ANGELA’S POV Nang makapasok kami sa k’warto ni Janne ay nakita naming tulala lang sya at hindi sya nakilos. Pero nandito na agad si Angelo upang i-comfort sya at samahan. Pero kahit na nandyan si Angelo ay hindi rin iyon sasapat dahil hindi naman sya namamansin. Naaawa ako sa kalagayan nya ngayon lalo na sa nangyare sa kanya nang kidnapin sya ni Death. “P’wede bang iwan nyo muna kami?” tanong ko sa kanila at saka sila nagkatinginan. Tumango sila bilang sagot at saka sila umalis ng k’warto at umalis na sila. Umupo ako sa tabi nya at saka ako bumuntong hininga. Hindi ko naman sya masisisi dahil alam kong na mahal na rin ito sa kanya. Pero alam kong hindi lang ito basta dahil lang sa nawala ang kanyang Mommy at alam kong dahil din ito sa nangyare sa kanya no’n sa mundo ni Mave no

