Marahas na bumuga ng hangin si Gian nang makita ang umpukan ng kababaihan sa gilid ng Gabbie's Rose-taurant mula sa kinatatayuan niyang rooftop ng restaurant nila.
Araw-araw na lang nakaaligid ang mga ito. Hindi ba sila nanawa at gawin na lang nila ang dapat nilang gawin sa buhay nila.
Napapailing na umalis na lang siya roon. Sumulyap siya sa relong-pambisig niya. Oras na ng trabaho. Dumadagsa na ang mga costumer nila para sa tanghalian.
Hindi pa man lumilipat ang segundo nasa loob na siya ng opisina niya.
Walang nakakaalam na nasa loob na siya ng opisina siya at gaya ng una magugulat na naman muli ang mga empleyado nila na makita siyang bigla na lang susulpot sa kusina para tumulong sa paghahanda ng mga orders. Hands on siya sa lahat ng bagay-bagay kahit na may tatlong Chef siya tumutulong pa rin siya at kahit na sobra-sobra ang waiter o waitress nila tumutulong pa rin siya sa pagsiserve ng orders.
Ganun siya kaabala sa araw-araw tuwing nasa Rosetaurant siya.
"Goodmorning,Sir Gian!" sabay-sabay na pagbati sa kanya ng mga crew niya na nasa kusina ng pumasok siya roon.
Lahat ay abala na sa kanya-kaniyang pagluluto at pagpiplating ng pagkain.
Tinanguan lang niya ang mga ito at lumapit sa isang Chef na abala sa pagsabi sa assistant nito ng mga orders.
Tinapik niya ang balikat nito nang maisuot niya ang Chef's apron niya.
"Ako na bahala sa isang order," saad niya.
"Yes,Sir!" anang ng Chef niya na ilang taon lang ang tanda sa kanya.
Binigay sa kanya ang lahat na kakailanganin na lutuin niya.
Ang pinakaborito niya sa lahat ay ang pagluluto pangalawa na ang pagbi-bake. Sa tulong ng kanyang Mommy Gabbie kaya natutunan niya ang lahat ng mga iyun.
Ang sabi ng mommy niya,hindi lang pwede sa pagiging boss niya ang tungkulin niya sa mga empleyado niya dapat may konekta siya sa mga ito. Tutulong siya upang mas mapabilis ang pagtatrabaho nilang lahat.
Pinagpapasalamat niya sa kanyang mommy ang pagiging optimistic nito sa lahat ng bagay dito sa mundong ito kahit naiiba sila sa mga karaniwang tao.
Makalipas lamang ng kinse minuto inaayos na niya sa dinner plate ang order na pagkain ng costumer nila.
"Uh,Sir..no mushroom,allergic daw po yung costumer na may order niyan," saad ng assistant niya na siyang nagbibigay ng kakailanganin niya.
Tumango siya dahil iyun na lang ang ilalagay niya dahil bawal iyun sa nag-order iba na lamang ang nilagay niya.
Sinulyapan niya ang iba,abala pa rin ang lahat sa pagluluto pero sa tingin niya kaya na ng mga ito sa kusina.
Sa labas naman siya dadako.
Paglabas niya agad na nakita niya ang paroo't-parito ng mga waiter at waitress marami pang order kaya naman kumilos na siya para tumulong magserve ng pagkain.
Dinampot niya ang dalawang order na siya mismo ang ginawa. Ang isa na bawal ang mushroom. Nilagay niya iyun sa malaking tray para iserve na.
Nasa dulong bahagi pa ang table na may order ng pagkain. Humakbang na siya bitbit ang dalawang order.