Pia's POV
Dahan-dahan kong iminulat ang aking mga mata at puro puti lang ang nakikita ko sa paligid. Nasaan ba ako? Ano bang nangyari?
Napatingin naman ako bigla sa pinto ng magbukas iyon. Iniluwa doon si Ate Cholita na binigyan ako ng tipid na ngiti.
"Nasaan ako?"
"Nasa ospital ka. Isinugod ka namin dito noong makita kita sa eskinita na namumutla at hinimatay. Hay naku! Muntik na nga akong atakihin sa puso dahil sayo eh."
"Ganoon ba. Salamat."
"Pero girl! Congratulations nga pala ha! Magiging mudrakels ka na din like me! I'm so happy for you!"
Natigagal ako sa sinabi ni Ate Cholita. Pakiramdam ko ay tinakasan ako ng kaluluwa ko at unti-unting nauubusan ng hininga.
"A-anong sinabi mo?" nauutal na tanong ko sa kanya habang kumakapit sa kumot na nakatabing sa akin na para bang doon na lamang nakasalalay ang hininga ko.
"6 weeks pregnant ka na, bebe girl! OMG! Excited na ako for you!" pumalakpak pa ito at natutuwang hinawakan ang kamay ko. Hindi pa ito nakuntento at nagtatalon pa ito na para bang isang bata.
Hindi ko na naiwasan pa at nag-unahang tumulo ang mga luha ko sa magkabilang pisngi ko. Hindi ko malaman sa sarili ko kung anong mararamdaman ko sa kaalamang ito kung kaya't lalo na lamang akong napahagulgol.
Wala sa sariling hinaplos ko ang impit ko pang tiyan at napakagat ng labi. May bata sa loob ng sinapupunan ko.
"Uy Pia. Huwag ka ng umiyak at baka mabinat ka na naman. Delikado iyan para sa bata." pag-aalo nito at marahang pinisil ang kamay ko.
"N-natatakot ako.."
"Bakit naman? Hindi mo ba alam na isang biyaya ang magkaroon ng anak? Kahit gaano pa kasaya o kalungkot ang naging paggawa ng baby, dapat pa din tayong maging masaya at magpasalamat sa Panginoon."
Napatingin ako dito at kita ko ang pait sa ngiti ni Ate Cholita. Nagtataka ako ditong tumingin at pinunasan ang mga luha sa pisngi ko.
"Alam ko naman kasing may dinadala kang sakit sa dibdib mo. Napansin ko agad iyon kanina noong dumating ka sa lugar namin."
"Ganoon ba talaga kahalata ang pagiging miserable ko?" mapait kong wika rito at nag-iwas ng tingin.
"Hindi pero ganyan na ganyan din ang mga mata ko noong dumating ako sa looban habang nasa sinapupunan ko pa ang anak ko."
"Hindi mo kasi naitatanong pero hindi tinanggap si Cronus ng walang hiyang ama niya. Akala ng gago iba ang ama ng anak ko. Sira ulo talaga. Eh siya lang naman ang hinayaan kong maka-s*x ko. Masakit yun syempre kasi.. M-minahal ko siya. Ay ano ba yan!"
"Bakit? A-ano bang nangyari sa inyo?"
"Naku! Napaka-kumplikado! Kaya ikaw, bata ka pa. Kung ayaw ng ama niyan na tanggapin ka at ang batang iyan. Lumayo ka na para hindi ka masaktan. Minsan kasi kailangan mo talagang bumitaw para hindi na madagdagan pa ang sugat na mahirap paghilumin ng panahon." Nginitian ako nito na agad ko rin namang sinuklian.
"Kaya huwag ka ng umiyak. Kakayanin mo yan. I can be your kumare na! Ninang ako ha?"
Ilang minuto pa kaming nagkwentuhan nang magpaalam ito sandali para daw asikasuhin ang bill. Maya-maya rin ay dumating na ang doktor at pinaalalahanan ako sa pagbubuntis.
Sinabi lang nito na mag-iingat lang akong mabuti at inumin ang mga nireseta niyang gamot at umalis na din.
Napabuntong hininga na lamang ako at napatitig sa hawak kong papel. Nahihiya ako kay Ate Cholita. Bukod kasi na siya ang nagbayad ng bill dito sa ospital ay siya na din daw ang bahala sa gamot na irereseta sa akin ng doktor.
Naalala ko pa iyong sinabi niya sa akin.
"Dumating din ako sa puntong walang-wala ako. Bukod kasi sa wala na akong mga magulang ay hindi ko din kilala ang iba naming kamag-anak. Nagkayod ako ng walang tumutulong sa akin kaya alam ko ang nararamdaman mo. Ayokong matulad ka sa akin dahil napakahirap ng mag-isa. Ano pa at kumikita ako ng maayos ngayon kung hindi ako tutulong sa ibang nangangailangan diba?"
Napapikit na lamang ako at hinaplos muli ang aking tiyan. Hindi ko alam pero napangiti na lamang ako sa isiping magkakaanak na ako.
'Huwag kang mag-alala Little Miracle. Aalagaan at mamahalin kita higit pa sa kahit sino. Hindi ko ipaparamdam sayo na mag-isa ka at walang kakampi. Nandito ang mama para sa iyo ha? Pasensya ka na kung lalaki ka ng walang ama. Hindi ko kasi kayang ipagtabuyan ka din ni Wage eh. Mahal na mahal kita, baby. Kapit ka lang ha? Huwag mong iiwan si Mama.'
Ilang sandali pa ay pumasok muli dito sa kwarto si Ate Cholita at sinabing pwede na kami umuwi. Dahan-dahan pa ako nitong inalalayan kaya hindi ko maiwasang mapangiti.
"Maraming salamat, Ate ha. Wala pang 24 hours na magkakilala tayo pero heto ka at tinutulungan ako. Nakakahiya pa at ikaw ang nagbayad ng mga gastusin sa ospital."
"Ano ka ba! Ayos lang iyon no. Willing naman akong tumulong. Atsaka hindi pa naman ako ganoon katanda, kung maka-ate ka diyan."
"Ilang taon ka na ba?"
"32 lang ako, enebe. Ikaw ba?" hinawi pa nito ang kulay brown nitong buhok papunta sa kaliwang balikat.
"Baliktarin mo lang iyong edad mo. Ayun na yun." natatawang sagot ko dito kung kaya't natawa na din ito.
"Nasaan nga po pala iyong anak niyo?"
"Ah, pinabantay ko muna sa mga kumare ko tutal ay kulang na lang hingiin nila ang anak kong iyon. Napaka-gwapo naman kasi eh. Manang-mana sa ama." humagikgik pa ito kaya natawa na din ako.
Kung tutuusin ay maganda rin naman si Ate Cholita. Mahaba ang brown nitong buhok, bilugan ang mga mata at katamtaman ang kulay ng kutis. Pero mas matangkad nga lang ako kumpara rito. Aabot lamang siya sa may leeg ko.
Pagkarating namin sa looban ay agad naming nasilayan ang isang batang lalaki na naka-pajama na transformers at yumakap sa hita ni Ate Cholita.
"Good Evening, Baby C. Kamusta ang baby ha?" hinalik-halikan pa nito ang buong mukha ng bata. Humagikgik naman ng humagikgik ito. Hindi ko mapigilang mapangiti sa nakikita.
Napahaplos na naman ako sa tiyan ko. 'Don't worry, baby. Mas matinding pagmamahal pa ang ibibigay ko sa iyo.'
"Naynay! Hindi na po ko baby!" tumigil na si Ate Cholita sa ginagawa at binuhat na ito.
"Aysus! Hindi na daw pero naiihi ka pa din sa pants mo." tumawa pa ulit ang dalawa.
Kita sa mga mata ng mga kaibigan ni Ate Cholita ang saya habang pinapanood ang mag-ina. Siguro ay ganoon din ang itsura ko ngayon.
Grabe ang pagmamahal nila sa isa't isa at sa tingin ko ay walang kahit sino ang makapaghihiwalay sa mga ito.
Bigla naman napatingin sa akin ang bata at nginitian ako ng matamis. Hindi ko maiwasang hangaan ang kagwapuhan nito kahit bata pa dahil sa mga mata nitong kulay abo.
"Hello po!" bati nito. Kusang umangat ang kamay ko at hinaplos ang ulo nito.
"Hi, Cutie. Ikaw ba si Cronus?"
"Opo! I am mighty Cronus Lopez, the little king of Titans!" bibong sagot nito kaya natawa ako.
"Ay, ganoon ba? Kaya pala ang gwapo-gwapo mong bata." kinurot ko pa ito sa pisngi. I already adore this little kid.
"May crush na din po kayo sa akin? Naku! Hindi na po pwede madagdagan ang fans ko. Si Naynay lang po kasi ang mahal ko eh." sabi nito at inakap ng mahigpit sa leeg ang ina. Hindi pa ito nakuntento at hinalikan pa ang pisngi ni Ate Cholita.
"Ikaw talagang bata ka, kung anu-anong sinasabi mo. Mary, Jema, salamat sa pag-aalaga ha? Bukas na lang ulit tayo mag-chikahan at kailangan ng matulog ng mahal na hari." natatawang wika nito.
Nagpaalam naman ang mga kaibigan nito pati na din sa akin. Sinundan ko naman si Ate Cholita papasok ng tinutuluyan kong maliit na apartment at umupo sa isang monoblock doon.
"Pasensya ka na sa makulit na batang ito ha. Kung anu-anong lumalabas sa bibig. Nananalaytay talaga sa dugo eh."
"Ayos lang. Nakakatuwa nga siya eh. Ilang taon na ba siya?" sinulyapan ko pa ito na abala sa paglalaro ng kamay ng ina.
"6 years old na siya. Apat na buwan mula ngayon ay magbi-birthday na siya. Kaya nga hindi ko alam kung anong gagawin ko kasi syempre importante na mag-celebrate sa ganoong edad diba?" tumango naman ako bilang pagsang-ayon.
"Salamat talaga ha? Kung hindi dahil sayo baka napahamak na kami ng a-anak ko." mahinang wika ko at tipid siyang nginitian.
"Ano ka ba. Wala iyon no. Basta nandito lang kami for you. Huwag mo ng isipin pa ang ama niyang bata kung sakaling hindi niya matanggap. Tandaan mo, mas kailangan niyan ng ina kaya huwag kang susuko." sinsero nitong paalala.
Ilang sandali lang din naman ay umuwi na sila sa bahay nila na katabi lang din nitong inuupahan ko dahil nakatulog na si Cronus. Gabi na din naman kasi kung tutuusin.
Kasalukuyan akong nakahiga sa kama at nakatitig sa kisame.
"Grabe, baby. Hindi ko man lang naramdaman agad na nandyan ka na sa loob ng tiyan ni mommy. Bigla ka na lang nangsu-surprise at hindi nagpapakita ng hints."
"Alam mo ba, baby. Miss na miss ko na si Daddy mo pero walang modo iyon eh. Lagi niyang inaaway at sinasaktan si Mommy tapos lagi niya pa sinasabihan ng masasakit na salita."
"Kahit ganoon si Daddy kay Mommy, huwag kang magagalit sa kanya ha? Kahit ganoon iyon, ama mo pa din siya at k-kahit anong mangyari, dapat l-love mo lang din siya." tuluyan na akong napahikbi at napapikit sa mga sinasabi ko.
Ang sakit sakit pa din kasi eh. Dalawang taon ko siyang nakasama. Kahit papaano ay pinakitaan niya pa din ako ng maganda sa kabila ng trabaho ko.
Na kahit gaano man ako hinuhusgahan ng mga tao sa paligid ko ay mas pinili niya pa din akong pakisamahan.
Kaarawan ko ngayon pero wala man lang isang nakakaalam tungkol doon. Hindi ko maiwasang malungkot lalo pa at MIA na naman ang kapatid ko. "Missing In Action"
Day off ko pa man din sa bar pero wala naman akong maisip na gagawin. Simula naman kasi ng nag-ibang bansa ang nanay ko eh hindi na ako nakapag-celebrate ng birthday.
Wage calling..
"Hello?"
"Where are you?"
"Nandito lang sa bahay, bakit?" umikot pa ako sa kama at pinaglaruan ang punda ng unan ko.
"Meet me here at Eastwood. I'll give you an hour. Now." basta na lamang nitong binaba ang linya kaya napasimangot na naman ako.
Halos dalawang buwan ko na din itong kilala at tuwing tumatawag ito ay hihingi lang ito ng s*x. Well, ayos na din naman dahil kumikita naman ako ng pera kahit nakakawala ng dignidad.
Sino din naman kasing tatanggi sa lalaking iyon? Bukod sa napaka-gwapo nito ay mayaman pa. Full package na menos ang ugaling magaspang nito.
Napapailing na nagbihis na lang ako at umalis papunta sa Eastwood. Nakakatamad na nga umalis tapos maghahanap pa ito ng s*x. Aba! Namumuro ha.
Nakita ko naman agad itong nakita na nakasandal sa kotse niya habang nakapamulsa. Kapansin-pansin ang paglingon ng mga kababaihan dito na para bang kilig na kilig. Napairap ako sa mga ito dahil wala lang. Naiinis ako.
Napabuntong hininga na lang ako at lumapit rito.
"You're 2 minutes late, Sweetheart." bigla na lamang ako nitong hinapit sa beywang at binigyan ako ng mabilis na halik sa labi.
Napayuko na lamang ako upang itago ang pamumula ng pisngi ko at pagkabog ng dibdib ko ng mabilis. Marahan ako ritong lumayo at umubo.
"B-bakit mo ako pinapunta dito? Nandito ba si Bridgette?" nakakunot noo kong tanong dito at sumulyap sa paligid.
Well, noong isang linggo kasi ay nakipagkasundo ito sa akin na pagselosin ang taong mahal niya. Ex niya ito noong college siya at pakiramdam niya ay mababawi pa niya ito sa traydor niyang pinsan.
"No. We'll have our date in here. Thank you gift to be exact." nagkibit balikat pa ito at hinatak na ako papunta kung saan.
Bigla naman akong napahawak sa dibdib ko dahil ang lakas ng kabog nito. Ano ba? Ang landi landi mo puso ha! Wala lang ito no!
Una niya akong hinatak sa mamahaling restaurant ngunit agad ko din siyang pinigilan.
"Ayoko diyan. Hindi ako mabubusog! Ang mahal mahal pa pero ang konti ng serving." nakasimangot kong angal dito. Napailing naman ito at may sumilay na kaunting ngiti.
"Where do you want to go, then?" tanong nito at inakbayan pa ako.
"Una tanggalin mo muna iyang kamay mo sa balikat ko. Huwag kang feeling close. Kakakilala lang natin no. Gusto ko sa Mcdo. Masarap doon. Dali!" ako na mismo ang humatak dito papunta sa nakita kong Mcdo kanina.
Nang papasok na kami ay bigla na lamang ako nitong hinigit pabalik. Tinignan ko naman ito at kita ko ang pagsimangot nito.
"Ayaw mo ba dito?" nanghihinayang na tanong ko dito. Gusto ko kasi mag-celebrate dito ng birthday ko kasi lagi na lang ako sa karinderia ang kaso ayaw naman nito.
Hindi naman sa hindi pa ako nakakakain dito pero bihira lang kasi dahil nagtitipid ako. Kahit naman may pagkawalang hiya at walang modo ako eh may concern pa din ako sa mudrabels ko.
"I-its just that.." nag-iwas ito ng tingin at napapakamot ng batok.
"Ah alam ko na. Hindi ka kumakain sa ganitong lugar no? Bilis na! Try mo na! Promise masarap sa fast food." wala na itong nagawa ng pilitin ko siyang pumasok.
Hindi ko maiwasang mapangiti ng malapad dahil ang nasa mahabang listahan ko ng gusto ko sa birthday ko ay nabawasan.
"Good afternoon, Ma'a-- Hi Sir! May I have your number-- I mean your order po?" nag-ningning pa ang mga mata nito habang nakatitig kay Wage. Napikon naman ako kaya kumapit ako ng mahigpit sa braso nito.
"Ako ang oorder pero siya magbabayad kaya tigilan mo ang paglandi. Mahadera ka!" naiinis na wika ko dito kaya napapahiyang yumuko ito. Tumawa naman ng mahina itong nasa tabi ko kaya inirapan ko siya.
"Dalawang order ng McSpicy meal ha, yung may fries and large drinks! Tapos dalawang apple pie atsaka sundae! Isama mo na pati nuggets ala carte. Pati spaghetti, isang order lang." nakataas ang kilay ko dito.
Pumalad naman ako kay Wage at natatawa na itong magbayad pagkatapos ay siya na din ang nagbitbit ng tray ng mga inorder namin. Syempre ako nagdala nung isa pang tray dahil madami.
Nilapag ko lahat sa lamesa at hinati-hati kung kanino ang pagkain. Kita ko naman ang manghang tingin nito sa akin ng kagatin ko ng malaki ang burger.
"Problema mo." nabubulol ko pang wika habang kumakain. Ang sarap grabe!
"Babae ka ba talaga? Ang lakas mong kumain." naiiling nitong wika habang kumakain ng fries.
"Aba! Gutom na ako no! Alagay naman mag-pabebe pa ako. Atsaka masaya lang ako sa birthday k-" napatigil ako sa pagkain at nag-iwas ng tingin dito. Uminom na lang ako sa softdrinks ko at pinaglaruan ang straw.
"So, it's your birthday today? Bakit hindi mo agad sinabi?" nangalumbaba pa ito at kumagat na sa burger niya.
Tinitigan ko na lang ang ice cream ko na unti-unti ng natutunaw.
"Bakit ko naman sasabihin? Close ba tayo?" mahinang wika ko dito at kumain na lang ulit.
"Maybe we're not yet close but we can celebrate it together, you know." wika nito habang kumakain. Bakit ang gwapo ng lalaking to?
"Sus. Alam mo, infairness ha. Mabait ka pala kahit papaano. Akala ko kasi may sa demonyo ka eh." prankang wika ko dito.
"Maybe, I am. Especially on bed, right?" nakangisi ito sa akin at tinitigan ako simula mata hanggang dibdib.
Nag-iwas naman uli ako ng tingin at nagsimula na muling kumain. Pagkatapos namin maubos lahat ng binili namin ay napahawak ako sa tiyan ko habang naglalakad.
"Awiiee! Ang bigat ng tiyan ko. Grabe yung busog ko! Abot hanggang Mars, infairness!"
"Well, I can say na masarap nga yung mga pagkain but I prefer eating you." balewalang turan nito kaya nanlaki ang mga mata ko.
Naeeskandalong tinignan ko ito at hinampas ng malakas sa braso.
"Ang dumi-dumi ng bibig mong lalaki! Jusmiyo! Ikaw talaga napakabastos mo ha! Hindi ka na nahiya at nasa kalye tayo kung manghalay ka."
Tumawa naman ito at hinawakan muli ang kamay ko.
"Well, I really don't care. Where do you want to go aside from my pad?" sinulyapan ako nito at binigyan ng ngisi.
"Che! Gusto ko maglakad-lakad lang tapos picturan mo ako. Syempre sa cellphone mo gamit kasi tignan mo naman ang akin diba? Hahaha!" pinakita ko pa dito ang maliit kong cellphone na may goma pa sa itaas.
Nagulat ako ng hatakin na naman ako nito papunta sa isang store. Halos manlaki ang mga mata ko nang makita ko ang logo nito. Apple na may kagat.
"Good Afternoon, Sir." bati ng isang sales lady rito. May sinabi lang siya rito at iniabot na agad ang isang cellphone.
Pagkabayad niya roon ay hinatak naman niya ako sa isang telecom at binilhan ng sim card. Grabe siya. Pagkaayos ng lahat lahat at iniabot niya sa akin ang Iphone na iyon kaya nanlaki ang mga mata ko.
"Ayaw ko!" umiling-iling pa ako rito kung kaya't napakunot ang noo nito.
"Why?"
"Ang mahal mahal niyan, wala akong pambayad! Syempre ayokong makaltasan sa sweldo ko sayo no! Sayo na iyan!" iminwestra ko pa ang kamay ko rito bilang pagtanggi. Natawa naman ito at iniabot na ang cellphone.
"It's my gift to you. Birthday mo diba? Kaya tanggapin mo na iyan bago pa magbago ang isip ko."
Napatalon naman ako sa tuwa at inakap ito ng mahigpit.
"Hala! Thank you! Thank you talaga! Ang gwapo mo!" nang mahismasan ako sa tuwa ay nahihiyang lumayo ako dito at kita ko ang maaliwalas na ngiti nito.
"You're welcome, sweetheart. Come on, I'll treat you." pag-aaya nito at hinawakan muli ang kamay ko.
Hindi ko mapigilang mapangiti at binuksan ang logo ng camera sa cellphone. Pinicturan ko ang kamay namin na magkahugpong.
Habang namamasyal ay wala akong ginawa kundi kuhanan kami ng picture magkasama at kung anong makita ko.
Wala rin siyang ginawa kundi bilhan ako ng kung anu-ano at yayain ako kung saan-saan.
Halos kumpletuhin niya na nga ang nasa listahan ng birthday list ko sa mga nagawa namin sa araw na ito. Na para bang isa kaming normal na magkasintahan.
Ang saya saya ko ng araw na iyon. Pinakamasayang birthday ko iyon na ipinagpapasalamat ko sa Diyos. Sobrang saya na para bang isang panaginip na ano mang oras ay mapuputol.
At tama nga ako. Ng araw na din iyon ay nakita namin si Bridgette na kahalikan ang pinsan ni Wage.
Kita ko ang pag-igting ng panga nito at tumalikod. Iniwan ako nito. Iniwan ako nito na para bang kinalimutan lahat ng masasayang bagay na ginawa namin sa buong araw.
Ilang beses ko man itong tawagin ay ni hindi man lang ito lumingon. Hindi ko mapigilan maiyak at mapaupo sa gilid ng kalye.
Happy Birthday to me nga naman. Unang beses ko muling maging masaya matapos ang ilang taon sa kaarawan ko pero heto din pala ang magiging pinakamasakit na birthday ko.
Doon ko din kasi napagtantong nahuhulog na ang loob ko kay Wage Schneider. Na unti-unti ko ng inilulubog ang sarili ko sa kanya.
Siguro simula na ang kalbaryo ko bilang bedmate niya dahil alam kong masasaktan lang ako sa tuwing babanggitin niya ang taong tunay niyang mahal. Si Bridgette.
Well, We're just playmates on bed after all. Nothing special. As far as I know, no strings attached. just f**k and leave.
Ako ang uuwing talunan. Ako ang uuwing agrabiyado.