CHAPTER ONE
ARTHUR GARCIA
"Pag hindi mo ako binalikan Arthur! Magpapakamatay ako!" Malakas na boses ni Katrina sa kabilang linya.
Katrina is my possesive ex. Matagal na kaming hiwalay but she still want me. Napabuntong-hininga ako. Hindi ko maintindihan kung bakit sa tagal na panahong wala na kaming dalawa ganito pa rin ang siyang asal niya sa akin.
She'a acting weird. Nakalimutan niya na bang siya ang naunang magloko sa aming dalawa, pero sa pinapakita niya sa akin ngayon mukhang ako pa ang nagkamali sa kung ano man ang nangyari sa amin noon.
"Dont be paranoid Katrina!" aniya ko sa kaniya.
Bagamat walang galit sa boses ko alam niya ang nais kong ipahiwatig sa kaniya.
"Hindi ako nagbibiro Arthur! Pag hindi ka pa talaga bumalik sa'kin magpapakamatay talaga ako!" ulit nitong mas lalo kong kinainis dito.
"Do whatever you want to do! Matagal na tayong tapos hindi na kita mahal at hindi na kita kayang mahalin, Katrina!"
Pinindot ko end button ng cellphone ko.
Alam ko napangitngit na naman ito sa galit. The worst thing about Katrina ang pagiging nagger at pagiging possesive nito, na dala-dala pa rin ng dalaga hanggang sa mga sandaling hiwalay na kaming dalawa.
Napalingon ako nang may marinig akong pinong katok sa pinto si manang.
"Sir, may naghahanap ho sa inyo," bungad nito ng makapasok.
"Sino raw?"
Hindi ako nag-abalang magtaas ng tingin. Nanatili ang mga mata ko sa papeles na nasa harap ko. May mga kailangan pa akong gawin na importante kumpara ang alalahanin ko ang mga walang kwentang bagay tulad na lamang ng tantrums ni Katrina.
"Si Ellyse daw ho," sagot nito sa akin.
"Who's Ellyse?" nagtataka kong tanong kay manang.
Wala akong inaasahang bisita lalo na ang nangangalang Ellyse.
"Nag-a-apply daw hong yaya ni Ice," sagot nitong mas lalo kong pinagtataka.
Paano kami magkakaroon ng aplikanteng yaya ni Ice?
"Hindi ako naghahanap ng yaya ni Ice, Manang."
"Padala daw ng mommy niyo, Sir. May mga dokumento siyang hawak na nagpapatunay na kilala niya si Doña Cynthia."
Pagtataka ang siyang tingin na pinukol ko kay manang nang marinig ko ang pangalan ni mama.
"Papasukin mo," tugon kong walang emosyon dito.
"Masusunod ho, Sir."
Tumalima ito matapos magpaalam sa akin.
Pagtataka ang nararamdaman ko sa mga sinabi ni manang.
Lalo na sa pagbanggit nito ng pangalan ni mommy na wala akong alam.
"Another big problem," naibulong ko sa sarili ko.
"Sir!"
Nagtaas ako ng tingin sa isang babaeng biglang pumasok sa hinuha ko ito si Ellyse na sinasabi ni manang sa akin.
"Yes?" sagot ko rito--- hindi ko inabala ang sarili kong magtaas ng tingin. Wala akong oras sa kahit kanino ngayon dahil sa tuluyang pagsira ni Katrina ng araw ko.
"Ako ho si Ellyse anak po ako ng labandera ng mommy niyo sa Hacienda Fernanda sa Ilocos." Pagpapakilala nitong tuwid na nakatingin sa akin.
"Maupo ka," walang emosyon kong tugon.
"Thankyou ho."
Lihim kong pinagmasdan ang dalaga maganda ito kahit sa simple nitong suot na bestida, nakalugay ang makintab na mahabang buhok, maganda rin ang siyang kutis nito at idagdag pa ang balinkinitan nitong katawan.
"Anong sadya mo rito?" tanong kong walang pasubali pagkaupo nito paharap sa akin.
"Pinadala ho ako ng mommy niyo para sa anak niyong si Ice," direkta niyang sagot.
"Ice is independent and my mom knows that he is not looking for a nanny."
"May malaki kasing utang ang nanay ko sa mommy niyo at napagkasunduan nila na pagtratrabuhan ko ang utang na yon bilang yaya ni Ice."
"And, we dont need you," sagot ko sa kaniya.
"Sorry ho, Sir. Ine-expect rin ho ni senyora 'to. Pero wala na ho kayong magagawa nakapirma na po kami ng kontrata," tugon nito sa akin.
"Contract for what?" tanong kong punong-puno ng pagtataka sa kaniya.
"Na aalagaan ko si Ice hanggang sa malaman niya na patay na ang totoo niyang mga magulang."
"How did you know everything? Huwag mong sabihin sa'kin nagawa ng mommy ko ipagkatiwala sayo ang lahat ng 'yan."
Labis na pagtataka ang nararamdaman ko sa mga sinabi nito. Paano nagawang ipagkatiwala ni mommy ang tungkol sa lihim na pagkatao ng kinikilala kong anak.
Hindi kaya budol-budol ang isang 'to?
"Malaki ang tiwala ng mommy niyo sa mga magulang ko and I want you to trust me hindi ho kami masamang tao," pagmamatigas nito, nakuha pa talagang makipagtitigan sa akin.
"I want to talk to my mom first, Lady."
"It's okay, Sir! Kayo ho ang bahala."
Ngumiti ito nakita ko ang dalawang biloy na meron ito sa magkabilang pisngi niya, mas lalo yatang naging maganda ang awra nito para sa akin. But no, hindi ko pa rin isasaalang-alang ang kaligtasan ng anak kong si Ice, kahit gaano pa ito ka-cute habang nakangiti sa harap ko.
I dialled my mom number to make sure na sa kanya nga galing ang dalagang nasa harap ko.
"Arthur, Anak."
"About Ellyse, Ma?"
"Oh. Nandiyan na pala si Ellyse nagkita na ba kayo Anak? Nakita niya na ba ang apo ko?" sunod sunod na tanong ni mama sa akin pagkasagot niya sa tawag ko.
"So ikaw nga nagpadala sa kaniya?" kumpirmadong may kinalaman nga ang sarili niyang ina sa biglaang pagdating ni Ellyse sa bahay nila.
"Yes, Son. Mabuting tao si Ellyse and I'm sure na aalagaan niya ng sobra si Ice."
"But Ice dont need a company of someone else, Ma."
"Magulo na ang siyudad, Arthur. Hindi ko kaya na nag-iisang lumalaki ang apo ko na walang ibang umaalalay sa kaniya. Besides hindi mo na siya kayang maasikaso dahil diyan sa pagiging piloto mo. You're always not there para sa apo ko."
"But Ma!"
"Buo na ang desisyon ko, Anak. Nakapirma na ng kontrata si Ellyse and I assured you nasa mabuting kamay si Ice."
"Okay! But once na may makita akong mali sa actions ni Ice dahil sa kaniya. I'm sorry pero ipababalik ko siya diyan sa Hacienda."
"Masusunod, Anak. Ikamusta mo ako sa apo ko mag-iingat kayo Arthur. Bye."
Pinindot na nito ang end-button. Hindi man lang hinintay na makapagpaalam ako sa kaniya. Muli kong tinapunan ng tingin si Ellyse, tingin ko mas lalong gumanda ito sa ngiting pinamalas niya sa akin.Gustuhin ko man ngumiti sa kaniya, I dont have too.
"Tanggap na ba ako, Sir?" may ngiti sa labing tanong nito.
"Maaari ka nang lumabas."
"Saan ko makikita si Ice?"
"Nasa taekwondo class siya mamaya pa ang dating niya."
"Thankyou, Sir. See you around."
