Pia's POV "Mooommmyyyy!" binitiwan ko muna ang hawak kong sandok nang marinig ko ang boses ni Ingrid. Nagtititili itong yumakap sa binti ko at kasunod noon ang pagpasok ni Wage sa kusina habang nasa balikat niya naman si Inigo. Hindi ko maiwasang mapailing sa nangyayari. "Wage! Pinapapagod mo ang mga bata. Magta-tanghalian na sinasabi ko sayo, kapag ayan nagsi-tulog huwag kang tatabi sa akin! Doon ka sa guest room matulog!" sita ko sa kanya at pinanlakihan siya ng mata. Napakamot na lang ito ng ulo samantalang humagikgik naman ang kambal. Isang buwan na ang nakalilipas simula ng maging maayos ang relasyon namin ni Wage at napagdesisyunan nga niya na dito na lang kami lahat tumira sa mansyon niya. Wala namang kaso sa akin iyon ngunit napansin ko na habang lumilipas ang mga araw, lalo

