PAGKAKITA pa lang ni Linus kay Micah na naghihintay sa lobby ng Raja Amor Suites ay napansin niya na kaagad ang pag-aliwalas ng mukha nito.
"Micah."
She stood up and went straight to him to give him a tight hug. Yumakap din naman siya rito pabalik, ngunit hindi tulad noon na sabik siyang makulong ito sa kanyang mga bisig, ngayon ay tila simpleng kaligayahang makitang muli ang dating kaibigan ang lumukob sa kanyang puso. Isang bagay na hindi maintindihan ni Linus.
Micah has been his bestfriend before they decided to take their relationship to the next level. Malalim na ang kanilang pinagsamahan kaya nga kahit na may iba na itong nobyo, gusto pa rin niyang nakikibalita tungkol kay Micah.
"Kumusta ka na?" tanong nito nang kumalas sa yakap.
"I have a terrible hangover but luckily, the meds is starting to work now so I'm feeling a little better."
Lumamlam ang mga mata ni Micah. "That's... not what I meant." She held him by his hand and gently squeezed it while looking into his eyes. "Anong ginawa ni Iggy sayo, Linus? Did he hurt you? May nagsumbong sa akin. Totoo ba iyon?"
Linus flashed a genuine smile at Micah, but before he could even tell her he's fine, he spotted Ivler going inside the hotel. Nakapamulsa ito at wala na namang emosyong mabakas sa gwapong mukha habang dire-diretso ang lakad na akala mo ay hindi siya nakikita.
"Ivler!" tawag niya rito ngunit sinulyapan lang siya sandali saka dumiretso na sa elevator. Nang makapasok ito sa loob marahil para puntahan si Jael, hindi napigilan ni Linus ang mapakunot ng noo. "Anong problema no'n?"
"Si Ivler Beckham ba 'yon? 'Yong myembro ng Azkals?"
Napabaling siyang muli kay Micah nang marinig ang tanong nito. "Yeah. He's my new friend," he said, surprisingly happy to tell her that he and Ivler are now on that level. Kung bakit ay hindi niya rin alam.
"Talaga? Bakit hindi ka man lang pinansin? Totoo bang masungit 'yon? Laging sinasabi sa mga balita tungkol sa kanya na masungit daw hindi katulad ng kuya niya na si Alvern na very wholesome ang personalidad."
Linus slightly pouted for a moment. "Not really? Maybe it's just Ivler's facial features." Ngumisi siya. "Mukha lang masungit. Baka masakit lang din ang ulo dahil nag-inuman kami kagabi tsaka... isa si Ivler sa tumulong sa'kin no'ng binugbog ako ng mga tropa ni Iggy. Baka badtrip lang siya kay Iggy."
"I knew it." Micah sighed. "Pasensya ka na. Hindi naman bayolenteng tao si Iggy kaya lang grabe din kasi magselos lalo na sayo. Minsan nasasakal na ako kaya nakipag-break na rin muna ako. I'm planning to stay here for a week. Sayang din. Maybe we can catch up a bit before I leave for Barcelona."
"Barcelona? Did you get your dream job?" excited niyang tanong. He knows about that company she's been dreaming to be part of.
Ngumiti ito at umangkla na sa kanyang braso upang yayain siya sa dalampasigan. "Hindi pa sa mismong company na gusto ko pero it's a good start, I guess. Suportado naman ako ng parents ko."
"Kumusta na pala si tita Cassy at tito Kael? Sayang, hindi ako pwedeng magpagala-gala pa sa Manila. Huwag mo na lang din ipaalam sa iba na umuwi ako at baka hanapin na naman si Linel sa'kin."
Micah chuckled softly. "Hindi lang sayo hinahanap si Linel. Pati sa'kin, ano!" She pushed her hair to the back of her ear. "Si mommy okay naman. Maganda ang takbo ng business niya ngayon. Si Daddy na-promote ulit no'ng nakaraan. Ang kulit, ayaw talaga magretiro nang maaga."
"Oo nga pala, paano mo nalamang nandito ako?"
"Si Khane, nag-visit sila dito noong isang araw kaso hindi mo lang sila nakita dahil saglit lang. Kasama niya sina tito Klinn. Sila ang nagsabing nandito ka kaya tinanong ako kung alam kong nandito ka sa MC."
Inalalayan niya ito pababa sa hagdan hanggang sa nakarating sila sa stone path. "Hindi ko nga napansin. Maybe it's Sandro who told them?"
Nagkibit-balikat ito. "Maybe."
They went to the beach side and strolled while talking about how they're doing. Nang mapansin niyang panay na ang paghawi nito sa buhok na hinihipan ng malakas na hangin, pinatalikod niya ito at hinubad niya ang gartered niyang pulseras para pansamantalang gamiting ipit ng buhok ni Micah. Ganoon ang madalas nilang gawin noon kaya palagi siyang may suot na gartered bracelet dahil lagi nitong nalilimutan ang panali sa buhok.
Abala siyang magpusod ng buhok ni Micah nang mapansin si Ivler na patungo sa pantalan ng speedboats kasama ang dalawang babae. Nahuli niya itong nakatingin sa kanila ni Micah ngunit nang tignan niya ay kaagad iniwas ang tingin saka ngumisi sa mga babae.
He doesn't know why he suddenly paused with what he's doing when he saw Ivler lifted one of the girls to help her get to the speedboat. May kung ano ring tila pumitik sa pasensya niya nang mapansin kung papaano hinaplos ng isa pang babaeng kasama nito ang buhok ni Ivler bago nag-usap ang mga ito at nagtawanan. Napasunod pa siya ng tingin sa mga ito hanggang sa minaneobra na ni Ivler ang speedboat palayo.
"Okay na ba, Li?"
"Hmm?" Bigla siyang nagbalik sa sarili nang lingunin siya ni Micah.
"Sabi ko okay na ba? Naitali mo na?"
"Huh? Uh, yeah." Tinapik niya ito sa balikat. "Gusto mo bang sumama sa clubhouse? I bet you'll love it. Ginagamit ko 'yong cabin ni Linel."
Ngumiti ito nang matamis. "Sure."
Hinayaan niya itong umangkla sa kanyang braso habang patungo sila sa golf carts, ngunit habang naglalakad ay hindi napigilan ni Linus ang mapasulyap sa direksyon ng speedboat. Nang makitang tumalon si Ivler sa tubig kasama ang dalawang babae, napailing na lamang siya saka nayayamot na bumuntong hininga.
Sige lang. Kapag nalunod ka na naman. Magpa-CPR ka sa iba.
"IVLER."
Napalingon si Ivler kay Alta na nakakunot ang noo. Nasa pool sila ng clubhouse at nagbababad habang umiinom ng beer. Mukhang kanina pa siya tinatawag ng kaibigan ngunit dahil masyadong okupado ang isip niya ng hindi naman dapat niya iniintindi, hindi niya napansin ang pagtawag ni Alta.
"What's up with you? Kahapon ka pa hindi nakakausap nang maayos. May problema ba?"
Napabuga siya ng hangin. Problema? Wala naman, hindi ba? Kasi hindi naman niya dapat problemahing kahit may sariling suite si Micah, madalas itong manatili sa cabin na ginagamit ni Linus. Pakialam niya ba kung magdamag bang magyanigan ng kama ang mga iyon? Kung mabugbog ulit nina Iggy si Linus, problema pa ba niya iyon eh ito naman ang naglalapit sa sarili sa kapahamakan?
Hindi niya na iyon dapat problemahin... pero ang lintik niyang isip, wala na yatang ibang inintindi kung hindi sina Micah at Linus. Ewan ba niya kung anong nangyayari sa kanya at kahit anong subok niyang abalahin ang sarili, may parte ng kanyang puso na hinahanap ang presensya ni Linus. Is he this attach to Linus already that he seems to not enjoy other people's company as much as he enjoys Linus'? Did he instantly developed a friendly attachment to that asshole?
Natungga niya ang kanyang bote bago niya sinagot si Alta. "Nah, man. I'm good. I'm just thinking about the upcoming season."
Umismid ito. "Akala ko babae, eh."
He smirked. "Parang hindi mo ko kilala. Bihira ko lang problemahin ang mga babae, Alta."
"I know, man."
Tinungga nito ang bote saka may sinabi ulit ngunit hindi niya na nabigyan ng atensyon nang makita niyang nagtungo sa bar area sina Linus at Micah. His gaze darted at Linus' hand that's supporting Micah's lower back. Ni hindi niya napansing dumilim na ang kanyang ekspresyon at lumamig ang kanyang mga mata. Nang mapaangat siya ng tingin sa mga mata ni Linus, kumunot ang noo nito na tila nagtataka.
Ivler doesn't know what's happening to him. Inirapan niya lamang ito saka niya tinungga ang kanyang beer hanggang sa maubos ang laman. Napatawa tuloy nang mahina si Alta saka iniling-iling ang ulo.
"Zaire, pahingi nga ng malakas-lakas na alak diyan para rito kay Ivler. Mukhang may problema 'tong hindi masabi."
Tinaliman niya ang tingin kay Alta. "Knock it off. I'm just having a headache that's all. Kinulang sa tulog."
Umismid ito. "Dalawa ba naman palagi ang inuuwi mo sa cabin mo."
Inuuwi lang para makipag-inuman pero hindi niya ginagalaw. Ewan ba niya kung bakit wala siyang gana. Kapag papunta na roon ang eksena ay pinalalabas niya na ang mga babae samantalang noon ay siya pa itong nag-i-initiate ng lahat.
Since when did he ignore nice meals?
He blew out some air and just went out of the pool. Kinuha niya ang kanyang tuwalya saka siya tuluyang nagpaalam na babalik na sa kanyang cabin. Hindi niya naman napansing mayroong sumunod sa kanya sa lalim ng iniisip niya kaya bahagya siyang nagulat nang bumara sa kanyang daanan si Linus.
"Problema mo, Beckham?" salubong ang mga kilay nitong tanong.
Nagkibit-balikat siya. "Nothing. Why?"
"You've been acting weird since Micah got here. Are you mad at her because of what her boyfriend did to me? Walang kasalanan si Micah."
His jaw clenched. "Do I look like I give a damn if you'll get beaten up again for flirting with your ex?"
Umismid ito. "Then what's with the attitude if you don't, hmm?"
His eyes sharpen. "f**k off, Shault." Nilampasan niya na ito at papasok na sana siya sa kanyang cabin nang muli itong nagsalita.
"Sandro just got a message an hour ago. One week na lang kami rito so fix your f*****g attitude, Beckham. I only have one week to enjoy my vacation before I go somewhere I might die."
Natigilan siya at nilingon ito, ang kanyang ekspresyon ay biglang lumambot. Nang hindi siya nakasagot, humugot ito ng malalim na hininga saka binulsa ang mga palad.
"I'll go fishing tonight. You can come."
Napaiwas siya ng tingin sandali saka lumunok. "I might interrupt you and Micah."
Linus turned his back on him before he answered. "She's not gonna join." He looked at him over his shoulder. "It's just gonna be the two of us..."