Tumalikod ito at tuluyang lumabas ng pinto--- sinundan ko ng tingin ang dalaga. Hindi ko alam kundi may isang bahagi ng nakaraan ko ang siyang nagpapaalal sa kin, nang mataman kong tinitigan ang mga mata niya kanina.
Parang pamilyar siyang hindi ko maintindihan. Napalunok ako dala ng ala-alang kinalimutan ko na sana.
Muli kong binalikan ang scheduled ng flight ko sa mga darating na linggo. Napabuntong-hininga ako halos international flight ang lahat ng destination ko; una sa Hongkong sunod sa Taiwan.
"How can I give some time to my son Ice kong laging wala ako sa tabi niya," tanong ko sa sarili ko.
Napatingin ako sa nakangiting larawan ni Ice.
The kid is not my son. Pero mula ng iwan siya ng mga magulang niya sa harap ng bahay namin. I'll accept him na parang sa akin at tinanggap siya ng buo kong pamilya na parang mula sa pamilya namin galing---lalo na ni mama. Ice don't know everything at wala kaming balak pang sabihin sa kaniya ang lahat.
ELLYSE RENOLLA
"Daddy.. I'm home we are home daddy." Nagtitimpla ako ng kape ng marinig ko ang isang matinis na boses na nagmumula sa malawak na sala ng mansyon ng pamilya Garcia.
"Daddy, Ice is here daddy.."
Agad akong tumalima para makita ang nagmamay-ari ng matinis na boses na alam ko walang iba kundi si Ice.
"Hi…" bati ko sa napaka-cute na batang naka taekwondo outfit pa.
"Who are you?" nagtatakang tanong nito.
"I'm Ellyse, and you're Ice right?"
Tumango-tango ito hindi man lang siya tinapunan ng ngiti.
"Where is my dad?" ilang sandaling tanong nito sa akin pinaikot ang tingin sa malawak na sala.
"Nasa library ang daddy mo," sagot kong hindi nawawala ang ngiti sa labi ko.
"Can I disturb him?"
"Of course naman. Anak ka niya eh."
"I think no. My dad dont want me to disturb him if he is in the library, Ellyse," matalinong sagot nito.
Bahagya akong natawa the way he called me.
"Alam ko na i-pagtitimpla nalang kita ng milk."
"No, I don't want."
"Ha? Eh ano ang gusto mo?"
"I want to play with you."
"Play with me?"
"I want to play of my friend's play."
"Anong laro naman."
"Uhmmm..." Nagkunwari itong nag-isip.
"Alam ko na they called it bahay-bahayan," masayang bigkas nito.
"Ice, you're here..."
Sabay kaming nag-taas ng tingin sa taas ng hagdan.
"Yes! Bahay-bahayan ikaw ang mommy si daddy ang daddy."
Napalunok ako sa malakas na suhestyon ni Ice. Napatingin ako kay Arthur na may matalim na tingin sa akin, samantalang si Ice makikitaan mo ng excitement sa gustong maging laro nito.
Napakagat-labi ako habang sa sulok ng mga mata ko nakikita kong pababa si Arthur.
"Yehey! Makikipaglaro na si daddy."
Tili ni Ice tili ng isang batang mukhang madalang makapaglaro ang isang magulang.
Hindi ko namalayang nasa harap ko na pala si Arthur.
"Can we talk?" Napatingala ako.
"Why you need to talk dad?" sabat ni Ice.
"Pag-uusapan namin kong paano maging mommy at daddy sa gusto mong laro, Ice," sabat ko kay Ice.
Muli akong napatingin kay Arthur mas lalong nanlisik ang mga mata nito.
"Yey, okay! Take your time mommy daddy..."
Hinila ako ni Arthur pabalik sa kusina maingat na sinirado ang pinto at muli akong binalikan.
"Narinig mo ba ang sinabi ko kanina?" may galit sa boses niyang tanong sa akin.
"Anong sinabi?" patay malisya kong tanong pabalik sa kaniya.
Yumuko ang ulo nito para magpantay kaming dalawa. Amoy na amoy ko ang mabangong hininga nito.
"Teka lang! Kiss agad? Magiging nanay at tatay pa nga lang tayo. Ikikiss mo na agad ako? Aba! Naman daddy, di naman pwedi yon," pagbibiro ko para mabawasan ang tensyong nararamdaman ko ng mga sandaling iyon.
Mahigpit akong hiniwakan nito sa balikat akala ko pa naman matutuwa siya sa biro ko at hindi naman siya lugi pag magpractice siyang halikan ako.
"Aray!"
"You're not funny! Yaya ka lang ni Ice lumugar ka sa dapat mong kalagyan, Ellysse!" galit na galit niyang sabi sa akin.
Para akong nasampal ng mag-asawang sampal ng mga pagkakataong yon pero ako si Ellyse at hindi ko ipapakita sa kaharap ko ang damdaming nararamdaman ko.
"Heto naman! Napakaseryoso, eh. Wala naman akong balak halikan ka lugi naman yata ako pag nagkataon dalaga ako. E, ikaw?" Naramdaman kong dumiin ang pagkakahawak nito sa braso ko.
"Idiin mo pa hindi pa masyadong masakit eh!"
Hiindi ko na matiis muli kong sinalubong tingin nito.
"Tinanggap kita dito dahil sa kagustuhan ni mama at hindi dahil gusto ko or ni Ice kahit na ano mang oras kaya kitang palayasin sa pamamahay ko kaya umayos at lumugar ka naiintindihan mo!"
Binalya nito ang braso ko at muling tumalikod na hindi man lang ako pinagbigyan ng pagkakataong magsalita.
"Ellyse!" Si Ice tanging ulo lang ang nakalabas sa pinto.
"Why my dad is mad?" inosenteng tanong nito. Walang alam sa mga pang-iinsulto nitong binato sa akin ng magaling niyang ama-amahan. Napaupo ako para magpantay kami ni Ice.
"Kasi may biglang tumawag sa phone niya nagkaproblema raw sa opisina," pagsisinungaling ko.
Napalingon ito sa pinto kong saan lumabas ang daddy nito.
"He is not mad at me right?"
Umiling-iling ako hinawakan ko ito sa magkabilang braso.
"Ice, kailanman hindi magagawa ng daddy mo magalit sayo anak ka niya eh, little boy ka niya mahal ka ng daddy mo."
Ngumiti ito sa akin bigla kong naramdaman na wala akong dahilan para magalit, lalo na kay Arthur na nagpalaki sa bibong batang nasa harap ko.
"Alam ko na bibihisan nalang kita tapos tayo nalang maglalarong dalawa."
"But how can we play bahay-bahayan kong walang daddy, Ellyse?" Ngumiti ako.
"Pwedi yon sa totoong buhay nga daddy mo lang ang meron ka 'diba? Wala kang mommy pero nagampanan ni daddy yong pagiging mommy at daddy kaya sa laro natin gagampanan ko rin ang pagiging mommy at daddy sayo. Owright?"
Ngumiti ito sa akin. Ngiti na parang matagal na kaming magkakilala.
"You're smart I like you, Ellyse." Natatawa kong ginulo ang buhok nito.
"I like you too, Ice." Tumayo ako inabot ko ang kamay ko sa kanya na agad niyang tinanggap. Magkahawak kamay kaming umakyat sa taas sa silid nito.
ARTHUR GARCIA
Binalya ko ang isang makapal na magazine sa dingding ng library. Hindi ko gusto ang pinakita at mga sinabi ni Ellyse.
I call my mom para muling ipabalik ng hacienda ang babaeng biglang sumulpot sa pamamahay ko.
"Hello, Arthur," bungad ni mama.
"Ma, she is not okey."
"Who?"
"Si Ellyse.. She is not okey she is crazy, Ma!"
"Anak, magpreno ka naman sa mga binibitiwan mong salita Its not good for you Arthur. Bata ka pa para magka-maintenance," pagbibiro ng mama ko alam ko.
"Ma, I'm not kidding! Sa ayaw at sa gusto mo ipapabalik ko siya sa Hacienda."
"At sa ayaw at sa gusto mo rin mananatili siya sa tabi ni Ice hanggat di ang apo ko ang aayaw sa kanya, Arturo."
"But Ma!"
"Tapos na ang usapan."
Pinindot na nito ang end-button. Kinuha ko ang basong nasa desktop table ko. Hindi ko namalayang nabasag na pala ito sa higpit ng pagkakahawak ng kamay ko sa sobrang sama ng loob na nararamdaman ko---dahil pakiramdam ko pinagkaisahan ako ng lahat. Naramdaman ko ang mainit na likidong dumadaloy mula sa kamay ko tsaka ko lang binitiwan ng mapansin ang dugong tumulo sa sahig mula sa sagot sa kamay ko dahil sa nabasag na baso.
ELLYSE RENOLLA
Sa may gate kami naglaro ni Ice. Marami siyang pinakitang laruan sa akin na ayon sa kaniya binigay ng daddy niya everytime dumadating ito galing sa iba't ibang bansa bilang piloto.
"You know mommy I want to be like my dad. I want to be Pilot too."
"Talaga? Magpapalipad ka rin ng airplane?"
"Yes, but not only that I will keep my passenger safe for their destinations like of my dad said."
Nakaramdam ako ng paghanga kay Ice lalo na kay Arthur sa ginawang pagpapalaki nito mag-isa sa anak nito.
Sabay kaming napalingon ng makarinig ng doorbell agad na tumakbo si Ice sa gate nagmadali akong sundan ito.
Isang lalaki ang dumating sinipat ko ito ng tingin gwapo, matipuno, maputi at matangkad rin tulad ni Arthur.
"Tito Noriel," narinig kong tawag ni Ice agad niya itong niyakap pagpasok ng bagong dating natigilan ako baka pamilya nila naisip ko.
"Hi, little boy," bati nito kay Ice. Ginulo nito ang kulot na buhok ng bata. Tuwang-tuwa si Ice nakangiti akong nakatingin sa kanila habang nag-aaktong nagsusuntukan.
"Galing na ah!"
"Yes naman po," mayabang na sagot ni Ice rito. Nalipat ang tingin sa akin ng tinawag nitong Noriel.
"May bisita pala kayo.." Narinig kong sabi niya.
"Yes. She is Ellyse but for now in our play she is my mom," pagpapakilala ni Ice.
Kumuway akong nakangiti sa kanya tanda ng pagbati sa bagong panauhin.
"Hi!" Nakangiti rin nitong bati sa akin.
"And great since wala akong daddy ikaw nalang muna, Tito Noriel busy kasi si daddy eh..."
Pakiusap ni Ice dito ngumiti ito ng maluwag nakaramdam ako ng hiya sa suhestiyon ng bata.
"Ofcourse, littleboy. Anytime I can be your daddy."
"Ayan mommy complete family na tayo," baling ni Ice sa'kin pilit akong ngumiti habang si Noriel ngiting-ngiti sa akin.
"Noriel!"
Narinig kong boses sa likuran ko si Arthur.
"Arthur, Bro."
Dumaan ito sa harap ko para salubungin si Arthur sumunod si Ice.
"What are you doing here?" narinig kong tanong ni Arthur.
"Daddy, Tito Noriel is my dad now in our play and my mom is Ellyse. We are happy family dad," sabat ni Ice napakagat-labi ako.
'Patay na naman' naisip ko.
"Ellyse, ikuha mo kami ng maiinom!" Matigas nitong utos.
Taas nuo akong lumingon hindi sinasadyang napatingin ako sa kamay niyang may bahid na tuyong-dugo. Walang paalam kong hinawakan ang braso niya.
"Anong nangyari sa kamay mo?" puno ng pag-aalalang tanong kong ikinatingin sa akin ni Noriel at Ice.
---