Pia's POV Nakatulala lamang ako sa magandang tanawin sa harap habang nakayakap sa likod ko si Wage. Ewan ko ba rito at naisipan akong dalhin sa isang pribadong resort. Ang sabi niya sa akin, sulitin na daw namin ang ilang araw na magkasama ng kami lang dalawa dahil kapag bumalik na daw ang kambal eh hindi ko na naman daw siya mapapansin. "What are you thinking, sweetie?" tanong nito at isiniksik ang ulo niya sa gilid ng leeg ko. "You." nakangiting sagot ko at sumulyap ng kaunti sa kanya. Nakita ko ang paglapad ngisi nito at ang pagkagat nito sa kanyang ibabang labi. "Pwede bang kiligin? Tang ina. Bakit ba sa tuwing babanat ka pakiramdam ko para akong binudburan ng asin sa kilig." pagtatagalog nito kaya hindi ko maiwasang matawa. "Alam mo, minsan lang kita marinig ng diretso yung taga

