Ilang araw, linggo, at buwan ang lumipas na masaya ako dahil na rin sa improvement ng relationship namin ni Jack. The truth is hindi naman kami pero I can say that our feelings is mutual. We both like, no, Love is the most appropriate word for our feelings, each other.
Lagi kaming magkasama at minsan ay alam niyo na hihihi pero patago ang lahat. Walang nakakaalam sa kung ano man ang mayroon kami. Tamang mga kaibigan lang at pamilya namin ang nakakaalam.
Well, at first ayaw ni Jack na tinatago namin ang relasyon namin. He said to me na kung maaari ay aalis siya sa trabaho niya to tell the world that I am his but of course, humindi ako. Alam ko kasing pagtuturo ang first love niya. Nahirapan pa nga akong kumbinsihin siya na itago ito.
And now, here I am, sitting on my bed. Nagmumuni-muni sa mga nangyayari dahil purong saya lang ang nararamdaman ko. Natatakot na ako na baka isang araw 'yong sayang nararamdaman ko ay mapalitan ng lungkot.
Sa hinaba-haba ng iniisip ko ay di ko na namalayang nakatulog na pala ako.
Pagdilat ng aking mga mata ay mukha ni mama ang bumungad sa akin. Hindi ko alam kung matatawa ba ako sa itsura niya. Keaga-aga eh parang iiyak na siya.
"Ma, bakit po?" I asked her nang bigla na lang itong humikbi sa tabi ko . ngayon ko lang ulit nakitang umiyak ang mama ko. Hindi ko tuloy alam kung ano bang dapat kong maramdaman.
"S-s-si Dominic." Tuloy lang siya sa paghikbi. Ni hindi niya matapos-tapos ang gusto niyang sabihin.
"Bakit po si Dominic?" Siguro, gumawa na naman ng kalokohan ang kapatid ko. Nasa ibang bansa na nga siya ay abot pa rin hanggang doon ang kalokohan niya.
"Na-naaksidente r-raw siya sabi ng tito mo." Para bang namingi ako sa narinig ko. Hindi man kami masyadong magkasundo ng kapatid ko ay mahal na mahal ko siya
I tried to compose myself. I tried not to cry in front of my mother. Ayokong dagdagan pa ang sakit na nararamdaman niya. Ayokong makita niya na mahina ako.
"What do you mean ma?" Nilakasan ko na ang loob kong tanungin siya.
"Kagabi, he was drunk, nabangga raw sila ng truck."
Halos di na makahinga ang nanay ko. Ito na ba 'yong pasakit na inaalala ko?
Halos pagbagsakan ako ng langit sa mga narinig ko pero walang mas sasakit sa sumunod na sinabi ni Mama.
"Kailangan nating pumunta doon ngayon din para maoperahan na siya. Because the doctors need our consent to operate him. And I think, doon muna tayo magstay for about 3 months dahil di natin masisiguro ang kalagayan niya."
'Yong sakit na nararamdaman ko kanina ay parang nawala dahil mas masakit ang isiping iiwan ko si sir Jack. Siguro masasabing selfish ako dahil mas pipiliin ko si Jack.
Umiling ako kay Mama para sabihing hindi ko kayang umalis. Nagmakaawa ako sa kaniya na kung pwede ay balitaan na lang ako dito ngunit hindi siya nagpatinag.
"Hindi anak. Wala kang kasama dito. We need to go there."
"Ma, paano na lang po si Jack?"
Sa narinig niyang sagot ko ay dumaan sa mata niya ang sakit at galit.
"'Yan pa ba ang uunahin mo anak?"
Tila ba hindi ko narinig ang sinabi ni mama. Nagmatigas ako dahil hindi ko kayang iwan ang mahal ko ng ganon katagal.
Hindi ko inaasahang masasampal ako ng mama ko dahil sa galit niya.
Hindi ko na rin napigil ang pag-iyak ko na kanina ko pa pilit pinipigilan. Masakit. Sobrang sakit. Na pati si mama ay kaya akong saktan.
Hindi na ako pinansin ni mama at nag-impake na ito. Hindi ako gumalaw sa pwesto ko. Nakaupo pa rin ako sa kama ko at nakatulala, iniisip kung paano ko ba matatakbuhan ang problemang ito.
Kahit na ayaw kong sumama at iwan na lang si sir Jack ay wala na akong nagawa. Si mama na mismo ang nag-ayos ng gamit ko at namalayan ko na lang na sakay na kami ng eroplano. Siguro sa dami ng iniisip ko ay di ko na namalayan ang lahat.
Ni hindi na ako nakapagpaalam pa kay sir Jack. Pinatay ko na lang ang cellphone ko upang maliwanagan ako. Hindi ko pa kasi kayang kausapin siya lalo na't nakaalis na kami. Baka pag narinig ko ang boses niya ay bumalik ako at magmakaawa kay mama na hayaan na lang akong maiwan sa Pinas
Iniyak ko na lang ang lahat ng sakit sa buong biyahe. Hindi na rin ako makausap nila mama at papa. Nakatulugan ko na rin ang pag-iyak.
Sa paggising ko ay nasa isang kwarto na ako. Siguro ay binuhat ako ni papa. Hindi na nila ako ginising kanina.
Namumugto ang mata kong lumabas sa kwarto upang hanapin sila mama.
"Nasaan po si mama?" I asked my tito's maid.
She just shrugged at me na para bang nais sabihing hindi niya alam. I just smiled at her and find my way to the corridor.
Bago pa ako makarating sa kusina ay narinig ko sina tito kausap si mama tungkol sa kalagayan ni Dominic. Nakakalungkot lang isipin na 'yong kapatid kong napakamaloko ay naaksidente dahil sa kapabayaan niya.
Bumalik na lang ako sa kwarto ko at sinubukang buksan ang cellphone ko.
10 missed calls. 38 text messages.
I opened each text at galing lahat kay sir Jack. He was asking me if where I am. Hindi ko kayang sagutin ang mga tanong niya dahil ayokong masaktan siya. Siguro, kapag maayos na ang lahat tsaka na ako magtetext sa kaniya. Ini-off ko na muna ang cellphone ko at tinanggal ang sim at pinalitan ito.
I texted my friends saying that I am now in Canada with my family at ibinalita ko na rin ang nangyari kay Dominic. Micah almost fainted on what she heard, buti na lang ay magkasama pala sila ni Apple kaya medyo naging maayos naman siya.
I also told them na wag na muna nilang sabihin kay Jack kung nasaan ako. Naghahanap pa ako ng tiyempo para sabihin sa kaniya.
Lumipas ang ilang araw, linggo at buwan. Ni hindi ko na namalayang dalawang buwan na kaming narito sa Canada dahil na rin sa kalagayan ni Dominic. Nacomatose kasi siya kaya wala na rin akong oras para balitaan sila Micah at makibalita tungkol kay sir Jack.
Napagdesisyunan ko na ngang magchat sa kaniya last week at sinabing nandito ako sa Canada at inaalagaan ang kapatid ko. Nagsorry na rin ako sa kaniya dahil hindi ako nakapagpaalam sa kaniya ng maayos ngunit hanggang ngayon ay wala pa ring reply.
Hindi ko na alam kung ano ng balita sa kaniya. Kung maayos ba siya. Kung naiisip niya pa ba ako.
Bago ako umuwi ng bahay ni tito ay kinausap ako ni mama na baka matagalan pa kami dito. Hindi na ako umangal dahil gusto kong alagaan ang kapatid ko. Kung dati ay ayokong pumunta dito, ngayon ay gusto kong bumawi sa kaniya dahil sa kabutihan niya.
Pagkarating ko ng bahay ay nagbukas agad ako ng f*******:. Kahit na pagod na pagod ako ay ito agad ang inuna ko. Nagbabakasakali kasi ako na magrereply na siya.
Pag-open ko ay binuksan ko agad ang convo namin.
Seen. 11:45 a.m
Kanina niya pa naseen. Gabing-gabi na ay wala pa rin siyang reply. Nakaactive now naman siya.
I tried to compose a message again.
Hi. How are you? I miss you. I'm very sorry about my sudden leave. Sorry kung hindi na ako nakapagpaalam sa'yo. I'm sorry. Please, reply. I really miss you. I love you.
I hit send. I waited. I waited for almost an hour but he just ignored my message.
Doon pa lang alam ko ng may mali. Sa hindi niya pagpansin sa message ko alam kong may nagbago.
I tried contacting Micah and asked her about Jack but she doesn't know anything. Hindi niya alam kung anong meron kay Jack. Hindi na raw kasi sila nagkikita.
I also contacted Apple but she said the same.
Hindi ko namalayang humihikbi na pala ako. Sobrang sakit. Ang sakit isipin na hindi na niya ako naaalala. Well, I should not feel this way dahil ako ang may kasalanan. It's my fault kung nagsawa na siya. Kung ayaw na niya sa akin. Sino ba namang matinong lalaki ang tatanggapin pa ang babaeng nang-iwan?
I checked his f*******: account at doon na talaga lumabas 'yong sakit na nararamdaman ko.
He was happy. Happy with someone else. Marami pa akong nakitang picture. Mayroong nasa bar sila may kasamang babae, mayroon ding nasa beach. I am scared right now. Mayroon na siyang iba. Mayroon nang nagpapasaya sa kaniya ngayon.
I checked the girl's profile. Janine Hyo Ty. A gorgeous fine-lady. Ibang-iba sa akin. Hindi mababakas ang pagkachildish na tulad ko.
Dahil sa sakit na nararamdaman ko ay binlock ko si Jack. Kahit na hindi ko narinig mismo sa kaniya na may iba na siya ay patunay naman ang pictures na nakita ko na may namamagitan sa kanila nung Janine na 'yon.
I deleted his contact and all his sweet messages to me back then. His photos in my phone. Everything about him.
I will make sure na makakalimutan ko rin siya. I will never let him see me fall down. Kahit sobrang hirap na kalimutan siya ay gagawin ko ang lahat para maalis na siya sa puso't isipan ko.
Bago pa ako hatakin ng antok ay naalala ko pa ang mukha niyang napakasaya sa piling ko.
------