1.1

1524 Words
Inangat ko ang tingin ko kay Adrian. Tiningnan niya lang ang nagkalat na pagkain sa kaniyang paanan, bago ibinalik ang kaniyang malamig na mga mata sa akin. Walang bakas ng pagsisisi, walang bakas ng awa. Blangko pa rin ang kaniyang mukha na parang walang kahit anong nangyari. "Tingnan mo ang ginawa mo," bulong ko, habang ang unang luha ay tuluyang pumatak sa aking pisngi. "Pinagpuyatan ko 'yan, Adrian." "Kasalanan mo 'yan. Kung nakinig ka sa unang sinabi ko, hindi sana mangyayari 'yan," walang emosyon niyang sagot. "Ganyan ka ba talaga katigas? Kahit kauntiing respeto lang sa nararamdaman ko, wala?" "Sinabi ko na sa 'yo, Lia. Ikaw ang gumagawa ng sarili mong kahihiyan. Huwag mo akong sisihin." "Napakasama mo, Adrian." "Kung masama ako sa paningin mo, mas mabuti. Para tuluyan mo na akong lubayan." "Hindi ko alam kung bakit patuloy pa rin kitang minamahal kahit ganito ang ginagawa mo sa akin." "Dahil tanga ka. At hanggang hindi mo natututunang rerespetuhin ang sarili mo, mananatili kang ganyan." "Adrian..." "Huwag mo na akong tatawagin muli. At pakiusap, linisin mo 'yang dumi mo bago ka umalis." Tinalikuran niya ako nang tuluyan. Ang mahahabang hakbang niya ay muling nagsimula paitaas sa hagdanan, nilalagpasan ang sarsa ng baked macaroni na tila ba isa lamang itong maduming tubig sa kalsada. Pinanoood ko siyang umakyat hanggang sa tuluyan siyang mawala sa aking paningin sa ikalawang palapag ng gusali. Dahan-dahan akong lumuhod sa malamig na semento. Ang aking nursing uniform ay bahagyang sumayad sa dumi, pero wala na akong pakialam. Ginamit ko ang aking mga nanginginig na kamay para pulutin ang mga piraso ng pasta at ibalik ito sa loob ng tupperware. Ang bawat piraso ng pagkain na hinahawakan ko ay tila ba paalala ng nadurog kong puso. "Lia!" Isang pamilyar at nag-aalalang boses ang narinig ko mula sa aking likuran. Nang lumingon ako, nakita ko ang aking Kuya Luke na mabilis na tumatakbo patungo sa pwesto ko. Hawak niya ang kaniyang t-square at ilang architectural drafting papers, pero agad niya itong ibinaba sa tabi ng bench nang makita ang kalagayan ko. "Kuya..." bulong ko, habang patuloy na umaagos ang aking mga luha. "Diyos ko, Lia! Ano na namang nangyari dito? Si Adrian ba ang may gawa nito?" Galit na galit ang kaniyang mga mata habang tinitingnan ang nagkalat na pagkain at ang aking basang mukha. "Hindi ko... hindi ko lang kasi nahawakan nang maayos, Kuya. Nagmamadali kasi siya," pagsisinungaling ko pa rin, pilit kong pinoprotektahan si Adrian kahit na ako ang duguan ang puso sa aming dalawa. "Huwag mo na siyang ipagtanggol, Lia! Nakita ko mula sa malayo kung paano ka niya tinabig!" Galit na hinawakan ni Luke ang aking mga balikat at pinatayo ako mula sa pagkakaluhod. "Hanggang kailan mo ba gagawin ito sa sarili mo? Tingnan mo ang lagay mo! Pinagtatawanan ka ng mga tao rito!" "Wala akong pakialam sa kanila, Kuya... gusto ko lang naman siyang maalagaan." "Hindi niya kailangan ng alaga mo, Lia! Gisingin mo naman ang sarili mo! Civil Engineering student si Adrian, matalino siya, mayaman, at higit sa lahat, walang puso! Hindi siya ang lalaking nararapat para sa 'yo!" "Pero mahal ko siya, Kuya. Hindi ko alam kung paano pigilan itong nararamdaman ko." "Matuto kang mapagod, Lia. Bilang nakatatandang kapatid mo, nasasaktan akong makita kang ganyan. Araw-araw kang gumigising nang maaga para magluto, tapos gabi-gabi kang umiiyak sa kwarto mo. Para saan? Para sa lalaking hindi ka man lang kayang tingnan nang diretso?" "Kuya, please, huwag mo na akong pagalitan ngayon. Sobrang sakit na ng dibdib ko." "Hindi kita pinapagalitan dahil galit ako sa 'yo. Natatakot ako para sa 'yo, Lia. Dahil baka isang araw, tuluyan mo nang makalimutan kung paano mahalin ang sarili mo dahil sa kaniya." "Seryoso ako sa kaniya, Kuya. Alam kong balang araw, makikita niya rin ang halaga ko." "Kahit kailan, hindi niya makikita 'yan kung palagi mong ipinagpapakasasa ang sarili mo sa kaniya. Halika na, umuwi na tayo." "May klase pa ako sa Nursing Building, Kuya. Kailangan kong pumasok para sa return demonstration namin mamayang hapon." "Paano ka papasok sa ganyang kalagayan? Tingnan mo ang uniporme mo, may mantsa na ng sarsa." "Gagawan ko ng paraan. May extra uniform ako sa locker ko." "Lia, makinig ka sa akin..." "Kuya, pakiusap. Hayaan mo muna ako. Kaya ko ito." Binitawan ako ni Luke nang may mabigat na buntiong-hininga. Kinuha niya ang basahan sa may janitor's closet sa di-kalayuan at siya na mismo ang naglinis ng natitirang sarsa sa sahig habang ako naman ay mabilis na naglakad patungo sa banyo ng mga babae para ayusin ang aking sarili. Nang makapasok ako sa banyo, agad akong humarap sa salamin. Ang aking mga mata ay mapulang-mapula, at ang aking buhok ay gulo-gulo na dahil sa stress. Binuksan ko ang gripo at kumuha ng tubig para hilamusan ang aking mukha. Ang lamig ng tubig ay bahagyang nagpabawas sa init ng aking mga pisngi, pero ang sakit sa loob ng aking dibdib ay nanatili pa ring matindi. Bakit ba napakahirap para kay Adrian na maging mabait sa akin? Hindi naman ako humihingi ng marangyang kasal o ng mamahaling regalo. Ang gusto ko lang naman ay ang tanggapin niya ang pagkain na inihahanda ko para sa kaniya. Ang gusto ko lang naman ay ang marinig ang kaniyang boses na tinatawag ang pangalan ko nang walang halong galit o pagkasuklam. "Lia? Andyan ka ba sa loob?" Narinig ko ang kumatok sa pinto ng banyo. Boses ito ng aking kaklase sa Nursing na si Mia. Mabilis kong pinunasan ang aking mukha gamit ang tissue bago binuksan ang pinto. "O, Mia, bakit?" pilit kong inayos ang aking boses para hindi halatang galing sa pag-iyak. "Kanina ka pa hinahanap ng Clinical Instructor natin. Magsisimula na ang briefing para sa hospital duty natin bukas. Bakit ba andito ka pa sa Engineering Building?" nag-aalalang tanong ni Mia habang tinitingnan ang aking namumulang mga mata. "Umiyak ka na naman ba dahil kay Adrian?" "Hindi... may pumasok lang na dumi sa mata ko habang naglalakad ako sa field," pagdadahilan ko. "Lia, kilala kita. Huwag ka nang magsinungaling. Narinig na ng buong College of Nursing ang nangyari sa hallway kanina. Kalat na kalat na na tinabig ni Adrian ang dala mong pagkain." "Mabilis lang naman ang nangyari, Mia. Hindi niya naman sinasadya." "Hindi sinasadya? Ilang beses ba niyang kailangang saktan ka para marealize mo na talagang sinasadya niya ang lahat? Lia, Doktor ang pangarap mo, Nursing student ka ngayon, maganda ka naman at matalino. Bakit mo ba isinusugal ang dignidad mo para sa isang civil engineering student na saksakan ng suplado?" "Dahil iba siya kapag walang nakatingin, Mia." "Anong ibig mong sabihin?" "May mga gabi na... kapag nag-aaral ako sa study lounge ng campus at gabi na, nakikita ko siyang nakaupo sa tapat na mesa. Hindi niya ako kinakausap, pero alam kong nananatili siya doon hangga't hindi ako umuuwi. Pakiramdam ko, binabantayan niya ako." "Nasisiraan ka na ba ng bait? Malamang nag-aaral din siya dahil marami silang plates sa Civil Engineering! Huwag mong isipin na ginagawa niya 'yon para sa 'yo." "Hindi mo kasi siya kilala tulad ng pagkakakilala ko sa kaniya." "At paano mo siya nakilala? Sa paghabol sa kaniya araw-araw? Lia, tama na. Nakikiusap ako sa 'yo bilang kaibigan mo. Masisira ang pag-aaral mo kung palagi kang ganyan." "Kaya ko namang pagsabayin ang pag-aaral at ang pagmamahal sa kaniya, Mia." "Ewan ko sa 'yo. Bahala ka na nga. Basta dumeretso ka na sa lab ngayon dahil kung hindi, babagsak ka sa return demo natin." Tumango na lang ako at sumunod sa kaniya palabas ng banyo. Nagtungo ako sa locker room para magpalit ng aking extra uniform, bago mabilis na naglakad patungo sa Science at Nursing Building. Buong hapon ay ibinuhos ko ang aking pansin sa pag-aaral ng mga tamang paraan ng pag-inject at pagkuha ng vital signs ng pasyente. Pilit kong ibinabaon sa aking utak ang mga procedures para lang hindi ko maalala ang mukha ni Adrian. Ngunit nang sumapit ang alas-sais ng gabi, matapos ang aming mahabang klase, hindi ko pa rin napigilan ang aking mga paa na muling maglakad patungo sa Engineering Building. Alam ko ang schedule niya tuwing Biyernes. May huling lecture siya na natatapos ng alas-pitong gabi sa isang maliit na classroom sa ikatlong palapag. Naglakad ako sa madilim na pasilyo ng gusali. Kakauntii na lang ang mga estudyanteng naroroon dahil karamihan ay umuwi na o kaya naman ay nasa mga org rooms nila. Ang tanging naririnig ko ay ang tunog ng aking sariling mga sapatos na nagbibigay ng echo sa tahimik na hallway. Nang marating ko ang ikatlong palapag, nakita ko na bukas pa ang ilaw sa Room 302. Dahan-dahan akong sumilip sa maliit na salamin ng pinto. Naroon si Adrian, nakaupo sa pinakahuling upuan malapit sa bintana. Ang kaniyang propesor ay abala sa pagsusulat ng mga formula ng Structural Engineering sa malaking blackboard, habang si Adrian naman ay seryosong kumokopya sa kaniyang notebook. Napakagat-labi ako habang pinapanood siya mula sa labas. Kahit na pagod na siya mula sa buong araw na klase, napakaguwapo niya pa rin. Ang kaniyang salamin ay bahagyang nakababa sa kaniyang ilong, at ang kaniyang kanang kamay ay mabilis na gumagalaw habang hawak ang kaniyang mechanical pencil.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD