HFL6: TWO

584 Words
Walang mintis na pumasok sa ring ang bola na tinira ni Nhovie Ann. Nakipagpustahan na naman kasi sa kanya ang kababatang si Alvin. Nasa plaza sila at solo nila ang basketball court. "Ano bang nangyayari sayo? Kalalaking mong tao natatalo ka ng babae?" pang-aasar niya kay Alvin. Sumimangot ito. "Pinagbibigyan lang kita,alam mo babae ka pa rin mahirap na baka kung ano mahawakan ko sayo masapak mo pa ko ng di-oras," depensa nito sa pagkatalo sa kanya. Tinaasan niya ito ng isang kilay. "Sa dami ng naging babae mo naaasiwa ka pa din na makahawak ng babae?" aniya. Nangunot ang noo nito sa kanya habang nagpupunas ng pawis sa noo. "Hindi sa kaso mo,dude,mas lalaki ka pa sakin kung manapak,hindi ko makakalimutan na sinapak mo ako noong prom natin sa high school ng hindi ko sinasadyang nasagi ko yang hinaharap mo," anito na tila nanghihiklabot pang turan. Oo,naalala din niya iyun,wild kasi ang awitin na pinatugtog noon kaya nagkagitgitan na ang lahat kaya hindi sinasadyang nasagi ng kababata ang dibdib niya. Nginisihan niya ito. "Move on din kapag may time,pitong taon na mula ng mangyari yun,Alvin,"nakangisi niyang saad. Nakasimangot na hinarap siya nito. Gwapo si Alvin at maganda ang tindig. Pulis kasi ito kaya mas nadepina ang kakisigan nito.Hindi pa ito nag-aasawa ang dahilan eh,inienjoy daw nito ang pagiging bachelor nito. Papalit-palit ng nobya kapag masyado clingy naman ang kafling nito siya ang ginagamit para lang matigil ang babaeng ayaw humiwalay sa kaibigan. "Epic history ko yun,dudes!" anito. Naiiling na tinawanan na lang niya ito. "Saan mo gustong kumain?" tanong nito. Natalo ito at pustahan nila kung sino ang matalo manglilibre ng lunch. Nag-isip siya. "Wala akong maisip eh,ikaw? Sa dami mo ng dini-date alam kong marami kang alam na pwede kainan?" Napabuga ito ng hangin. "Oo na,ako na ang babaero,meron akong alam,yung sikat na restaurant,yung petals ng rosas ang inihahain nila?" Agad na rumihistro sa utak niya ang tinutukoy nito. Ang sikat na restaurant,ang Gabbie's Rose-taurant Tumango-tango siya. "Gusto ko dun,hindi pa ako nakakapasok dun," aniya. "Okay,daanan na lang kita.. Kita tayo after 2 hours," anito pagkaraan sumulyap sa suot nitong relo. Tumango siya at mabilis na tinungga ang tubig na nasa bote. "Okay," aniya. Sabay na sila lumabas ng cover court at naghiwalay lang ng pauwi na sila. Magkasubdivison lang sila pero nasa kabilang street ang kaibigan. Malapit lang sa bahay niya ang cover court kaya nilakad na lang niya. Agad na sumalubong sa kanya ang alagang niyang aso na si Troi. Isang napakalaking aso na umabot hanggang beywang niya ang taas nito at makapal ang kulay abuhin nitong balahibo. Maraming nagsasabi na para daw lobo ang alaga niyang si Troi. Niregalo lang sa kanya ng tiyahin niya na nasa America si Troi ng makagradweyt siya ng kolehiyo sa kursong Hotel & Restaurant Management. Wala siyang pasok tuwing linggo. Nagtatrabaho siya bilang HR manager sa isang hotel sa makati. "Hello,honey! Hungry? Wait,ikukuha kita bago ako maligo,okay?" malambing niyang saad sa alagang aso niya. Nag-iisa na lang siya sa buhay. Sabay namatay ang parents niya dahil sa plane crash at ang tiyahin niya na nasa amerika ng nanirahan ang nagpaaral sa kanya kaya naman ngayon si Troi na lang ang kasa-kasama niya sa buhay ngayon. Wala pa siyang nobyo at hindi niya alam kung bakit wala siyang nagugustuhan minsan na siyang tinukso kay Alvin pero kababata lang talaga ang tingin niya rito. "Eat well,honey," saad niya sa alaga bago niya tinungo ang kanyang silid para maligo. Ang paulit-ulit na eksena sa buhay niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD