Nakatulala lang ako habang nakatingin sa kaniya. Nakagat ko na lang ang ibabang labi ko sa pagpipigil ng pagngiti.
Wtf! Hindi dapat ako papadala sa pinagsasabi niya. Magpapakasal na siya for Pete's sake.
Kumalas ako sa pagkakabuhat niya. Hindi naman niya ako pinigilan. I faced him and stared at him for a few minutes.
I want to ask him kung bakit siya nandito. I want to ask him kung bakit sa dinami-rami ng pwede niyang puntahan ay dito pa sa bar nila Micah.
He looked at me emotionless. Hindi mababakas ang kahit na anumang emosyon sa mukha niya. Na para bang hindi niya ako kilala.
"What are you doing here?" I asked him bago pa man ako maduwag sa pagtanong sa kaniya. Gusto ko siyang sumbatan. Gusto kong ipamukha sa kaniya na ako 'yong sinayang niya. Na siya 'yong nawalan at hindi ako.
He didn't answer me but just looked at me.
"What are you doing here?" I asked him again, baka sakaling hindi niya ako narinig sa una kong tanong.
But to my dismay he asked me the same question.
"How about you, what are you doing here Kassandra?" Puno ng pait na tanong niya. Sa pagbanggit pa lang ng pangalan ko ay damang-dama ko na ang sakit na nararamdaman niya.
I wanted to laugh on what I thought. Siya? Nasasaktan? The eff. Ako ang naiwan sa ere. Siguro nga ako ang nang-iwan nang walang pasabi pero siya 'yong hindi naghintay. Siya ang humanap ng iba habang ako, siya lang. Siya lang 'yong laman ng puso ko. Siya lang ang lagi kong iniisip.
We stared at each other. Walang sumubok na umiwas ng tingin. Ni hindi ko na nga magawa pang kumurap eh.
For three years na hindi ko siya nakita, lahat ng galit na itinanim ko sa dibdib ko ay parang naglaho na lang bigla. All I want to do is hug him. Kiss him. And tell him how much I missed him. But I can't. I can't do those things because he is not mine. Hindi na siya sa akin. Hindi na siya ang Jack na nagmamahal sa akin dahil pinili niya ang magmahal ng iba. Pinili niya ang saktan ako.
"Bakit ka pa bumalik?" Sa tanong niyang ito ay parang gumuho ang mundo ko. Napakasimple lang naman ng tanong niya pero napakahirap sagutin.
Parang gusto niyang hindi na lang sana ako bumalik. Ang sakit. Ang sakit-sakit isipin na gano'n ang iniisip niya.
I smiled at him. I will not let him see me cry. Ayokong makita niyang nasasaktan ako. Ayokong ipakita sa kaniya na may nararamdaman pa rin ako sa kaniya. Na hindi naalis ang pagmamahal ko sa kaniya kahit ilang taon na ang dumaan.
"This is where I belong. It's my home." I answered him. Kung wala siyang pinapakitang kahit na emosyon ay gano'n din ang ginawa ko. Hindi ako papatalo sa kaniya basta-basta.
Before he could utter a word, a sexy, gorgeous and sophisticated lady came. I swear, bigla akong naging tomboy nang makita siya.
"Hon, what are you doing here? Common, Nate's waiting for us." I bit my lower lip. Gusto kong matawa. Ang tanga ko. Ang tanga-tanga ko lang dahil iniisip ko na siya ang nawalan. Nagkamali ako. Ako ang nawalan, dahil siya may ipinalit na sa akin na napakaganda. Tipong hindi ko kayang talbugan.
The girl looked at me and she smiled. A genuine smile. Hindi niya deserve ang masaktan. Hindi ko kayang makita siyang masaktan dahil sa akin. Kung magbabalak man akong maghigante ay parang di ko kayang gawin dahil parang anghel ang babaeng ito.
Nanggagalaiti man ay sinubukan ko pa ring ngumiti sa kaniya. Mas lalo akong nakadama ng inggit. Ibang-iba siya sa akin. Hindi pwedeng maihalintulad sa akin dahil walang-wala ako sa kaniya.
Bago pa man tumulo ang kanina ko pa pinipigilang luha ay tumalikod na ako at walang pasabing umalis. Ang sakit-sakit sa puso. Akala ko wala na. Akala ko pag makikita ko siya kasama ang babae niya ay wala na akong mararamdaman dahil sa pagkamanhid ngunit nagkamali ako. Hindi ko kayang makita siyang masaya sa piling ng iba. Gusto ko akin lang siya. Gusto ko ako lang ang makakapagpasaya sa kaniya ngunit malabo nang mangyari 'yon.
Sinubukan kong bumalik sa loob ng bar upang hanapin sila Micah at Apple ngunit hindi na ako nakapasok pa nang makita ko sa loob sila Jack. Tinawagan ko na lamang ang dalawa at sinabing mauuna na ako pauwi. Hindi ko na kayang hintayin pa gg dalawang 'yon dahil panigurado namang nag-eenjoy pa sila.
Pagdating ko ng bahay ay iniyak ko lang ang lahat ng sakit at galit ko. Hindi ko man gustuhing masaktan ay parte na ito ng pagmamahal. Kung bibigyan man ako ng pangalawang pagkakataon at papipiliin kung magmamahal muli o hindi ay pipiliin ko pa rin ang umibig. Dahil kahit kalakip nito ang sakit ay nag-uumapaw pa rin ang kasiyahan na makasama siya.
Tuloy lang sa pagtulo ang luha ko. Grabe ang pagbuhos, dahil kasabay ng pagbuhos ng luha ko ay ang pag-ulan naman. Ngayon alam ko ng hindi ako nag-iisang umiiyak dahil kasama ko ang mga ulap.
"I need to let go." Naalala ko ang mga katagang 'yan na sinabi sa akin ng naging kaibigan ko sa Canada. Nagmahal lang din naman siya katulad ko pero dahil hindi niya kinaya ang sakit ay nagpakamatay siya.
Hindi ako magtataka kung magagaya ko siya pero sana huwag nang umabot sa gano'n. All I need to do is remove him. Alisin siya sa puso ko. I need to let him go. I need to find myself and live again without the pain.
Unang araw, unang gabi ko dito sa Pinas ay napakasakit na. Sana hindi ko na siya makita pa ulit. Hindi ko na kayang tignan pa siya sa mata dahil baka ako mismo ang bumigay. Baka magmakaawa ako sa kaniya na sana ay bumalik na siya sa akin. Na sana ako na lang ulit. Na sana ako lang, wala ng iba pa.
Lahat ng sakit ay nalimot ko ng sandaling makatulog ako. Paggising ko ay hindi muna ako bumangon sa aking higaan. Pilit inalala ang mga nangyari kagabi.
Halos sampalin ko na ang sarili ko ng maalalang nakita ko si Jack kasama ang bago niyang babae. ang dami-dami kong karibal sa kaniya. Ni hindi ko na mabilang ang mga ex niya. May ma'am Amy, ma'am Cindy, may Janine n tapos meron na namang bago. Aba, di porket gwapo siya ay magpakaplayboy na siya.
Bwisit! Hindi pa ako handang makipagkita sa kaniya ngunit nagkita na kami kagabi. Hindi pa ako gano'n kahanda dahil gusto ko kapag makikita niya ako ay magmamakaawa siya sa akin na magkabalikan kami pero baliktad ang nangyari. Parang ako pa ang mamamalimos ng pagmamahal.
I immediately went to my bathroom and did my daily routine. I need to find a job right now. Ayokong maburo na lang sa online business ko kasi baka siya lang ang isipin ko. I want to divert my attention to something new to prevent myself from thinking about him.
Pagkatapos kong maligo at makapagbihis ng matinu-tinong kasuotan ay nagmamadali na akong umalis ng bahay. Ni hindi ko pa nga nauunpack ang mga gamit ko pero heto ako naghahanap na agad ng trabaho.
I tried to pass my resume on almost 15 companies pero lahat sila ay we will call you ang sagot sa akin. Dala ng pagod ay nagpahinga muna ako sa isang cafe. Mukhang hindi ko na kasi kakayanin pang pumasok sa isa pang kompanya. Well, nasa harapan lang naman ng napakalaking kompanya ang cafe na kinaroroonan ko. Ang kaso ayoko pang magtry dito sa company na pinangalanang Jdf Group kasi nakakahiya naman kung bigla akong himatayin dahil sa pagod at gutom. And take note, it is one of the biggest companies here in the Philippines so hindi ako pwedeng papuchu-puchu na lang.
Lumapit na ako sa counter and ordered a frappucino and sliced cake. Kahit naman gutom ako ay medyo on-diet din kasi ako kaya patipid-tipid muna sa pagkain.
I find a seat and I was lucky to have a vacant seat sa medyo gilid. Well, punuan kasi ngayon dahil time for meryende na rin kasi. Buti na lang mayroon pa akong naupuan.
I waited for my order to come, while waiting, I looked at the building. Ang gara lang. Sobrang tayog, nakakalula sa taas. Well, the truth is, I want to be part of that company. Matagal na kasi itong kompanyang ito. Hindi ko pa alam ang kompanyang ito when I was studying here in the Philippines. Kasi medyo di pa maganda ang kalagayan nito but when I graduated, I heard that the company owner resigned and gave his position to his son. At mukhang maganda ang palakad ng anak nito dahil doon na nagsimulang makilala ang kompanya nila.
I want to work there kasi I want to prove that I can do everything basta posibleng magaw ng isang tao ha. Baka biglang ipatumba pa nila sa akin tong building eh di hindi ko kinaya, hay naku.
Masyado raw kasing mapili ang anak nito sa mga nagtatrabaho. Sadyang magagaling lang ang tinatanggap. So I want to try there para naman magkaalaman na talagang magaling ako tsaka grumaduate kaya akong with honors noh.
When my order arrived ay basta na lang din akong sumubo. Wala na akong pakialam kung may makakita pa man sa kababuyan ko. Hindi pa man ako nakakapangalawang subo ay may tumikhim na sa harapan ko.
I raised my head and saw a gorgeous chick. Kung hindi ako nagkakamali ay ito 'yong kasama ni Jack sa bar kagabi. Dafuq! What is she doing here?
"Can we seat here?" When I heard the word 'we' I start to panick. Mukhang kasama pa ng talipandas na 'to ang gago ah.
Hindi pa man ako nakakasagot ay umupo na 'to. I looked at her back, wala namang ibang tao. Wala siyang ibang kasama, I was relieved then.
She smiled at me and stared at me.
Nakakailang man ay gumanti na lang ako ng ngiti. Ayoko namang maging bastos sa kaniya noh.
"You look familiar." She started a convo. Mukhang iintrigahin pa ako ng bruha ha.
I just smiled at her and continued eating my oh-so-yummy ordered cake. Ni hindi ko na nga siya nagawang yayaing kumain dahil gusto ko ng umalis sa harapan niya. Ayokong nakakasalamuha ang ipinalit sa akin ng gago.
"Oh, you are the girl we met at the bar, right?" Mukhang di pa ata nakukuha ng bruha na ayokong makiusap sa kaniya ha.
I just shrugged my shoulder. I sip the frappucino. Halos di na nga ako makahinga sa pagmamadaling maubos ang kinakain ko eh.
I was about to lick, ay este eat the last bite of my cake when a man came. Well, not just a man. But the man who broke my heart. Damn.
Akala ko wala siya dito. Takte.
Tinignan niya ako at napatiim-bagang siya ng makilala niya na ako ito. I raised my eyebrows at him. Gusto kong singhalan ang gago at sabihing 'anong tinitingin-tingin mo? Pakyu ka!!!!!!'
Umupo siya sa tabi ni girl at hindi na ako muling tinignan. Shitters lang ha. Siya pa may ganang mang-isnob. Hays, I hate this day. Sana pala hindi ko na naisipang kumain dito at tumuloy na lang sa jdf group para mag-apply, eh di sana hindi ko nakita pagmumukha ng mga unggoy na 'to.
Nag-umpisa ng mag-usap ang dalawa habang ako ay nakatanga dito at nakatingin sila. Ano 'to, gaguhan lang? Hello, ako kaya ang nauna sa upuan na 'to, ba't parang ako pa ang nakiupo. Putik naman oh.
"Jacky, do you still remember her?" Sabay turo sa akin ni girl. Hindi ko kasi maalala ang name eh. Sorry na agad
Jacky? Wtf!!! Ang sagwa ng tawag niya sa kaniya ha. Pero mas okay na 'yon kesa naman sa babe, baby, honeybunch. Yuck lang.
Wow ha, parang di niyo natry ang babe na endearment ha? Sabi ng mataray kong utak sa sarili ko.
Tsss, matagal na 'yon. Wag mo ng ipaalala my brainy.
He just nods his head and continued what he's doing. Nakakairita sila.
Nakatitig lang ako sa kanila. Alam kong nakakabastos ang ginagawa ko dahil ang sama ng pagkakatitig ko sila.
At mukhang nananadya ang gago. Ni di man lang ako tapunan ng tingin habang si girl naman ay pasulyap-sulyap sa akin na para bang nahihiya siya sa akin dahil nakikita ko ang paglalandian ng dalawa.
Mga bwisit.
Lumapit pa si Jack kay girl at bumulong pa ito. Para namang binudburan ng asin ang ahas na babaeng to dahil kinikilig-kilig ito habang pinagpapalo sa braso si Jack.
Dahil sa pagkainis ko ay di ko na tinapos pa ang pag-inom sa frappucino ko dahil imbes na matamis ang malasahan ko ay kabitteran pa. Tumayo na ako at lumakad paalis.
Pagkalabas ko sa cafe ay halos gusto ko ng sumigaw dahil sa frustration na nararamdaman ko.
I just want to slap his face for ignoring me.
Uggggh!!!
Kahit na beastmode na ako ay tumuloy pa rin ako sa kompanya upang mag-apply ng trabaho. Ayoko namang sayangin ang oras at umuwi na lang at magmukmok dahil sa kalandian nila kaya susubok na lang ako sa pag-aaply kaysa sa ipagpabukas pa ito.
The guard caught me and asked me if what I am doing here.
Gago rin pala tong guard na 'to eh. Mukha ba akong pulubi? O kaya holdapper? Nakakabanas ang mga tao ngayon ha.
I smiled at him. The sweetest smile I could give.
"Kuya, mag-aapply po sana ako."
"Ay ganoon ba? Sige, pasok na iha." Pagkalagpas ko kay guard ay napasimangot na lang ako.
Dumiretso ako sa receptionist and asked her kung saan ba ang opisina ng CEO s***h owner of this company.
"Do you have an appointment ma'am?"
"Wala po. Mag-aapply sana ako." I answered.
She asked me to wait and she dialed on the phone.
Hindi ko alam kung sino ang kausap niya at kung ano ang pinag-uusapan nila, basta nakikita ko lang siyang tumatango-tango.
After the call, she faced me and told me the floor where the big boss is.
"Thank you." I said and bid my good bye.
Nagtungo na ako sa 28th floor at pagkarating doon ay isang opisina lang ang nakita ko. I can read from where I am standing the name of the CEO.
Halos malaglag ang panga ko sa natuklasan ko. Tangina! Bakit hindi ko naisip 'yon?
Jack Ian Dela Fuente
Chief executive officer
Jdf Group
......
-