Pia's POV
Maaga pa lamang ay tumayo na ako upang maghanda sa unang araw ng trabaho ko. Kauna-unahang matinong trabaho.
Hindi ko maiwasang mapangiti at haplusin muli ang impis ko pang tiyan habang nakaharap sa malaking salamin.
"Good Morning, baby. First day ni Mommy sa work ngayon kaya be good ha? Wag mo muna akong pahirapan para makapag-ipon ako para sa future mo. Love na love kita." mahinang usal ko at tinitigan ang aking sariling repleksyon.
Hindi ko maiwasang mapangiti ng mapait. Maganda naman ako ha?
Asul ang kulay ng aking almedras na mga mata, ang aking itim na buhok na umaabot hanggang sa aking dibdib, hindi nga lang katangusan ang aking ilong katulad ng iba at manipis na labi.
'Pero hindi mo kailanman mapapantayan ang ganda ni Bridgette. Huwag kang umasang baka mahalin ka niya. Ambisyosa.'
Napailing na lang ako sa mga kaalamang iyon na pumapasok sa utak ko. Kailan kaya maaalis ang kirot sa puso ko tuwing maaalala ko siya?
Paglabas ko ng apartment ay bumungad sa akin si Ate Cholita at malawak na nakangiti.
"Bebe girl! Good Morning! Ipinaghanda na kita ng baon mo. Alam mo na, baka magutom kayo ni Baby mo mahirap na. Ingat ka ha?"
Hindi ko maiwasang mapangiti at hatakin ito sa isang mainit na yakap.
"Maraming salamat, Ate. Kahit hindi tayo magka-anu ano ay inaalagaan mo pa din ako. Utang na loob ko ang lahat ng ito sayo." sinserong saad ko rito.
"Ano ka ba wala iyon, no. Ano pa at tenant kita, diba? Well, hindi nga lang ako ganito sa iba kasi alam mo na, may mga asawa na iyong iba kaya keribumbum na nila yun. O siya, gora na at baka mahuli ka pa." tinapik pa nito ang likod ko at nagpaalam na din ako.
Mabuti na lamang ay nakasakay din ako agad ng fx sa b****a at hindi traffic kaya mabilis akong nakarating sa restaurant.
Pagpasok ko pa lamang ay nakasalubong ko na agad ang babaeng ipinaglihi sa sama ng loob. Ano nga bang pangalan nito? Gardo? Gema? Germs? Gerry? Ay ewan.
Tinaasan ako nito ng kilay at tinignan pa ako simulo ulo hanggang paa. Tss. Nilagpasan ko na lamang ito at pumasok na sa locker room kung saan pwede na akong makapagpalit ng uniform.
Hindi na naman bago sa akin ang ganoong ugali. Sa kinahaba-haba ng taon ng magta-trabaho ko sa bar, normal na ang ganito. Nagmamaganda. Nagmamalaki.
Pagkatapos kong makapag-ayos ay lumabas na ako para makatulong sa pag-aayos bago magbukas ang restaurant. Sakto rin naman ay papasok pa lang si Ms. Yell.
"Good Morning everyone! Hi Pia!" lumapit pa ito sa akin at nakipagbeso-beso. Nailang pa ako sa kaalamang may mga iba pang empleyado na tiyak na nakatingin sa akin.
"I know you, Pia. Ivan is your brother, right? Wriella is your dear bestfriend." ngumiti pa ito ng pagkatamis tamis sa akin at naiwan naman akong tulala na nanlalaki ang mga mata.
"Ano tatayo ka na lang diyan? Feelingera ka naman ata. Kakaumpisa mo pa lang pero asta donya ka na." tinignan ko ang babaeng bisugo at tinaasan ito ng kilay.
"Huwag kang mag-alala hindi ako tutulad sayo. Nagmamaganda kahit wala namang ganda. Na ginamit ang koneksyon magka-trabaho lang." patuyang wika ko na at tumulong na sa pag-aayos.
Maayos naman ang naging takbo ng araw na ito. Mahirap man ngumiti ng ngumiti sa mga customer kahit may attitude ang iba pero masaya naman.
Magsasara na ang restaurant ng maisipan kong kausapin si Ms. Yell. Buong araw din kasing bumabagabag sa akin ang mga sinabi niya ngayong araw.
Hindi ko kasi maiwasang magtaka kung paano niya ako nakilala pati na din sila Kuya at Wriella.
Kumatok muna ako ng tatlong beses at pumasok na sa loob. Nag-angat naman ito ng tingin at nginitian ako.
"Hindi na po ako magpapaligoy-ligoy pa, Ms. Yell. Bakit niyo po ako kilala at ang mga konektado sa akin?" pinagsalikop ko pa ang dalawang kamay ko.
Sumandal ito sa kanyang upuan at binitiwan ang ballpen sa ibabaw ng mga papeles.
"How can I forget about you and them? Hindi ba at kayo lagi ang nagtatanggol at nakakalaro ko sa Iloilo tuwing pumapasyal kami doon?" sabi nito at nangalumbaba.
Bigla naman ako napatulala sa hangin at inalala ang mga bagay. Unti-unti ay nanlaki ang mga mata ko at napaturo rito.
"Bungi?!" bigla naman itong natawa at napailing.
"Sa lahat na lang ng maaalala mo eh iyong pagiging bungi ko pa. Ano ba yan." ngumuso pa ito kaya natawa ako.
"So, paano mo nalaman ang buo kong pangalan? Or should I say, paano mo ako nakilala? Halos labing tatlong taon na din noong huli tayong nagkita ha?"
"Well, when we stopped visiting my cousins there, I asked my parents to know your full names para naman makapagpasalamat ako balang araw. Hindi ko alam na dito lang pala tayo magkakakilala."
"Ganoon pala. O siya, uuwi na ako at gabi na. Bukas na lang ulit, bungi." ngumisi pa ako dito na tila ba nang-aasar.
"Sige, Baby tomboy uwi k--" natigilan ito at bigla na lang napatingin sa pintuan.
Paglingon ko doon ay nakita ko na naman iyong lalaki kahapon. Nakakunot ang noo nito na para bang pinaglihi sa galit.
"WHAT THE f**k ARE YOU DOING AGAIN HERE, MR. VALLEJA?!" napahampas pa sa lamesa si Yell nang matauhan siguro ito.
"Aalis na ako, bungi. Mag-uusap pa ata kayo ng lalaking espasol na ito. Bye." pang-aasar ko pa lalo dito at lumabas na sa opisina niya.
Nakangiti akong nagpalit sa loob ng locker room nang bigla na naman sumulpot sa gilid ko ang babaeng pinaglihi sa sama ng loob.
'Juice ko, baby. Sa mommy ka lang magmamana ha? Huwag sa mga unknown species na nakikilala ko.'
"Wow lang talaga ha? Ang kapal talaga ng mukha mo at nagpapalakas ka sa may ari ng restaurant na to. How desperate." pagpaparinig nito.
"How desperate, my face. It looks like na ikaw ang mukhang desperada sa ating dalawa. Ewan ko ba kung anong nasa mukha mo at talagang nakakapikon kaya please, lumayo layo ka sa akin." nagsisimula na akong naiirita sa mukha nito. Naku, ang baby ko ata nakakaramdam ng mga hindi magagandang presensya sa paligid.
"Ang kapal ng mukha mo!" kita ko ang pagkainis nito base sa reaksyon niya. Napangisi ako. Pikon pero siya ang una kung mambuysit.
"Sorry hindi naman ganoon kakapal ang mukha ko. Mas makapal kasi iyang kalyo sa mukha mo kumpara sa paa ko hindi ba? Alam mo, kung naghahanap ka ng mabubuysit, huwag ako." tinalikuran ko na ito at lumabas na ng restaurant.
Hindi ko mapigilang mapabuntong hininga at mapailing. Lumalabas na naman ang pagiging maldita ko ng dahil sa babaeng iyon.
Minabuti ko na lamang umuwi agad ng apartment at magpahinga.
Habang nakatitig na naman sa kawalan ay hindi ko maiwasang maisip ang lalaking iyon. Kahit ata anong gawin kong kalimot sa kanya ay talaga namang napakahirap kung siya pa din ang laman ng puso ko.
Pero sa bawat pagdaan ng mga araw na naiisip ko siya ay ganoon din kasakit sa puso lahat ng mga bagay na nangyari sa pagitan naming dalawa.
Para kasing nagpakatanga ako ng dalawang taon para sa isang relasyon na sa bandang huli ay sa basurahan lang naman ang patutunguhan.
Sumugal ako sa isang laban na wala man lang kahit anong sandata na maaaring protektahan ang puso ko. Na para bang hinayaan ko na lang na saksakin ako ng harap-harapan at tuluyan ng mamatay.
"Baby, pasensya ka na kung nagiging emosyonal si mommy mo ha? Ganito talaga ata kapag buntis, nag-iiba ang takbo ng utak." hinimas ko pa ang tiyan ko habang pinampupunas ang kabilang kamay sa mga luhang tuluyan ng tumulo sa mga pisngi ko.
Napasulyap ako sa cellphone ko nang magring iyon.
Napakunot ang noo ko nang makitang si mama ang tumatawag. May naging problema kaya? Sinagot ko naman ito agad habang umaayos ng higa.
"Anak?"
"Bakit, Ma? May problema ba? Kakahanap ko lang kasi ng trabaho baka hindi pa muna ako ---" pinutol nito bigla ang sasabihin ko.
"Anak, ayos lang kami ng kapatid mo. Sa katunayan nga eh... Ano... Ah... Anak? P-paano kung sabihin kong--" ako naman ang pumutol sa sasabihin niya.
"Na bumalik na ang magaling niyong asawa? Ano? Iniuwi na ba kayo sa malaking mansyon katulad ni kuya? Binilhan ng magagarbong gamit? Alam niyo ma, ayos lang sa akin iyon kung ikabubuti niyo naman pero sana isipin niyo na magpapakatanga na naman ba kayo sa lalaking iyan?"
"Paloma! Huwag mong pagsalitaan ang papa mo ng ganyan!" tinaasan ako nito ng boses at ramdam ko ang frustration nito.
"Papa? Ah! Buhay pa pala ang ama ko? Akala ko kasi ay sampung taon ng nakabaon sa libingan ang Papa ko. Hindi pa pala?" sarkastiko kong sagot rito.
"Hindi ko alam kung saan mo nakukuha ang mga ganyan mong sagot, Paloma at hindi ako natutuwa! Nagiging bastos ka! Ama mo pa din iyon at may dahilan siya kung bakit niya nagawa sa atin iyon! Makinig ka naman!"
"Wala akong panahon na makinig sa mga istorya niyang itinahi sa hangin. Hindi ko aaksayahin ang oras ko sa hindi importanteng tao. Sige na ibaba ko na to, Ma. Pagod na ako."
Napabuntong hininga na lang ako at napatingala sa kawalan. Bakit ba lahat sila ipinagpipilitan na kausapin ko ang lalaking iyon? Kahit anong gawin pa nila ay wala akong pakielam sa sasabihin o paliwanag niya.
Napatiim bagang na lamang ako at pinunasan ang mga luha sa magkabilang pisngi ko. Hanggang kailan ba ako iiyak para sa mga taong hindi naman karapat-dapat?
"Sorry baby ko kung naii-stress ka kay mommy kakaiyak ha? Keribels ko pa naman eh basta kapit ka lang. Mahal kita. Ikaw na lang ang meron ako kaya magpakatatag tayo, Okay?" hinaplos kong muli ang impis kong tiyan at tahimik na lumuha sa apat na sulok na lugar na ito hanggang sa nakatulugan ko na lamang.