My fake wife 3 FIRST KISS

1063 Words
CHAPTER THREE ELLYSE RENOLLA Nagkatinginan kami bahagyang natawa sa isa't isa. "Matutulog na ako," paalam ko kay Arthur. "Can we stay for a while?" pakiusap nito sa akin. Hindi ko inaasahan dahil sa naging sagutan namin kanina lang. Bahagya akong natawa at wala sa sariling tumango. Nagpatiuna siyang umupo---ganoon din ako malayo mula sa kaniya. "Ellyse.." tawag nito sa pangalan ko. "Bakit?" tanong ko sa kaniyang nag-aalangan. "Iyong tungkol kanina," panimula nito. Tumahimik ako kahit ang totoo naiinis akong ungkatin pa ang isang bagay na tapos na. "I'm sorry!" Napatingin ako sa kaniya. Totoo ba ang siyang naririnig ko? Hindi ko alam kong bukal ba sa loob niya ang paghingi ng sorry. Pero may bagahi ng puso ko ang nakaramdam ng tuwa---mabait din pala ang amo. "I did not want to hurt you," dagdag pa nito sa akin. "It's okay, Sir. Nasaktan mo ako nasaktan din kita. Nasaktan natin ang isa't isa. Let's forget it, let's move-on," may himig pagbibiro kong sabi sa kaniya. Hindi ko namalayang nakatingin na pala siya sa akin. Bahagya akong namula sa titig niya. Ni hindi man lang siya natawa sa biro ko. "Mas nasaktan kita! I'm really sorry..." Bahagya akong natawa sa pamimilit niyang sa aming dalawa siya ang nakasakit ng sobra. Maari nga, sa tanang buhay ko kasi ngayon ko lang narinig ang mga katagang iyon at hindi ko inaasahang sa kaniya manggagaling. Sa kwento kasi sa akin ni Senyora Cynthia, mabait naman siyang tao. Pumagitna sa amin ang isang mahabang katahimikan. "Can I go now? Naantok na ako maaga pa ako bukas." paalam ko. Nauna siyang tumayo nabigla ako sa biglang pag-abot ng kamay niya sa akin. "Sigi na. Tulungan na kita." He insisted. Tinanggap ko ang kamay niya para makatayo at agad ko ring binitiwan. "Thankyou.." aniya ko. "By the way, Ellyse. I'm leaving tomorrow." "Leaving? Aalis ka?" "Yes! I have international flight tomorrow until next weekend." Pagbibigay alam nito sa akin. Hindi ko alam kung bakit may lungkot akong naramdaman sa puso ko sa isiping aalis si Arthur. "Are you okay?" tanong nito pilit akong tumango. "Magiging LDR pala tayo?" wala sa sariling tanong ko sa kaharap. Narinig kong bahagya itong natawa. "Bakit?" "Sabi mo kasi magiging LDR tayo which is mean long distance relationship, right?" Napalunok ako sunod-sunod. Hindi akalain alam nito ang ibig kong sabihin. Gusto kong lamunin ng lupa ng mga sandaling 'yon. Sa kahihiyan sa mga sinabi ko sa kaniya. "Alam mo yong meaning?" Tumawa ng malakas si Arthur sa tanong ko. "I'm not born yesterday, Ellyse," sagot nito. Agad akong napahawak sa bibig ko at walang paalam na nagmadaling tumalikod sa sobrang kahihiyang sinabi ko. ARTHUR GARCIA Natatawa pa rin ako habang sinusundan ng tingin ang nagmamadaling dalaga. She is different classic but unique on her own special way. Nagagalit kung gusto niya magalit, natutuwa kung masaya siya and lastly parang batang ngayon lang nakaramdam ng paghanga. Napailing ako sa isiping humahanga siya sa akin. I don't want to think about it. Besides we are not young to feel that feelings. Nagpasya na akong balikan si Ice to spend more time sa anak ko bago ako umalis bukas--- alam kong matagal na naman kami magkikita dahil sa international flights kong ngayon ko palang sasabakan dahil madalas kuntento na ako sa domestic flights dito sa bansa. ELLYSE RENOLLA Hindi pa rin ako makatulog sa sari-sari kong nararamdaman: masaya kasi parang okey na kami ni Arthur, lungkot dahil sa sinabi niyang aalis siya bukas until next weekend and lastly hiya dahil sa sinabi kong magiging LDR kami. "Aba! Ellyse, kung ayaw mong matulog magpatulog ka!" Narinig kong suway ni Aleng Dedeng. Agad akong kinabahan at baka masungitan ako. Nagpasya akong tumayo at dahil sobrang ilap pa sa akin ng antok, naisipan kong sa labas na muna ako hanggang sa maramdaman ito. ARTHUR GARCIA NAGISING ako dahil sa alarm clock na nasa tabi ko alas-kwatro na ng madaling araw alas-otso ang flight ko papuntang Hongkong. Nagmadali akong bumangon kailangan kong maghanda para sa maagang pagpasok. Nagpasya akong bumaba para magtimpla ng mainit na maiinom ng mapansin kong may natutulog sa sofa. Dahan-dahan akong lumapit napakunot-nuo ako ng masino ko ito. "Ellyse? Ellyse!" mahina kong gising sa dalagang hindi ko alam kong bakit doon ito natulog sa sofa. Bahagya itong gumalaw at muling humilik ng mahina. "Ellyse. Wake-up lumipat ka sa servants," pag-gising ko sa kaniya. But she still closing her eyes at nasa mahimbing pa ring pagtulog. Tumingin ako sa taas maging sa paligid at baka may tao. Nang masigurado kong wala pinangko ko si Ellyse. Dadalhin ko siya sa silid namin ni Ice. Magaan lang ito dahil sa pagiging payat at maliit nitong babae tinabi ko ito kay Ice pagkatapos kumutan--- muli ko silang iniwan. Mag-aalas-cinco na. Tapos na akong magbihis nakasuot na rin ako ng damit ko pang piloto mataman kong pinagmasdan ang dalawa. Nasiyahan ako habang pinagmamasdan ko sila. Ice hug Ellyse while sleeping kinunan ko sila ng litrato tiyak matutuwa si Ice pag nakita ito. I check my things if everything is okay. Nang maramdaman kong gumising na si Ellyse. Kumukurap-kurap ang mga mata nito pinagmasdan ko siya ng hindi makapaniwalang katabi niya si Ice. "Goodmorning," nakangiti kong bati sa kanya. Ngumiti ito sa akin walang ganting bati. Bumaba ito sa kama-- agad akong nilapitan sa couch kong saan ako nakaupo. Yumuko siya para yakapin ako at pagkatapos hinalikan sa nuo. Napapikit ako sa naging asal ni Ellyse. Sa tingin ko nananaginip ito. "Goodmorning, daddy at sa baby natin," bati ni Ellyse na kinabigla ko pero nagbigay ng kakaibang emosyon sa akin. She still hugging me. Napalunok ako hinawakan nito ang magkabilang pisngi ko piningot ang ilong ko at nagulat ako sa huling ginawa ni Ellyse. She kiss me on my lips. Natigilan ako ng natigilan ito naramdaman kong napalunok siya at dahan-dahang lumayo mula sa akin. Nagtatanong ang mga mata binalik ang tingin sa natutulog kong anak at muling lumingon sa gawi ko. "Is it real?" hindi makapaniwalang tanong nito. "What?!" balik tanong ko sa kan'ya. "Oh my god!" Nagulat ako sa biglang pagtili nito--- agad na hinanap ang pinto. Nagmadaling lumabas ng walang paalam hindi makapaniwala sa mga ginawang hindi niya napaghandaan. "You make me smile Ellyse and thankyou. It's been a year," nakangiting totoong pag-amin ko sa sarili ko. Na ilang taon na rin ang lumipas ng makita ko ang mga ngiti ko. --
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD