XVIII

1528 Words
Ilang araw akong hindi makakain at hindi makausap ng matino. Araw-araw na akong napapagalitan nila mama dahil hindi ko na naalagaan ang sarili ko. Na baka imbes na si Dominic lang ang problemahin ay dumadagdag pa ako. Hindi ko naman kayang kalimutan na lang ang lahat-lahat kaya sa pag-iyak ko na lang nailalabas ang sama ng loob ko. Pagkatapos ng insidenteng 'yon, na kung saan ay nalaman kong may iba na siya at kinalimutan na ako ay hindi na ako nagbukas pa ng f*******: o kahit na anong social account ko. Gusto ko nang magmove-on sa sakit na nararamdaman ko kaya napagpasyahan kong sa araw na ito ay hindi na ako iiyak. Halos dalawang linggo rin kasi akong nagmukmok sa loob ng kwarto at hindi makausap ng matino. Itong araw na ito ang magsisilbing new life ko. I need to start again. Naisip kong dito ko na lang tapusin sa Canada ang pag-aaral ko pero nakakapanghinayang dahil konting buwan na lang sana ay makakapagtapos na ako. Hindi ko man makasabay grumaduate sila Micah at Apple ay proud na proud pa rin ako sa kanila. Minsan ko na lang din sila macontact dahil busy sila masyado sa pag-aaral. Dali-dali na akong gumayak at nagpunta na ng hospital. Ilang buwan na ring nakaratay doon ang kapatid ko. Wala pa ring progress pero sana magising na siya dahil miss na miss ko na ang kakulitan at kalokohan niya. I really miss him lalo na't over protective siya. Siguro kung gising lang siya ay baka nabugbog niya pa 'yong gagong 'yon dahil sa panloloko sa akin. Napangiti na lang ako ng mapait at sinabi na lang sa sariling hindi ko na dapat siya isipin dahil hindi naman na ako ang laman ng puso't isipan niya. Ilang araw, linggo, buwan at taon ang lumipas. Kung susumahin ay tatlong taon na akong nandito sa Canada. At ang good news sa pagstay namin dito ay nagising na ang kapatid ko at nakapagtapos na ako nang pag-aaral. Mahirap ang dinanas namin dahil muntikan nang mawala si Dominic dahil na rin sa kulang na ang pera namin. Ngunit laking tuwa namin at hindi siya basta sumuko kaya hindi kami nawalan ng pag-asa kaya't ngayon ay maayos na ang lahat. Isang linggo na lang ay babalik na kami ng Pilipinas. Paano ba naman ay magpapakasal na pala ang pinsan ko kaya kailangan naming umuwi. Ayoko na sanang bumalik pa sa bansang iyon ngunit wala naman akong magagawa dahil sa Pilipinas naman talaga kami nakatira. "Kassandra, you should pack your things." My mama told me. I almost rolled my eyes on what she said. "Mama, we still have one week. Bakit ba kayo nagmamadali?" Excited masyado tong si mama ah. She just shrugged and continued saying some things like 'we need to hurry' 'i-m so excited' 'i miss my amigas' and many more. Halos marindi na nga ako sa sunod-sunod na pagtatalak niya eh. Hinayaan ko na lang siya at itinuloy na ang ginagawa kong business. Online business I should say. Dahil tamad naman ako at wala pa sa isip ko ang mag-apply sa kompanya ay ito na muna ang pinagkaabalahan ko pero baka sa Pinas na ako mag-aattempt na mag-apply sa malalaking kompanya. Mabilis lumipas ang mga araw, hindi na namin namalayan, at heto na ang piunakahihintay nila mama, ang makauwi na kami sa Pinas. Kinuha ko na lahat ng gamit ko at isinilid na sa lagayan ng gamit. Konting oras na lang ay makakaapak na ulit ako sa lugar kung saan una at huli ko siyang nakita. Sa lumipas na tatlong taon ay wala akong naging balita tungkol sa kaniya. Iniwasan ko lahat ng taong malapit sa kaniya kaya hindi ko alam kung sila pa ba nung girlfriend niya o baka nga kasal na sila at may mga anak na. Hindi ko napigil ang sakit na dumaan sa dibdib ko. Kahit sabihin kong nakapagmove-on na ako ay alam ko naman sa sarili kong may nararamdaman pa rin ako sa kaniya. Hindi nga nawala eh. Nandoon pa rin 'yong pagmamahal ko sa kaniya ngunit may kasama ng galit. Umidlip muna ako ng ilang oras dahil mahaba-haba rin ang biyahe namin. Nagising na lang ako na pababa na ang sinasakyan naming eroplano. Hindi ko alam kung sino ang nagseatbelt sa akin. Paglanding ng eroplano ay halos magsisigaw si mama sa tuwa. Mahahalata sa mukha niya ang pagkamiss sa bansang kinalakhan namin. Hindi ko na rin naiwasang mapangiti. "Oh my G. Finally, I've been waiting for this to happen." Mama said. Eto talagang si mama, nanirahan lang sa ibang bansa, puro english na lang ang sinasabi. I called my friends as soon as we got home. Hindi na ako mapakali at sobrang excited na akong makita sila. Napagdesisyunan naming magkakaibigan na magkita-kita mamayang gabi sa bar na kung saan pagmamay-ari nila Micah. Mukhang hilig talaga niya ang bar kaya dito na siya nagtrabaho. Kahit na pagod ako ay hindi ako nag-inarte at umoo agad sa planong pagkikita mamaya. Gusto ko na silang makita. Miss na miss ko na sila. Nagpahinga lang ako saglit at nang mag6 pm na ay naghanda na ako dahil 8 pm ay susunduin na nila ako dito sa bahay. Kaya lang ako susunduin ng mga yon ay dahil si Dominic talaga ang namiss nila. I'm sure maglulupasay si Micah pag makikita niya si Dominic. Dati kasi nung ibinalita ko ang nangyari sa kapatid ko ay nag-iiyak siya at nagpunta pa ng Canada to visit Dominic. Hindi rin naman siya nagtagal doon dahil nga sa may pasok pa sila but I can say that she really loves my brother. I saw the pain, the hurt in her eyes nang wala man lang kaming nakukuhang reaction from his body for almost two years. "Kass, we're here." I heard Apple shouted at ayun nag-iyakan na sila sa sala. I rolled my eyes and finished my make-up. I can hear Micah sobbing. I went out from my room and saw her hugging my brother. Dominic was not comfortable, I can see it. Inaalis niya kasi ang pagkakayakap ni Micah sa kaniya. "Girls, I thought I was the one who you missed?" I asked at lumapit na sa kanila. Hindi ko na sila napigilan nang dumamba sila sa akin para mayakap ako. Muntik pa nga kaming matumba kung hindi ko lang nabalance eh. They shouted on glee and started telling me news. I just laughed on how they make kwento-kwento to me. "Doon niyo na ikwento lahat sa bar bessies." They both nodded. Pagkarating sa bar nila Micah ay sobrang dami ng mga tao. Di mabilang na mga tao. Masyado atang mabenta 'tong bar nila. Sa VIP kami nagpunta at doon nag-inuman at kwentuhan. "Bes. Have you heard, sir Jack is getting married." I almost choked dahil sa biglang pagbalita ni Apple ng napakasamang balita. Siniko siya ni Micah na para bang gustong sabihin na dapat ay hindi na ibinabalita pa 'yon sa akin. I just smiled at them at hindi na lang sila pinansin. Ano bang dapat kong sabihin? Na masakit pa? Na hindi ko gusto ang narinig ko? Baka ay pagbabatukan nila ako dahil sa katangahan ko. Marami pa kaming napagkuwentuhan katulad na lang ng may nanliligaw pala kay Apple habang si Micah naman ay binusted lahat ang manliligaw dahil si Dominic daw ang gusto. Nang medyo umonti na ang mga tao ay napagdesisyunan naming bumaba at magsayaw na muna. sayang din kasi ang outfit namin kung hindi namin ipapangalandakan hahaha. Tipsy na ako habang 'yong dalawa ay mahahalatang lasing na dahil halos hindi na sila makatayo ng maayos at kung magsayaw ay parang mga presong nakawala. Buti na lang ay hindi gano'n karami ang nainom ko. We just danced on the dancefloor. May mga lalaki pa ngang sumubok na makipagsayaw sa amin ngunit iwinawaksi namin ang kamay nila. Ngunit di sila nagpaawat. Hinayaan ko na alng ang kamay ng lalaking nakahawak sa bewang ko at hindi na lang ito pinansin. Baka magkagulo pa eh tsaka sayaw lang naman. Guwapo naman ito ngunit di ko naman type. Sasampalin ko na sana ito ng maramdaman kong bumababa ang kamay nito ngunit naunahan ako ng kung sino mang lalaki dahil sinuntok na niya ito. Hindi naman ako agad nakapagreact dahil sa pagkabigla ko ngunit nang humarap ang lalaki ay halos malaglag ang panga ko dahil sa pagkabigla at kaba. "W-what whaat ar-e" hindi ko matapos-tapos na sabihin. He just smirked at me at binuhat na ako palayo doon. Di ko na rin makita sila Apple at Micah kaya hindi na ako nakahingi ng tulong sa dalawa. Sheeet. 'Yong puso ko. Mukhang nalaglag. "W-wait." I whispered at him. He did not stop on walking at para bang hindi ako narinig. "J-jack." I said. Nang marinig niya ito ay tyaka lamang siya tumigil sa paglalakad. He looked at me na parang nanunuri. Walang mababanaag na kahit tuwa sa kaniyang mga mata. Ouch ha. Hindi ba siya masayang nakita ako? Well, ano bang inaasahan ko? Magpapakasal na nga siya eh. "Please, let me go." At bago pa ako makakurap ay halos hindi ako makahinga sa isinagot niya. "I won't. I will never let you go. I will never do the same mistake again." ---
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD