo nito tulad niya. Isang lobo. "Are you happy?" aniya. Napilitan lang naman kasi siya na pumayag sa interview yun kung hindi dahil sa mommy niya nunca pumayag siya. "Very much,thank you,anak and I love you so much!" saad ng ina. Napangiti na lang siya. Minsan naiisip niya na parang nakababatang kapatid lamang niya ang kaniyang mommy Gabbie.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD