My fake wife 2 Falling star

1227 Words
CHAPTER TWO ELLYSE RENOLLA Pabalyang binawi ni Arthur ang kamay niya mula sa'kin. "Ang sabi ko ikuha mo kami ng maiinom!" ulit nito sa harap ko. Nanatiling matalim ang tingin sa gawi ko. "Sagutin mo muna ako anong nangyari sa kamay mo?" muli kong tanong sa kaniya puno ng pag-aalala walang pakialam kong anong galit na pinapakita ng mata nito at wala akong pakialam sa pag-aalang pinapakita ko sa harap niya. "Yes, Dad! What happen to your hand?" sabat ni Ice nang mapansing may bahid ng dugo ang damit nito. "Oo nga naman pare bakit may sugat ka?" tanong ni Noriel sa likuran namin. Napatingin ako sa mga mata nito naghihintay ng sagot sa tanong naming tatlo. "Leave us alone, Ellyse!" maawtoridad na utos ni Arthur. Lihim akong napakagat-labi sa gusto nitong mangyaring mawala ako sa paningin nito. "But daddy she is my mom," sabat ni Ice may lungkot sa boses nito. Kasabay ang paghawak nito sa kamay ko. Nagbaba ako ng tingin kay Ice. "Ice may gagawin lang si yaya..." Lumuhod ako paharap dito walang magawa sa gustong mangyari ng lalaking nasa harap ko. "No. You're my mom. I want you to stay right beside me," spoiled na sagot ni Ice sa'kin. Nagpalipat-lipat ako ng tingin sa dalawang binata sa harap namin. Sa mukha ni Noriel na natutuwa kay Ice at sa mukha ni Arthur na gustong gusto na akong lamunin ng buhay. "Ice dont be hard headed little boy. I want her to leave us!" mahinang saad ni Arthur. Naramdaman kong hinawakan ako ng mahigpit ni Ice. "Ice sa kusina lang ako," pakiusap ko dito pilit na ngumiti trying to convince him--- nang maalala kong bago nga lang pala ako rito sa bahay nila. "No. You're my mom you will stay here, Ellyse," pagmamatigas nitong tanggi. "Ice pag sinabi kong iiwan tayo ni Ellyse. Iiwan niya tayo sa ayaw at sa gusto mo!" May kalakihang boses ni Arthur. Naramdaman ko ang lalong paghigpit ng pagkakahawak ni Ice sa akin. "Dude! Relax," narinig kong suway ni Noriel dito. Muli kong naramdaman ang higpit na pagkakahawak ni Ice sa kamay ko. Napatingin ako sa mata ng batang nakikiusap. "Ice let her to leave," muling utos ni Arthur. "Ice mamaya na tayo maglalaro ha. May inuutos si SIR kay YAYA!" muli kong pakiusap sa bata. "No!" Matigas pa ring tanggi nito sunod-sunod na umiling. Trying to stop me. "Ice let her please!" aniya ni Noriel. Nagtaas ako ng tingin kay Noriel nagpapasalamat sa pagtulong nitong hayaan ako ni Ice. Tulad ng gustong mangyari ni Arthur. "No. I want her to stay beside me she is my MOM!" matigas pa ring tanggi ng bata. Nagulat ako nang biglang hilahin ni Arthur ang kamay ni Ice mula sa akin. "Listen Ice, Ellyse is not your mom! She will never be. We're not even blood related. Okay? Look. She is our nanny, our maid like Manang trining and Manang dedeng. She is not like us!" Napatayo ako sa mga narinig ko mula kay Arthur. Hindi makapaniwalang masasabi nito ang mga salitang 'yon sa batang walang alam sa dahilan ng galit na nararamdaman niya para sa akin. Napatingin ako kay Ice nakaramdam ako ng awa para sa batang gusto lang maramdaman na may nanay siya kahit sa laro lang alam ko. "So.. Let her to leave and don't let her to play with you again as your mom coz SHE IS NOT!!!" May diin ang mga huling salitang binitiwan nito. Nagtaas ako ng tingin para mapigilan ang luhang gustong kumuwala mula sa mga mata ko ng mga sandaling 'yon. Hinawakan ako ni Noriel sa braso. He is trying to stop me agad kong tinanggal ang kamay nito sa braso ko. "Excuse me! Sir," panimula ko tumayo ako. Hinarap siya pinaglipat ang tingin sa mga mata nito. "Alam ko naman kong ano ang papel ko dito sa bahay niyo! Yes! I'am nanny, katulong, yaya ng anak niyo but I think it's to much. Wala naman ho akong ambisyong maging nanay ni Ice in real life para ipamukha niyo sa akin ang lahat ng yan!" matapang kong sinabi sa kaniya. "Ellyse.. Relax!" awat ni Noriel. "Yaya, naman talaga ako eh. Alam ni Ice 'yon right Ice? I'am not her mom and I will not be his mom. Pero naman sana SIR! Kahit sa simpleng laro lang hayaan niyo naman magkaroon ng nanay anak niyo." Hindi ito nakasagot sa'kin at sinamantala ko ang pagkakataong 'yon. "Kahit sa laro lang hayaan niyo naman sanang maramdaman niya na may isang nanay na handang magmahal sa kanya! SIR!" tumalikod ako mula sa mga ito. Hindi na nakuhang magpaalam sa galit na nararamdaman ko. "Mommy," narinig kong tawag ni Ice na di ko pinansin. Napahinto ako sa pinto at tuluyang kumuwala ang luhang kanina pa gustong magbagsakan. "Gwapo sana! Napakayabang naman!" bulong ko sa sarili ko bago tuluyang pumasok sa servants-quarter. --- ARTHUR GARCIA Malalim na ang gabi hindi pa rin ako makatulog hindi pa rin mawala sa isip ko ang namagitang sagutan sa amin ni Ellyse. Napatingin ako kay Ice---mahimbing na itong natutulog sa tabi ko. "I'm sorry son! I become bad to Ellyse." May pagsisisi kong naramdaman mula ng insultuhin ang papel nito sa buhay naming dalawa ni Ice. Tumayo ako nagpasya akong magpahangin sa rooftop. Iyon ang kailangan ko siguro para mabawasan ang galit na nararamdaman ko na hindi ko alam kong para kanino. `` ELLYSE RENOLLA Kanina pa ako sa rooftop. Tahimik na pinagmamasdan ang maraming bituin sa kalangitan tiyak wala itong pag-asang umulan naisip ko. Nang ilang minuto pa naramdaman kong bumukas ang pinto tumayo ako sa pag-aakalang si Nana Dedeng, para sunduin na ako pero laking gulat kong si Arthur ang dumating. Nakaramdam ako ng takot ng napatingin ito sa'kin blangko ang mukha wala na ang galit na kanina lang parang kakainin na ako ng buhay. Kinuha ko ang news paper na inuupuan ko. Kailangan ko ng makaalis sa lugar na 'yon at baka muling maulit ang sagutang nangyari sa aming dalawa. Umiwas siya ng daan. "Saan ka pupunta?" napahinto ako ng marinig ko ang tanong niya. "Matutulog na," malamig kong sagot sa kaniya. "Alam mo bang madalas akong nakakakita ng falling star dito," sabi niya. "Marami rin sa hacienda n'on at kong sasabihin mong nagkakatotoo ang hiling mo sa bawat falling star na nakikita mo nagkakamali ka," sabat ko sa kaniya. "But mostly natutupad din. Right?" Napangiti ako wala yatang toyo ang senyorito at nakuhang makipag-usap sa'kin. Hindi ko napigilang harapin siya. "Pero ayaw na ayaw ko nakakakita ng falling star," sabi ko sa kaniya. "Bakit naman?" "Sila kasi yong mga nahuhulog na nawawala nalang agad dahil walang sumasalo," seryoso kong sagot sa kaniya. Bahagya siyang natawa at unang beses kong nakita yon mula sa kaniya pakiramdam ko sobrang swerte ko kesa sa mga taong nagkakatotoo ang wish pag nakakakita ng falling star. "But what if maging falling star ka? Tapos mahulog ka pero di ka sinalo agad. Mawawala ka ba agad at 'di na muling makikita pa, Ellyse?" Napalunok ako ng sunod-sunod sa tanong nito. Tanong na sana magkakatotoo na ako ang maging falling-star at sa at sa kaniya ako mahuhulog. Dahil pag nangyari iyon kahit hindi niya man ako saluhin agad. Mananatili akong sa tabi niya. Hanggang siya ang maging falling star at sa akin siya mahuhulog dahil agad-agad ko siyang sasaluhin at hindi na hahayaang muling mahulog pa sa iba. ----
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD