Pia's POV Dalawang buwan na rin ang nakalilipas at unti-unti na ding lumalaki ang umbok ng tiyan ko. Naging maayos din naman ang naging takbo ng pagtatrabaho ko sa restaurant ni Yell at sa katunayan nga ay mas lalo pang napalapit ang loob ko rito. Madalas kasi ay niyaya ako nitong lumabas kapag day-off ko o hindi naman kaya ay kapag nababagot daw siya. Minsan nga ay hindi ako naniniwala sa mga dahilan niya dahil halata naman na gusto niya lang umiwas sa lalaking iyon. Hindi naman niya nakukwento dahil hindi pa daw siya handa. Ayos lang din naman sa akin dahil wala rin naman akong sinabi sa kanya tungkol sa tatay ng anak ko. Samantalang kay nila Mama naman ay wala na akong naging balita pa. Simula kasi ng gabing tumawag siya para sa bagay na iyon ay hindi na kami pa nagkausap. Mabuti

