ANGELA’S POV “Hindi ko alam ang tinutukoy mo,” maang na sabi nya. “Hindi mo ‘ko maloloko,” sabi ko at saka ko sya sinugod. Hindi ko alam kung anong balak nya kay Janne, pero hindi ako natutuwa sa mga nangyayare ngayon. Nasalagan nya ang tirada ko dahilan para makatitigan kaming dalawa. Pero hindi ako nagpatalo sa kanya at sa pagkakataon na ‘to ay bigla nya akong tinulak dahilan para tumalsik ako. Hindi nya ako pupuntiryahin dahil alam kong hahabulin nya si Anghelo. Agad na bumawi ako at saka ko sya sinugod at saka ko sya sinundan. Sa kahabaan ng hallway ay nakarating kami sa dulo at mula sa kinalalagyan ko’y pinalitan ko ang espada ko ng pana at saka ko tinutok sa kanya. Nang mapakawalan ko ito ay saka naman sya natamaan dahilan para madapa sya at agad akong pumunta sa gaw

